🌕Moon 47:Jealousy?

548 27 0
                                    

Devon Solaire

Ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis. Nginiwian ko siya at bumuntong hininga.

"What are you doin—"

*Tsup

"Just a goodluck kiss,my love. Gotta go, see you after the duel" pilyong sambit nito at iniwan akong natulala.

Napahawak ako sa labi ko na hinalikan lang naman niya. It was only a smack pero ang laki ng impact nito sa akin.

Ano bang ginagawa niya? Geez. Nakakailan na siya,ah!

At nagpapaubaya naman ako? St-pid Devon!

"Devon!"

"Dev!"

"Where are you,Devon?!"

Malalim akong bumuntong hininga at bumalik agad sa grupo.

"D-rn! Saan ka ba nagsusuot,Devon?! Pupunta na tayo sa tent!" sermon agad ni Savannah ang bumungad sa akin. Kinunutan ko lang siya ng noo at kinuha ang sling bag ko sa inuupuan naming bench.

"Goodluck,Batch 13!" cheer up sa amin ni Mama at tinapik ang balikat ko. Tinanguan lang namin siya at pumunta na sa gilid ng battle circle at pumasok sa tent.

May hologram din dito sa loob at gulung-gulo ang loob nito.

"Ang kalat nila,tsk!" inis na komento ni Heaven at mabilisang ibinaba ang sling bag saka nagwalis.

Ibinaba na rin namin ang gamit namin at pinalitan ang mga kagamitan nila,pati mga bedsheets na marumi at duguan ay tinapon na namin sa trash bin.

"Since tatlo nalang ang maglalaban,unahin natin sina Prince Shawn at Prince Rein"

Tumingin ako saglit sa hologram nang marinig ang pangalan nila Shawn at Rein na nasa tunnel pa lang at naghahanda. Rinig na rinig ang hiyawan hanggang dito sa loob.

"Ilabas na natin lahat nang mga kakailanganin sa paggamot" sambit ni Savannah kaya kinuha ko na ang sling bag ko at nilabas ang alcohol(s),rounded cottons,injections,anesthesia(s),benda at ilang potions tulad ng healing,at strength. May ginawa din akong healing candies,kung sakali

Maayos na nilagay namin iyon sa tray at sinuot ang kanya-kanyang stethoscope

"Prince Shawn,win!"

Napatingin ulit ako sa hologram. Ngisi lang ang iginawad ni Shawn at hawak hawak naman ni Rein ang kanang braso nito


"Ako nang dadalo" suggest ni Courtney at lumabas ng tent para daluhan si Rein na nadaplisan.

Nang makapasok,ay agad namin siyang dinaluhan at pinaupo sa clinic bed.

"Check his vitals and heartbeat" utos ni Savannah. Agad na ginawa ni Emerald yun at kinuha ko naman ang mga panglinis sa sugat ni Rein

"Excuse" malumanay kong sambit kay Courtney.

"Ah! Here" mukhang nabalik naman ito sa reyalidad at tumabi. Titig na titig kay Rein ah,hmm.

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now