Chapter 22

9.7K 146 1
                                    

ALYSSA'S POV:

Nakaupo ako ngayon sa sofa at nag papatugtog ng gitara na kabibili ko lang kanina sa dorm.

Kararating lang rin ng mga team mates ko galing school.

Lumapit naman sa kin si bea.

" Wow ate ly, nag gi-guitar ka? " - bea.

Umupo naman siya sa sahig at pinanuod ako. Kaya napa ngiti naman ako.

" Medyo lang naman. " - Ako.

Naki upo narin si ella na bitbit sa kanang kamay ang test paper at sa kaliwa naman ay.... Pagkain.

" Oh sakit na nang ulo ko. Buti nalang may pagkain. Ly kanta ka nga yung madadala kami sa alapaap. Sige na. " - Ella.

Habang ngumunguya pa yan ng cookies. Grabe talaga tong si besh.

Nagsiupuan naman silang lahat. Tapoa umupo sa tabi ko si den.

" Ate ly kanta na po? makuha man lang kahit konting stress. Pleaseee?" - jia.

Nag wink naman sa kin si singkit. Langyang babae to.

Nag start naman akong kumuskos ng gitara at umawit ng Maybe by neocoulors.

Maybe it's wrong to say please love me too , cause i know you'll never do.

Somebody else is waiting there inside for you.. ohh

Maybe it's wrong to love you more each day , cause i know he's here to stay...

I don't know if this is wrong...
But i know to whom you should belong...

Ummm.. umm oh ohhh"

ng matapos ko ang kanta ay nagpalakpakan naman sila..

Halatang na impress silang lahat. Pati itong si ella mukhang na starstruck. Haha hindi man lang napansin na kinuha na ni singkit ang cookie na hawak-hawak nito.

Maya-mayay sumigaw siya.
Hindi dahil sa nawala ang cookies niya. Dahil sa kilig daw..

" KYAAHH! Den! akin na ulit si Phenom ko! " - ella.

Hawak-hawak pa nito ang ulo.

Tumawa naman kami.

" Bakit naging sa yo ba dati si ly? " - mae.

" Nauna ako no. Di nga type ni den yan nung una eh. " - ella.

Talaga? hindi man lang ba na attract sa akin si den nong unang nagkita kami. ( Guys walang alam si ly na hindi na nga maalis sa isipan ni den  yung mahabang legs niya at hot niyang abs. Haha )

" Why would den let aly go? just for you? No! " - amy.

" Hoy amy! wag mo kung ma english-english. Marunong kang mag tagalog. Ang tinde mo. To tell you guys i was the first one to own aly. Diba den? ang ganda ng boses mo aly ko. Pa kiss nga " - ella.

Alyden ( If This Was A Movie  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon