(9) Kabanata

18 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

Kasalukuyan akong nakaupo na may tuwalya sa aking kanang balikat habang may hawak na tubigan. Iginala ko ang aking mata sa malawak na swimming pool dito sa Campus. Sobrang ingay ng mga studyante na nasa pool karamihan ay mga babaeng nagtitilan at nagpipisikan ng tubig sa isa't isa.

Binaliwala ko lang ang mga babaeng nagpapansin sa akin. P.E class namin ngayon at ngayong araw ang activity namin kung saan ituturo hindi lang paglalangoy pati na mga galawan at precautionary measures.

"Di ko talaga maalis ang tingin ko sa kay Natalia, dude! ang ganda niya sobra!" Pagsasalita ni Tyler sa gilid ng inuupuan ko, nakaupo rin ito at kagaya ko may tuwalya sa balikat.

"Hoy! wag ka nga mang-agaw ng akin, dun ka nalang sa babaeng yun oh" Singhal sa kaniya ni Van habang tinuturo yung babae na nag-iisa lang kabilang lane.

"Yaks! Salamat nalang bro di ko type ang mga manang manamit" Angal ni Van saka pabirong sinasakal niya si Tyler.

Tinukod ko ang aking kaliwang siko para makasuporta ang aking ulo, nakikimasid lang ako sa paligid pero hindi ko maiwasan na lumingon pabalik sa multong manang na nakayukong nakahawak ang dalawa nitong kamay sa tuhod.

Nakasuot ito ng one piece swimsuit na katulad sa mga babaeng nagtatawanan, ito yung uniporme ng mga kababaihan kapag may ganito kaming Activity. Nagtama ang aming mata kaya pasimple kong iniba ang tinitignan ko, nagsitindugan bigla ang balahibo ko sa pagtitig lang niya.

She's really creeping me out whenever our eyes meet or whenever she's near around me. Dang it!

"Get back to your line, 20 minutes break is over...Let's start, you! you go first" Sigaw na sabi ng aming P.E instructor.

Hindi na ako bumalik sa linya kasi tinatamad akong tumayo, paki nila wala ako masyado sa mood ngayon gano'n din ang ginawa ng mga kasama ko sa aking tabi kaya kami nalang ang naiwan dito sa bandang gilid ng upuan habang sila ay nasa linya.

Wala na ring magawa ang P.E instructor namin kasi alam niya kung saan siya ilulugar kapag ako binangga niya. Hindi niyo magugustuhan kung paano ako magalit lahat dito sa buong Campus nakita kung paano ang magalit ng sobra.

"Bro, tignan niyo ang manang nakakatawa talaga siyang pagmasdan" Ngiting sabi ni Van sa gilid ko.

"Hindi ko aakalain na may transferee tayong kaklase" - Sky

Nagsitanguan ang tatlo sa sinabi ni Sky, nakamasid lang ako sa kanila kung paano tinuro ng instructor namin ang mga dapat gawin at tamang gawin.

Halos kaming lima dito ay nanonood lang, nung si multong manang na ang tinawag lahat kami nakatingin sa kaniya ang iilan mapa-babae man o lalaki ay nagbubulungan at nagtatawanan ng mahina.

Pansin ko kung paano nanginig ang tuhod nito na para bang natatakot siya pero kita ko sa mukha niya ang determinsayon at pagpapakalma sa sarili niya hindi ko mapigilan na matawa sa kaniya.

She's hilarious! Fuck!

"Uy bro, nakangiti ka yata diyan ah? yung transferee student ba ang dahilan niyan?" Pangungutya sa akin ni Van kaya sinamaan ko siya ng tingin na mas lalong ikinatawa nilang apat.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon