(19) Kabanata

16 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

Napapatingin ako sa aking relo ng hindi parin nakakapili si Manang ng mga damit na kaniyang susuotin, napapagod na akong maghintay dito sumasakit na ang pwetan ko kakaupo.



"Manang! hindi ka pa ba tapos mamili? mag-iisang oras na ano pa bang ginagawa mo diyan? nagwi-window shopping?" Nawawalan na ako ng pasensya kakahintay sa babaeng 'to! kung pumili daig pa yung mga ibang babae!


Napatigil nalang ako sa pagbabasa ng bumalik siya sa harapan ko na walang bitbit kahit isang damit, Are you fucking kidding me?!

"Sa isang oras mo kakalibot sa loob ng boutique kahit isa man lang wala kang nadampot?! Sumasakit na nga ang pwet ko kakaupo dito, kakahintay kung kelan ka matatapos pumili ng damit tapos wala ka man lang nabutbit kahit t-shirt lang? Ako ba pinagloloko mo ha Manang?" Asar kong bulyaw sa kaniya para mapanguso ito na hindi naman bagay sa kaniya nagmumukha lang siyang pato.


"Eh pa'no naman! napakamahal ng mga damit nila dito, nahihilo na nga ako kakatingin ng presyo sa bawat damit na natitipuhan ko! alam mo namang wala akong pambayad sa mga damit na'yon napakamahal! mas mahal pa sa damit kong 'to na nabili ko lang sa ukay-ukay!" Pabalik naman niyang bulyaw sa'kin.



Naaasar kong ginulo ang buhok sa pagsagot niya sakin, eh hindi naman siya yung magbabayad, ako!


"Sinabihan na nga kita na h'wag mo ng abalahin pang tignan ang mga presyo ng mga damit, ang sabi ko kumuha ka kang ng damit kung ani ang gusto mo kasi hindi naman ikaw yung magbabayad! ako ang magbabayad ng mga damit na makukuha mo! kanina ka pa naiinis na ako sayo" Pagalit kong sabi sa kaniya para mapangiti ito ng konti habang kumakamot sa kaniyang batok.



"S-Sorry naman Kamahalan di ko kasi alam na ikaw pala yung magbabayad akala ko kasi ako, sige bibitbitin ko na yung mga damit na natitipuhan ko kahit nahihiya ako pero baka mabigwasan mo na naman ako" Aniya habang nagmamadaling bumalik sa mga damit na ibinabalik niya siguro.

Napapahawak ako sa aking sentido dahil sa sakit habang pilit na pinapakalma ang sarili ko sa inis at galit sa kaniya, nakakaubos yung pasensya ko sa Manang nayon! Nakakaumay sarap ibitin patiwarik.


Naghintay ako ng mga ilang minuto ay nakabalik narin sa wakas si Manang habang butbit yung mga damit at karamihan dun ay oversized t-shirt saka pantalon.


"Wala ka talagang ka taste-taste man lang sa damit Manang? halos araw-araw ay makikita kitang suot ay maluluwang na T-shirt saka nakapantalon pati sa Campus yan din yung sinusuot mo kapag naka-civillian ka" Wala na akong ibang masabi pa kasi pinapasakit niya lalo yung ulo ko.



Kahit wala akong pakialam sa mga damit pambabae ay bilang isang nakasaksi sa pananamit ni Manang ay hindi ko naman mapigilang mainis dahil sa wala niyang kataste-taste kahit sa pananamit man lang? Babae ba talaga siya?


"Sige ilagay mo nalang dun sa cashier 'yang mga natipuhan mo at ako'y maghahanap ng ibang damit para sayo, kahit ayokong pumipili ng mga damit niyong babae ay gagawin ko nalang kasi nakakasawa narin kasi 'yang suot mo araw-araw" Walang ganang sabi ko sa kaniya saka siya nilampasan at naghahanap ng mga damit.



Sa sobrang inis ay kahit ano nalang ang pinagkukuha ko sa makikita ng mata ko, halos hindi ko na madala lahat ng nadampot ko ay agad naman akong pumunta sa cashier at agad inilapag ito.



"Hala jusko po! Bakit napakarami niyan Kamahalan? Kulang nalang ata pakyawin mo na lahat ng paninda nila, ibalik mo nalang kaya 'yang iba saka hindi ko naman masusuot 'yan lahat" Angal ni Manang sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin para mapahinto ito sa pagsasalita.


Ayokong makipagsagutan muna ngayon kasi nawawala na yung energy ko kapag siya yung kaaway ko, ibang klase din kasi yung energy ni Manang kapag sa mga talakan hindi papatalo.


Mabilis namang ini-scan ang mga presyo ng bawat damit, pantalon, short at iba pa habang yung natapos na sa pag scan ay nilalagay na sa mga kahon na lalagyanan.


"Your total amount, Sir is 985,995 pesos, do you have a credit card sir?" Sabi nung manager ata sa boutique na'to.



Agad ko namang binigay ang credit card ko na agad din naman itong kinuha at iniswipe tapos masayang ibinalik sa akin.



"Thank you for shopping Sir, balik po kayo dito sa susunod" Sabi nilang lahat at bahagyang nag-bow.



Tinignan ko si Manang sa aking tabi hindi na gumagalaw kaya siniko ko 'to para mapabalik siya sa riyalidad, napatingin naman siya sakin na parang hindi parin nito naproseso sa utak ang isang bagay.




She's being paraniod again, hyss!


"Hindi ka na ba kikibo diyan at dalhin 'yang mga damit mo? I'm not helping you carry your clothes though I know it's heavy and so many but you need to exercise your arms para naman magkalaman 'yan, Tara na! may bibilhin pa tayong kakailangan mo" Nasabi ko nalang saka nauna ng lumakad papalabas sa boutique.

Nilingon ko si Manang sa aking likuran na nagdadabog na lumalakad habang hirap na hirap niyang binitbit ang nga bag na naglalaman ng punong-puno niyang mga damit kaya hindi ko mapigilang matawa sa sitwasyon niya, nakonsensya naman ako kaya kinuha ko sa kaniya ang sampong bag ng mga damit ang alam.



"Manang bilisan mo diyang maglakad napapag-iwanan ka na" Tawag ko sa kaniya, ramdam ko naman na nasa may gilid ko na siya.



Nilingon ko ang nakangiti niyang mukha habang naglalakad sa tabi ko, hindi ko din mapigilang mahawa sa ngiti niya.



"Why are you smiling like a stupid old lady?" Asar kong sabi sa kaniya para mapalakas ang pagsiko niya sa akin.


"I'm not stupid! Nakaka-imbyerna ka na talaga Kamahalan ah!" Busangot na mukhang sabi niya, napapailing ako habang nakangiti sa reaction niya.


Pumasok ako sa loob ng mga nagbibintang mga perfume at saka mga hygienic na kagamitan and as usual may bumati na naman sa amin pagkapasok namin ni Manang.



"Pumili ka na ng mga pabango na gusto mo saka mga pang hygiene dito lang muna ako, nakakapagod pala mamili" Reklamo ko, umupo na ako kaagad sa upuan.


Tinitigan ko lang si Manang sa malayuan na pumipili ng mga pabango at isa-isang inaamoy ito. Sinandal ko muna ang ulo ko sa headrest ng sofa saka pumikit, iidlip nalang siguro muna ako napagod ako sa pamimili namin.



"Chavis? Is that you sweetie? Oh my god! what a coincidence, right?" Isang matinis na boses at sobrang pamilyar ang bumulabog sa pag-idlip ko.



Mabilis kong minulat ang aking mata kung kaninong boses na tumatawag sa pangalan ko, hindi ko mapigilang mapalunok sa babaeng nasa may tabi ko na nakaupo narin katulad ko.



What is she doing here? Oh god please help me!


A/N: Uh-uh, may kontrabida na atang darating sa buhay ng dalawa nating bida, ABANGAN!

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon