(28) Kabanata

16 2 0
                                    

-CHAVIS POV-


"Putsa mo naman Van! Mang-aagaw ka talaga ng mga babae ko di ka naman mahiya 'no?" - Neil

"Sabihin mo nalang na mas gwapo at nakakalamang ako kesa sayo, hindi naman masama magsabi ng totoo" - Van

"Wow! Nahiya naman ako upakan kita diyan kapag ako naasar mo ng husto, 1vs1 tayo mamaya kung sino satin ang talo" - Neil

"Sus! Sige ba! Paniguradong talo ka din naman sakin" - Van

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsugod ni Neil kay Van na agad namang pinanggitnaan ni Tyler ang pagsugod ni Neil. Mga isip bata talaga ang dalawa hindi yata makokompleto ang araw kung hindi magbangayan.

Napapailing nalang ako sa mga loko loko kong kaibigan habang nilalakad ang hallway patungong Cafeteria. Nakapamulsa lang ako at gutom na sa sobrang tagal ba naman kami pinalabas ng propesor may pasulit pa kasing pinagawa samin.


"Ano ba naman kayo para kayong mga isip bata! kung gusto niyong magsuntukan dun kayo sa boxing ring tapos si Sky ang referee" Sabi ni Tyler sa nanahimik na si Sky sa tabi ko.

"Gago" Matipid na sabi ni Sky sa kay Tyler para matawa ito.

Nang makapasok na kami sa napakadami at nagpipilahang tao sa Cafeteria na agad bungad sa aming lima. Tinungo namin ang bakanteng upuan sa may gilid ng entrada saka umupo.

"Sinong mag-oorder ng pagkain?" Mabilis na tanong ni Van na ngayin ay nakaupo sa rin.


"Ikaw naman yung naka-isip niyan kaya ikaw na ang omorder Van"


Sabat naman ni Neil para mabatukan siya ni Van. Handa na namang sumugod ang dalawa sa isa't isa pero naharangan naman ni Tyler ang aso't pusang sina Van at Neil.


Nilingon ko si Sky sa tabi ko habang busy kakalikot sa kaniyang cellphone na para ba'ng may inoorder na namang masasarap na pagkain siguro snack na naman nito. Hindi na ba ako nasanay niyan kay Sky?

Halos ganiyan na 'yan noong magkakasama kaming lima, parating bukambibig ang masasarap na pagkain wala ng pakialam sa paligid basta sa kaniya makakain siya ay ayos na sakanita yun.


Hindi parin natatapos ang pagsasagutan nina Neil at Van habang si Tyler ang kanilabg tagaawat, sumasakit na yung ulo ko sa kanila at sa mga nakakabasag na boses sa aking tenga kaya mabilis akong tumayo para mapahinto silang apat at tumingin sakin.


"Ako na ang mag-oorder" Walang gana kong sabi para magngisihan ang mga siraulo.


"Yun! Captain yung akin alam mo na kung anong gusto ko paki bilhan mo narin ako ng ice cream yung cookies and cream ah" Magiliw na sabi sakin ni Van.


"Sakin naman bro, yung mac & cheese with carbonara and lemon juice at pakisamahan nalang din ng fries, Salamat bro" Ngiting sabi sakin ni Neil.


"Kahit ano nalang sakin bro hindi naman ako pihikan sa pagkain" Sabi ni Tyler.


Nilingon ko si Sky saka ako tinanguan kaya nairap nalang ako sa hangin, alam ko na kasi kung anong gusto niyang pagkain wala din kasi tung pihikan sa pagkain magkasingtulad lang sila ni Tyler.


"Mga siraulo! pasalamat kayo kaibigan ko kayo kung hindi alam niyo na kung anong klase akong tao" Pinanlakihan ko sila ng mata ang apat na mga gago nginitian lang ako ng napakalapad.


PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon