Kasalukuyang nanunuod ng horror movie ngayon ang buong team dahil sa sabado bukas at walang pasok kaya okay lang kung magpuyat sila sa movie marathon.
Nasa kalagitnaan na sila ngayon ng pelikula at sobrang nakakatakot na yung eksena.
Si ella ay namumulupot na ang katawan kay marge habang hawak hawak pa rin ang popcorn.. ganun din sina fille at gretchen. Si aly naman ay naka back hug kay den na tinatabunan naman ang mata gamit ang kamay niya.
" Baby, ayoko ng manuod. Nasusuka na ko. " - pakiusap ni den.
Sinapo naman ni aly ang noo ni den. Nanginginig nga ang katawan nito.
" Okay ka lang? " - aly.
Umiling naman si den.
" Nahihilo ako. " Matamlay nitong sagot.
Tumayo naman si den at sinundan siya ni aly ng biglang tumakbo si den papuntang lababo at nag sususuka.
Hinagod hagod naman ni aly ang likod niya. Dumating naman si dzi.
" Den anong nangyari sayo? " - pagaalala nito.
Nagsususuka pa rin ito.
" Nahihilo daw siya at masusuka sa movie eh. " - Aly.
Kumuha naman si dzi ng tubig at gamot sa hilo , inabot niya to kay den.
" Oh inumin mo to at mag pahinga kana ha? kahit ako nga medyo nahihilo din masyadong nakakatakot kasi ang pinanuod natin. " - Dzi.
Tumango naman si den at ininom na ang gamot. Inalalayan naman siya ng girlfriend niya paakyat ng kwarto.
" Oh? magsusulo na kayo? " - gretchen.
" Gretchen ang biro nilalagay sa tama. Biglang nahilo at nasuka kasi si den. " - Dzi.
Bigla namang nag alala ang mga kaibigan nila.
" Sorry naman. Okay na ba pakiramdam mo den ? " - gretchen.
Tumango naman siya sa mga kaibigan niya at ngumiti.
Nang makarating sila ng kwarto ay agad siyang pinahiga ni aly sa kama.
Tumalikod na ito ng bigla siyang tinawag ni den.
" Ly, saan ka pupunta? " - den
Nginitian naman siys ni aly.
" Cr lang ako baby. " - Ly.
Ngunit pinigilan siya ni denden.
" By, dito kalang. Natatakot pa rin ako. " - pagsusumamo naman ni den.
Kaya agad siyang nilapitan ni aly at hinalikan sa nuo.
" Iihi lang ako. Babalik ako agad. Hindi kana man niya siguro mauubos pag balik ko. " Pagbibiro niya kaya himpas siya ni den sa braso.
" Bilisan mo ah. " - Den.
Tumango naman si aly.
- - - - - - - - - -
ALYSSA'S POV
Pagkalabas ko ng CR ay nakapikit na.ng mata si den.
Siguro nakatulog na. Humiga nman ako sa kama ko at nag open muna ng twitter. Tiningnan ko naman ang mga comments sa pinost ko kahapon.
@AlyssaValdez2 : @DendenLazaro I love you baby. Thanks for trusting me your heart. :*
[ Photo here ]@EllaDeJesus Ehhh happy for the both of you beshies!
BINABASA MO ANG
Alyden ( If This Was A Movie )
Fanfiction" Come Back, Come Back t-to me. like You would, y-you would... If this was a movie.. Stand in the rain outside 'Til i came out. " and i saw a familiar face staring at me while i was singing. tagos sa buto ko. as if its telling me that she owned me...