🌔Moon 36:Sign-In

643 33 2
                                    

Devon Solaire


"Waaaahhh!! Excited na ako Devon! Sa wakas makakapasok na rin tayo sa castle!" tili ni Heaven sa kabilang cubicle na ikinabuntong hininga. She's noisy rin pala.

"Yeah. So,shut up" malumanay kong sagot habang sinusuot ang gown na tube at may blazer siya. Kulay dark blue ito na pinarisan ng doll shoes na ganun din ang kulay.

May mga accessories din kaso di na ako nag abalang palitan ang meron ako.

Saktong paglabas ko ay siya ding labas ni Heaven na kapareho ko ng suot pero kulay white nga lang at may slit sa right leg.

Bumagay sakaniya ang gown dahil maganda siya at maputi. Hindi ko iniikalang sexy siya dahil fit na fit ang tube gown namin.

"O my! Ang ganda mo Devon! Para kang si Goddess Aphrodite!" puri niya na ikinabuntong hininga ko lang bilang sagot at tumitig sa salamin.

"Same to you" I shot back na ikinakislap ng mata niya at umikot ikot. Napailing na lang ako.

Nagsimula na kaming mag ayos ng buhok. Pa fishtail ang kanya at paikot na tirintas Ang akin. (Flower Braid)

Tinalian ko ito ng dark blue ribbon na hanggang balikat ko ang haba at kumuha ng hairpin saka inipit sa buhok ko.

Tinanggal ko din ang salamin ko at nilagay sa paperbag kung saan nanduon ang mga gamit ko.

"Hindi ka na mag memake-up?" tanong sa'kin ni Heaven na naglalagay ng kolorete sa mukha. Bumuntong hininga ako at kinuha ang liptint. Since mas komportable naman ako dun. Sa harap ng salamin kasi may slab dun at puno ng powder and lipstick (Tint) sa baba nito. Para din siyang Powder Room.

Iiwan din muna namin ang aming gamit dito since may locker at ang papeles lang ang dadalhin namin sa loob.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa palasyo. Bumuntong hininga ako para mabawasan ang kaba sa dibdib ko. Super excited itong si Heaven na muntikan pang matalisod dahil hindi makalma.

"Compose yourself,Heaven." malumanay kong suway at nag thumbs lang ito.

Pagkabungad sa'min ng mga guards ay pinatigil nila kami gamit ang trident nila.

Sino sila at anong sadya?" striktong tanong ng isang guard.

" We are from Clinic Building and We're here to give these papers to faculty" sagot ni Heaven na ikinatango ko. Nagtinginan sila at tinitigan kami ng taimtim.

"Clinic Building? From who ordered you? We are not allowing some liars to our castle" aniya pa ng isa,I sigh.

I was to speak nang unahan ako ni Heaven. "Mr. Guard,sa magagandang mukha ba naming ito ay nagsisinungaling kami?"

Nagtitigan sila ulit. Ang hirap naman nilang maniwala,hayst.

"Hindi pa rin kayo pwedeng pumasok. Hindi na kami naniniwala sa inyo dahil maraming kababaihan na taga Clinic Building ang sumubok na pumasok at ang palaging rason ay ang faculty" hindi ko maiwasang tikwasan siya ng kilay.

"Mr. Guard,sa tingin mo mga mahaharot kami? Duh! We're here for some personal matters!" giit ni Heaven. Napailing na lang ako at the same ay nangangalay. I was the one who hold the papers na binigay ni Papa. Speaking of him,ano kaya ang reaksyon niya ng nagpaalam Si Heaven? He would be curious kung anong sadya namin rito. It would be sneak peak but it turns out like this.

And itong si Heaven naman,nakikipilit sa mga guards. Akala ko nga mahina ito sa sagutan dahil sa nakasalamuha niyang si Catherine,hindi pala. Napabuntong hininga na lamang ako.

Masyado na kaming nagtatagal dito. May kabigatan pa naman ang mga papeles. Mabuti nga at class hours ngayon sa mga Elite Royals.

"Hindi mo talaga kami papasukin?" malumanay kong tanong sa guard. Napahilot ito ng sentido na para bang nakukulitan na sila sa amin.

"Hindi nga pwede,Ms! At kami ang mapapagalitan kung may pinapasok kaming estranghero!" inis na sagot nito na ikinabuntong hininga ko ulit.

"Mukha ba kaming taga labas,Mr. Guard?! E same Academy lang din naman kami ah!" naiinis na sabi ni Heaven at humalukipkip.

"Even so! Malaking responsilidad ang matatanggap nami—"

"At kami hindi?"inis na pagputol ko sa sinasabi ng guard.

"Nakasalalay ang records naming mga taga Clinic Building sa papeles na ito at kailangang ipasa. Kung pinapasok mo kami agad hindi na sana tayo nagpipilitan dito. Come to think of it,Mr. Guard. Mga malalandi ba kami? Eh kung ipabasa ko lahat sayo ang mga papeles na hawak ko ng maniwala kayo. You're wasting our time at we are late in a couple of minutes. At kung mapapagalitan kami hindi ako magdadalawang isip na idawit kayo" mahabang paliwanag ko at malakas na bumuntong hininga. Natahimik ang guard at namutla.

At sa wakas napapasok na rin kami. Sana pala kanina pa ako nagsalita. Nakakangalay pa itong hawak ko. Buti nga at kusang kinuha ni Heaven ang papeles na hawak ko at siya na ang naghawak.

"Ang ganda dito,Devon! Sana dito na lang ako pumasok! Sana tinanggap ko na lang ang offer ni Dad na ditn pumasok!" aniya at luminga linga sa paligid. Nahihimigan ko rin ang lungkot sa mga sinabi niya.

"Dad?" I repeated na ikinatango nito. I looked around at puro pine trees ang nasa gilid May nakaporma itong mga shape at pare-pareho lahat.May Fountain na malaki sa pinakagitna at nagkukulay ito. May bermuda grass din na halatang iniingatan din at semento ang nilalakaran namin.

Kung titingnan sa labas ng gate ay parang anlapit. Malayo pala,hayst. Btw,malapit na kami. Mga ilang hakbang nalang.

"Yes. I have a Dad here. Isa siyang Professional Trainor." sagot niya. Tinitingnan ko siya.

"Paano naging janitress ang nanay mo?" tanong ko pa.Ngumiti ito ng malungkot at bumuntong hininga.

"May...nagawa siyang kasalanan sa palasyo kaya naging janitress nalang siya sa Clinic Building" napatango na lang ako at natahimik nang marinig ang sagot niya.

Nakatapak na kami sa unang hagdanan at sa isa pa bago sabulungin ng dalawang guard ulit na nagbabantay sa entrance ng pinto.

"Before you enter,please sign in to the Log book" striktong sabi nung guard at pinakita sa amin ang Log book sa lamesa nila. Nagtinginan kami ni Heaven at pumunta dun.

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now