(41) Kabanata

6 1 0
                                    

-GWEN POV-


Hindi magkanda tigil magsiunahan yung butil ng luha ko habang tumatakbo papalayo sa restaurant na kinainan namin ni Kevin.


Hindi ko inaasahang magkita kami sa iisang restaurant sa sobrang dami pa naman ng restaurant na kakainan nila doon pa talaga sa napili namin?

Nilalaruan ba talaga ako ng tadhana? Kasi kung oo ay hindi ako natutuwa sa pag-cross ng landas namin ni Kamahalan. Speaking sa lalaking kinasusuklaman ko na ngayon napakasakit isipin at itatak sa utak ko na wala lang iyon kasi una palang wala naman talaga akong karapatan na umiyak ng ganito at masakatan ng sobra sobra eh dahil wala akong karapatan.


Hindi ko na pinapansin ang mga nababangga ko'ng tao habang walang tigil ako kakatakbo papalayo at papalabas sa letseng mall na'to! Hindi ko talaga lubos maisip na makakaramdam ako ng sobrang sakit sa puso ko.


Ang sakit sakit na sobra! Ito ba talaga yung mararamdaman mo kapag na in love ka sa unang pagkakataon? Kasi kung oo, pota napakasakit pala talaga sa inaasahan ko.

"Rhyee! Hintay naman oh!" Pagtawag ni Kevin sa likuran ko.


Hindi ko kayang lingunin siya ngayon lalong lalo na sa ganitong hitsura ko na parang nalulunod sa agos ng luhang walang sawang pumapatak. Hindi ko na kayang makita pa ang pagmumukha ng Chavis na'yon.


Hindi ko na siguro makakaya na harapin pa siya sa nasaksihan niya lalaong lalo na sa reaksyon ko. Binilisan ko pa ang pagtakbo ng makalabas na ako ng mall.


Gusto kong tumakbo ng tumakbo hanggang sa mawala itong sakit sa dibdib ko na parang hindi ko na kayang huminga pa. Ito ang una akong umiyak ng husto sa isang lalaki. Hindi na siguro ako magsabi sa inyo kasi obvious naman diba? na mahal ko si Chavis kahit sa mga araw lang na nagkakilala kami.



Wala naman akong alam sa mga letseng pag-ibig na'yan kasi NBSB ako at walang boyfriend saka ito ang unang beses akong nagka crush, nagkabaliw sa lalaki, nagkagusto at lalong umibig ng grabi.


"Rhyee! Huwag ka ng tumakbo please! Shit!" Sigaw pa rin sa akin ni Kevin habanv walang tigil kakahabol pa rin.


Sa sobrang okyupado ng isipan ko at siguro sa sobrang pagsakit ng puso ko na kulang nalang mapupunit sa sakit ay hindi ko na alam kung ano at kung saan na tumakbo yung paa ko.


Hindi ko na pala namalayan na gabi na pala ng makalabas ako ng mall at parang nakakasilaw na sa mata ko kung paano magsisayawan ang mga bumbilya at ilaw sa bawat makikita ko.


Nakakarinig na ako ng busina ng sasakyan mga sigawan ng mga driver ng jeep at tricyle at halos pagrereklamo nito. Para na akong bingi dahil wala na akong marinig dahil nababalot na yung isipan ko at puso ko ng sobrang sakit at pagkawala na sa isip.


"RHEEEEYYYYYYYYY!" Malakas na sigaw ni Kevin.


Napalingon agad ako sa malakas na busina ng truck na halos ikinakaba at takot ko at parang tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanlaki ang mata ko at ang huli ko ng maalala ay kung paano lamunin ng kadiliman ang paningin ko.




-KEVIN POV-

"RHYEEEEEEEEEEEEEE...no! no! Fuck!"


Malakas ang naging sigaw ko ng masaksihan sa aking harapan ang walang malay at duguan niyang katawan na nakahandusay sa medyong malayong parte ng kalsada.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon