(2) Kabanata

26 2 0
                                    

-GWEN POV-


"GWEEEEN! SA'N KA BANG PUTANG INANG BATA KAAA!"


Kinakabahan akong bumaba galing sa ikalawang palapag para lang takbuhin ang pagsigaw ng tsyohin ko. Muntikan na rin akong madapa sa kakatakbo ko pababa. Humihingal akong napahawak sa aking tuhod ng nasa harapan na ako sa sobrang galit ng tsyohin ko.



"Ano po yun tito?" Kahit hiningal pa ako sa pagtakbo ay hinarap ko naman ang aking tito na kulang nakang ay lumabas na yung usok sa tenga pati ilong niya.




Napaigik ako dahil nasasaktan ako sa pagsakal nito sa leeg ko, napahawak ako sa aking leeg kung saan ako sakal ng tsyohin ko. Bigla nalang nagsipatakan ang mga butil ng luha ko hindi lang sa natatakot kung ano ang gagawin niya kundi ay sa hindi ko pa gustong mamatay.



Papa Jesus, tulungan niyo po ako



Maimtim kong dasal habang pinipilit na tanggalin ang kamay ng tsyohin ko na sumasakal sa leeg ko, napapikit nalang ako kasi malapit na akong lagutan ng hininga.




"RAUL! TUMIGIL KA NA!"



Napaupo ako sa sahig at pilit binabawi ang nawalan kong hininga sa pagsakal ng tsyohin sa akin.




Salamat po ng marami Papa Jesus!



Kung hindi lang siguro dumating ang tsyahin ko ay siguro wala na akong buhay ngayon at malamig na bangkay na siguro ako sa sahig. Salamat Tita!




"Ang sabi ko diba sayo na huwag na huwag mong pagbabantungan ng galit iyang inaanak ko! magkamatayan pa tayo dito!"




Galit na sigaw ni tita Maricell habang dinadaluhan ako sa sahig, hagulgol ang iyak ko at nanginginig na kumapit sa braso ng tita ko. Takot akong bumitaw sa braso niya baka ano na namang gawin ng asawa ng tita ko sa akin.




"Pagsabihan mo yang putang inang babae na 'yan na wag niyang pinapainit ang ulo ko! kasimple simpleng gawain dito sa sala di pa niya nagawa ng taman?! tignan mo nga 'yan! nagkalat ang mga basura ang ayaw ko sa loob ng pamamahay ko ang nagkalat kung saan saan na mga basura na madadatnan ko! MGA LETSE! Pabigat lang naman yang bata dito sa pamamahay ko! Kahit ayokong ipatuloy yan dito pero nagmakaawa ka sa akin pero ang kapalit ay magtrabaho siya dito pero tignan mo nga naman!! nagtrabaho ba yan?! HINDI! siguro nga nag-ala prinsesa siya sa puder ko kahit isa lang naman siyang utusan sa bahay nato! KABWESIT! UMAGANG UMAGA PINAPAINIT NIYA YUNG ULO KO! PAGSABIHAN MO YAN! KUNDI PALALAYASIN KO YAN DITO!"




Padabog na umakyat ang tsyohin ko sa ikalawang palapag habang walang tigil na pagmumura ang lumalabas sa bibig nito. Napahikbi nalang ako habang tinutulungan ako ng aking mabuting tsyahin na maupo sa kutsyon nilang upuan.




"Huwag mo na isipin yun, Gwen...Mag-uusap kami ng asawa ko ng masinsinan kaya wag ka ng umiyak diyaan kukuha lang ako ng tubig para sayo"


Ngiting sabi ng tita ko sa akin nang papaalis na siya ay mabilis kong hinawakan ang kamay ng tita ko upang mapigilan siya.



Kahit hinang-hina ang boses ko at garalgal ay pinilit ko paraning sumagot na simpleng ngiti.



"S-Salamat po T-Tita Maricell"




Napahawak naman ang isang kamay ni tita Maricell sa akin na may ngiting hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko, ang ngiting nagligtas sa akin sa kamatayan.




"Walang ano man hija, pangalaga kita ibinilin ka sa akin ng mama mo kaya wag kang mag-alala hangga't buhay at humihinga pa ako, aalagaan kita yan ang promise ko sa ina mo nung pumanaw siya" Pagkasabi ng tita ko nun ay agad niya na din akong iniwan sa maluwag nilang sala para kumuha ng tubig.



Mama...kung siguro buhay ka pa, hindi yata ako nakapasok sa ganitong sitwasyon ko ngayon... miss na miss na po kita mama, gusto ko na pong makasama ka diyan sa kung saan ka man... pagod na po ako.



Napatingin ako sa nagkalat na nga basura na dahilan kung bakit sobrang galit sa akin ang tsyohin ko na muntikan na niya akong mapatay.



Nilinis ko naman ito bago ako umakyat sa itaas para maglinis ng sahig doon.




Napatingin ako sa ikalawang palapag kung saan naka ngisi na parang nakapanalo sa lutuhan ang nag-iisang dalaga at anak nina tita Maricell ang demonyita at Spoiled na dalaga na ngayon ay pinapakitaan siya ng letrang "L" gamit ang daliri nito saka ito tawang tawa hinawi ang mahaba nitong buhok at pumasok sa kwarto nito.




"Erikka" Inis na bulong ko sa aking sarili sabay napakumo dahik sa galit ko sa anak nina tita.




Wala naman akong ginawang mali para kaiinisan at ikagagalit ni Erikka kaya hindi ko ito mawari kung bakit gano'n nalang ang pakikitungo sa akin ni Erikka, kasi nung pag-apak ko palang dito sa puder ng tita Maricell ko ay doon na nagkaletse letse ang buhay ko dahil sa kagagawan ng anak nila.




Masama na noon tumingin sa akin si Erikka nung una palang namin pagkakita, labang anim na taon pa ako noong kinupkop na ako ng tsyahin ko dito sa puder na at sa pangangalaga narin niya.




Hindi ko man tunay na tita si tita Maricell pero sa buong puso ko ay napakahalaga niya sa parte ng buhay ko kasi kung wala si Tita Maricell na nagpalamon, nagbihis at nagpatira sa akin dito ay siguro nasa lansangan na ako nakikisama sa mga batang kalye na namamalimos o saklap ay nagnanakaw ng pagkain para lang mabuhay.




Kaya utang na loob ko si Tita Maricell naging pangalawang ina ko na rin siya dito sa bahay, hindi man ako katanggap tanggap sa mga tao dito sa loob ng bahay lalong lalo na si Tito Raul at ang anak nito na si Erikka at ang nga natitirang kasambahay sa bahay pero alam ko na iisa lang ang tao na tanggap ako bilang ako sa pamamahay na ito ay walang iba kundi ang nag iisa kong Tita, si Tita Maricell.




Limang taon na akong namalagi sa puder ng tita ko at kahit alam ko na wala ng magbabago sa pakikitungo ng asawa ng tita sa akin pati ang maldita nilang anak ay kinakaya ko pa kahit nasa isipan ko ay lumayas nalang, umalis sa lugar kung saan ako pinagmamalupitan at pinaghihirapan pero nasa puso at isip ko na ayaw kong iwanan basta basta nalang si Tita Maricell kasi hindi ko pa nasusuklian ang mabuting ginawa niya sa akin at para sa akin ay kulang pa ang ginagawa ko.




Kaya gusto ko ng sumuko pilit ko parin pinapatatag ang loob ko na malalampasan ko rin ito, because I know for myself that my hardworks will only be my key to escape from this miserable life and turn out to be my successful life at the end.



Laban lang Gwen! Kaya mo 'to! wag kang susuko! Malalampasin rin natin to...sana nga.

A/N: Kaya wag kayong sumuko mga readers kapit lang sa isang nakakahilong rollercoaster na buhay ng dalawang bida natin.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon