(39) Kabanata

23 1 2
                                    

-GWEN POV-

Tulala ako sa kawalan habang nilalaro ang hindi ko naigalaw na pagkain gamit ang kutsara. Napabuntong hininga na naman ako at hinayaang magsiliparan ang mga nasa loob ng isipan ko.


Nakaramdam ako na may umupo sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin nakatulala pa rin ako at walang ibang gawin kundi mag-isip ng mag-isip. Heto na naman ang puso kong bigla-bigla nalang kikirot at hihinto nababaliw na rin kagaya ko.


Pinipigilan ko lang na hindi na maalala ang nasaksihan ko kagabi sa may pintuan ang dalawang pigurang nagpabasag ng puso ko. Pagod na akong umiyak lahat na yata ng luha naibuhos ko na sa unan ko.


Nakakabaliw din pala magmahal no? Walang kahit anong kasiguraduhan na yung taong gusto mo ay magugustuhan ka rin kasi iba yung laman ng puso at hindi ako yun kundi ibang babae. Nakakainis!


Alam ko na nagiging baliw na ako dito habang ginugulo ang sabog kong buhok gusto ko kasing mawala itong mga lumilitaw sa isipan ko gusto ko ng ilibing ito ng tuluyan para hindi na ako nasasaktan ng ganito kasakit.


Ang gusto ko lang naman ay uminom ng tubig kasi nauuhaw ako pero parang gusto kong ibalik yung oras na nakahiga pa ako sa kama. Hindi ko naman kasi inaasahan yung nasaksihan ko—arghh!


Ayoko ng isipin pa yun parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko na hindi ako kayang lubayin. Nakakabaliw na ng sobra sa totoo lang!

"Penny for your thoughts?" Pukaw sa akin ng magsalita itong katabi ko.


Nang makita ko na si Kevin pala ay pilit ko siyang nginitian at saka binalik ang atensyon sa pagkaing hindi ko nagalaw dahil madaming pumapasok sa isipan ko.


"Mukhang napakalalim 'yang iniisip mo, may problema ka ba? Pwede mo akong sabihan para naman maibsan 'yang pumapasan sa isipan mo... I'm a good listener if you don't know" Ngiting sabi sa akin ni Kevin.


Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga laman ng iniisip ko pero napapaisip na naman ako kung sabihin ko sa kaniya parang binibigyan ko lang siya ng sakit sa ulo wala kasi naman kwenta itong iniisip ko basta ayoko ng pag-usapan pa.



"Wala ito Kevin, madami lang akong naiisip diba malapit na 'yong exam? Nakapag-review ka na ba?" Pag-iiba ko ng topic ayoko ng pag-usapan pa yun nakakawalang gana lang kasi ng araw.



"Kahit di na ako mag review mapapasa ko din naman 'yon, sisiw lang kaya yun sa akin ako pa!" Pagmamalaki niyang sabi sa akin.


May pagkahambog din pala itong si Kevin di ko alam yun ah. Natawa nalang ako sa sinabi niya kahit pilit lang na tawa ang naibigay ko sa kaniya.



"Edi ikaw na ang matalino, Di naman ako sobrang talino na kagaya mo pero siguro mamaya mag-rereview na ako sisimulan ko na mamayang gabi" Matiyagang sabi ko sa kaniya.



"Iyan ang nagustuhan ko sayo ibang iba ka talaga sa mga babaeng naging ex ko na ngayon" Biglang sabi niya para mapahinto ito sa hindi inaasahang salita na nasabi niya.


Lapitin pala talaga sa mga chix itong si Kevin nakalimutan ko na pogi din pala ito at teka gusto niya ako? Ano naman kaya ang nagustuhan niya sa akin? H'wag ka masyadng assuming Gwen.



PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon