(27) Kabanata

11 2 0
                                    

-CHAVIS POV-

Hindi na ako mapakaling palakad lakad sa sala habang hinihintay na makauwi si Manang. Saan ba napupunta ang babae na'yon sa ganitong oras? Hindi ba niya alam na gabi na at may naghihintay dito sa condo?!

Akala ko ba nasa library lang ang mangkukulam na'yon noong pumunta ako sa library ay walang ni isang mukha niya ang nakita ko dun! Ako ba ang pinagloloko niya ha?! Argh! Pinapasakit niya lang talaga ang ulo ko naiinis na ako sa galit dito at nawawala na din ng pasensya.

"Kapag talaga nakauwi ka na dito pagtitirisin ko talaga 'yang mukha mo sa inis ko, kababaeng tao napapagabi ng uwi? Sige nga! sinong matinong babaeng gagawa niyan? Tss!" Nangigigil kong sabi habang palakad lakad sa napakalawak na salang 'to.

Napahinto lang ako sa kakaikot at lakad ng may biglang kumatok sa pintuan ko. Nagmamadali ko naman itong binuksan para bumungad sa harapan ko si Manang na masayang nakangiti sa akin. Mabilis naman siyang pumasok sa loob kaya padabog kong sinara ang pinto at nagmartsyang sumunod sa kaniya.

"Bakit napagabi ka ng uwi ha? Don't you know what time is it Manang? It's almost fucking 8 o'clock in the evening! Isa ba'ng matinong babae ang uuwi na ganiyang oras? Hindi mo alam para akong baliw dito kakahintay sayo at nag-iisip ng mga masasamang senaryo kung napano ka na, kulang nalang ata may tumawag sakin at nanghihingi ng ransom kasi nakidnap ka at saka sa'n ka ba galing at napagabi ang uwi mo ngayon? hindi mo man lang ako sinabihan na magagabihan ka!" Walang pakundangan kong bulyaw sa kaniya habang sumusunod kung saan siya pumupunta.

"Ano? hindi ka man lang ba mag-eexplain kung bakit napagabi ang uwi mo? kung bakit hindi mo ko sinabihan na magagabihan ka ng uwi? Bakit hindi ka makasagot sa mga tanong ko sayo ha Manang, ano bang pumasok sa kukuti mo kung saan saan ka pumupunta sa napakadelikadong syudad! Pinapakaba mo ako sa totoo lang-" Naputol ang pagsasalita ko ng sumabat siya.




-GWEN POV-

Hindi ko na siya pintapos dahil naiinis na ako sa pagparatang niya sa akin.

"-Hindi ka pa ba tapos sa mga paratang at walang tigil kakatanong mo sakin? Bawal ba mamasyal ha Kamahalan? pati ba naman saan ako gagala ay dapat updated ka parati? kung makapagsalita ka diyan parang concern ka talaga sa'kin. Alam ko namang wala kang pakialam sakin kahit gabihin ako uuwi dahil isang hamak na utusan mo lang ako at tagapagluto sayo kung kailan ka nagugutom. Hindi naman kasi dapat ako magsabi sa mga ganiyang bagay dahil hindi mo naman dapat gawin 'yan at may sarili tayong buhay! Hindi nga ako nakikialam sa buhay mo tapos ikaw nakikialam ka sa'kin kung ano ang gusto kong gawin? Alam ko namang napakadelikado sa kalsada, I can handle myself so don't think like you care if it is not and also have a concern for me because at the very first place I'm just your Personal Cook nothing more and nothing less. May sarili ka ding kalayaan gayon na din ako hindi ko ikukulong ang sarili ko para maging utusan mo at tagapagluto panghabang buhay, Kamahalan. Napakalaki ng respeto ko sayo sa mga pagtulong mo sakin na hindi ko makakalimutan sa huling hantungan ko. H'wag kang OA diyan pwede? kasi hindi bagay sayo! and I'm sorry for coming late at this evening saka pa'no ako magsasabi sayo kung gagabihin ako ng uwi kung wala naman akong cellphone para malaman mo na magagabihan ako at hindi ka na naging baliw kakahintay sakin! Isa karin palang tanga, psh!"

Napakataas kong sagot sa kaniya para malinawan na siya at tumahimik kakaputak ng butsi niya nakakabasag kaya ng eardrums. Mga ilang minuto hindi siya nakasagot siguro sa hindi niya inaasahang mahaba kong eksplinasyon.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon