(32) Kabanata

14 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

Padabog kong isinara ang pintuan ng kotse ko, wala na ako sa mood ngayong gabi kaya h'wag niyo akong subukan. Ginulo ko ang aking buhok habang papasok sa entrada ng hotel.

Pagkapasok ko palang sa loob ay agad nagsilapitan ang natataranta at kabadong mga staff pati manager ng hotel. What's their problem?

"Y-Young master...nandito po si Madam Veronica sa hotel kanina pa po sana namin sinabi sa inyo pero nagmamadali po kasi kayo kanina, nasa itaas—" Pinaputol ko yung sasabihin niya gamit ang isang kamay ko.

Mas lalo lang tuloy ako nawalan ng mood ngayon, Ano naman kaya ang gusto niya? Hindi pa ba sapat yung sagot ko sa kaniya?

Nakapamulsa akong tinungo ang elevator at ng makapasok ay agad ko namang pinindot yung 20th floor, hinintay ko lang ang pagsara ng elevator.

Mga ilang minuto ay tumunog ang elevator at agad itong bumukas lumabas na ako saka tinungo kung saan ang condo unit ko. Alam ko na may pair VIP Card siya sino pa ba naman siya kung hindi niya magagawa yun? Tsk!

Nang mai-swipe ko ang card ay bagot kong tinulak yung pintuan at hindi na ako nagulat ng makita siya na nakaupo, napaka-feel at home pero hindi parin mawawala ang awtoridad also showing her elegance like you should kneel and kiss her foot.

"What are you doing here?" Walang emosyon kong tanong para mapalingon ito sa gawi ko.

"Is that how you greet your mother Chavis Lee Shun?" Strikta niyang pabalik na tanong sa'kin.

Kung hindi niyo din pala alam ay maypagka maarte din 'tong ina ko sa lahat ng bagay siya yung nagdedesisyon na para ba'ng nakasalalay yung buhay ko kung ano ba dapat ang gawin ko.

Ang hindi ko lang mahanap yung dahilan kung bakit siya nagkaganito, hindi naman kasi ganito dati si Mom bigla nalang kasi nag-iba yung ugali niya noong.....hindi ko na din maalala yung pangyayari parang nawala nalang bigla sa utak ko at nakalimutan na yun.

"Mom, Ano na naman ba 'yong gusto mo ngayon? Kung yun na naman ang sasabihin mo alam mo na 'yong isasagot ko you're just wasting your precious time just to come here and ask me for that nonsence topic" Bagot kong sabi.

Naglakad ako patungong kusina para sana uminom ng tubig dahil nauuhaw ako, gabing-gabi na tapos hindi pa umuuwi yung si Manang? Tss! Edi magsawa siya sa tukmol na 'yon pakialam ko ba!

"Chavis! Why are you not listening to me this time! I'm doing this for your own good and for your future too! I'm just concern anak" Aniya, hindi ko pala inakalang sumunod siya sa akin.

Nagkasalubong yung kilay ko saka siya hinarap. Concern?! Alam ba niya ang pinagsasabi niyang concern?! Eh parang siya na nga yung nagdesisyon kung ano ang magiging kapalaran ko eh! Fuck this shit!

"Mom! Stop acting like I'm still gonna follow you every fucking time! Hindi na ako bata Mom! also I have my own life I know what's the best for me but I won't gonna marry that woman I don't even know her yet nit even see her in personal! Jesus! Please Mom stop doing this to me, nasasaktan din naman ako it's like your taking my freedom to do what I like"

Paawa kong sabi sa kaniya and as what I expected she really have her pride.

Pinakitaan lang niya ako ng napakastrikta niyang mukha hindi naman ako natakot o kung ano kasi sanay na ako na makita yung ganiyang ugali niya. Mahal ko ang ina ko but giving me this kind of god damn life?! No way! Not this time!

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon