(15) Kabanata

15 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

Papauwi na ako galing sa bahay ng pinsan ko may kinuha lang ako saglit dun kasalukuyan akong nagmamaneho habang nakakabit sa kanang tenga ang isang bluetooth device para dito madali akong makatanggap ng tawag.


Huminto muna ako saglit dahil nagkukay pula pa ang traffic lights, gabi na at madami ng mga nagkakalat na vendors sa tabi-tabi nilakasan ko ang tugtog na nanggagaling sa sasakyan ko, napapatap-tap ako ng daliri sa aking manubela naghihintay na mag 'Go'.


Nang umilaw ng berde ay agad ko namang pinaharurot ang sasakyan ko nakatanggap ako ng tawag na nanggagaling sa aking Iphone, mabilis ko namang pinindot ang buton malapit sa aking tenga.


"Wassup bro! Ano pupunta ka ba dito?" Bungad sa akin ni Neil, dinig ko ang nag-iingayan sa paligid niya.


Tae! nakalimutan ko pala na may dadaluhan akong party ngayon sa bahay nila ngayon kasi daw yung kaarawan ng kapatid niya na sobrang kulit, Arianna's Birthday Party his little sister.


"Mabuti tumawag ka sa'kin nakalimutan ko kasi, I'll be there in a minute and tell Arianna my birthday greetings to her" Sabi ko sa linya, madali naman akong naka U-turn at pinaharurot ang pula kong Lamborghini.


"Makakaasa ka bro, oh! and by the way inimbitahan ng magaling kong kapatid si Selene kung okay lang naman sayo" Pahabol niyang dagdag sa kaniyang sinabi.


What the Fuck?!

Napahawak ako sa king sentido habang nagmamaneho sumasakit ito bigla kapag naririnig ko ang pangalan ng magaling kong Ex wala na akong magagawa pa nandoon na saka ayoko namang papaalisin sa hindi ko pamamahay at saka guest yun ng kapatid niya kaya no choice.


"Nagulat nga din kami sa pag-imbita ni Arianna kay Selene alam naman kasi naming lahat kung ano ang ginawa ni Selene no'ng kayo pa" Anito sa kabilang linya.


Mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag inaalala ko ang ginawa niya sakin noong magkasintahan pa lang kami bumabalik ang mga hindi kaaya-ayang memorya sa aking utak.


"Hello? bro? Nandiyan ka pa ba? Hello?" - Neil


Nahagip ng dalawang mata ko ang isang pamilyar na babaeng may bitbit na kahon sa gilid ng daan at ng mamukhaan ko kung sino siya ay agad akong inihinto ang aking sasakyan, mabilis kong tinanggal ang aking seatbelt.



"I'll call you back, Neil" Paalam ko saka agad pinutol ang linya.



Binuksan ko kaagad ang pintuan ng aking sasakyan at nagmamadaling lumabas, nasa kabilang gilid ng daan si manang paika-ika itong lumakad habang nakahawak siya sa kaniyang ulo.


Nagbubusinahan ang nagdadaanang sasakyan ng tinangka kong tawarin ang gitna ng kalye.



Anong ginagawa ni manang sa gitna ng dilim? Hindi niya ba alintana ang mga delikadong tao na kaniyang madadaanan?



"Hoy manang! Aish! Ano bang pumasok sa kokote mong babae ka" Pagtawag ko sa kaniya pero hindi niya ako naririnig sa kabilang daanan.


PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon