(31) Kabanata

19 2 0
                                    

-GWEN POV-

Hindi magsitigilang pumapatak ang mga butil ng traydor kong luha sa aking pisngi na pilit ko itong pinupunusan sa aking dalawang kamay bagkus ay parang water falls na hindi tumitigil sa pag-agos.


Hindi ko naman kasi sinasadya na mabasag yung kaingat ingatan ni Kamahalan na Snow Globe kita ko kasi sa mukha niya na napakahalaga ng bagay na 'yon sa kaniya tapos na basag ko lang? Hyss!

Napaka-careless mo kasi Gwen! Nakaawang kasi amg kwartk niya hindi niya yata yun nasira kaya nausisa akong pumasok dito ng walang permiso.


Alam ko namang mali ang pumasok sa hindi mo kwarto lalong lalo na walang pahintulot kay Kamahalan at sinisisi ko ang sarili ko sa ngayari kung hindi sana ako pumasok hindi sana nabasag yun at hindi magagalit sa akin si Kamahalan.


Kasalukuyan lang akong naglalakad aa gitna ng dilim na ang sinag lang ng buwan ang nagbibigay konting liwanag sa aking dinadaanan. Patay sindi yung mga ilaw ng poste sa dito at hindi mapigilan ang aking sarili na lumukob ng takot at kaba.


Naalala ko na naman yung mukha niya na sobrang galit na kaya na akong ipatapon sa pacific ocean malunod. Nakakapanibago lang kasi yung ugali na pinakita niya sakin kanina, alam ko naman na minsan ay magagalit siya pero ibang iba yung pinakita niyang galit sakin kanina.

Gaano ba ka importante ang Snow Globe na 'yon sa kaniya na mistulang isang lion sa galit at pagsigaw niya sa akin? Hindi ko talaga siya minsan maintindihan, babayaran ko nalang siguro yun o di kaya bibilhan ko nalang siya ng panibagong Snow Globe.

Tama! kaso saan naman ako maghahanap na ganoong desenyo eh gabi na at wala na yatang nagtitinda kapag gabi, hyss!

Napahinto ako sa aking tinatayuan na parang tuod na hindi makagalaw ng makarinig ako ng malakas na boses sa hindi kalayuan sa aking pwesto.

Ano  na ba ang nangyayari ngayon? Bakit ba napaka takaw ko sa mga hindi inaasahang sitwasyon! Kung hindi ka nalang sana nag ala-runaway hotel Gwen!

"Tulong! T-Tulongan niyo po ako—Arghhh! Tama na po!" Rinig kong sigaw ng isang babae na humihingi ng tulong.


Mas lalo tuloy ako hindi makagalaw pilit kong inatras ang aking paa para sana makaalis aa lugar na hindi ko alam kung saang parte na ito ng kalye. Napaka-occupied kasi ng utak ko hindi ko na ako tumitingin kung saan ako dadaan basta makaalis lang sa condo ni Kamahalan.

"T-Tulong po! M-Maawa po kayo sakin w-wala po akong pera na maibigay s-sa inyo—Arghhh!"

"Anong wala kang pera ha?! Kung hindi mo ibibigay sa amin 'yang lahat ng pera at bag mo pwede naman na katawan mo nalang ang kapalit, hindi ba mga tol?"

"HAHAHAHAHA"

Aalis na nalang siguro ako dito at lalayo para hindi ako masama pa sa gulo na'to. Ihahakbang ko na sana ang aking paa at tatalikuran na sila pero hindi ko na naman naigalaw ang paa ko ng sumigaw ang boses ng babae na naghihingi ng tulong at nagmamakaawa.

Napapikit ako dahil hindi ko mapigilan na makonsensya. Babae din kasi ako kaya ramdam ko ang takot at pangamba niya sa kaniyang sarili na nararamdaman ko din yun noon.

PLAYFULLY DESTINED TO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon