Devon Solaire
Tahimik lang kaming kumakain ni Crush ng pananghalian sa rooftop,na sinet ni Blessary daw kaninang umaga bago magsimula ang leveling, sa taas ng Heal Building.
Also,to tell you mabagal ang oras sa amin dito kaya tanghali palang ng matapos ang first round ng Leveling Up. Next round naman mamaya at limit na lang ang makakapunta sa Arena. Ang mga nanalo sa unang round at kaming mga healers. Ang mga talo ay pwede munang maglakwatsa sa labas ng M.A. or sa baba namin dahil unang week pala ngayon ng Moon Festival sa Moon Market.
"Did you like the food,Devy?" tanong ni Crush kaya tiningnan ko siya na nakangiti sa akin. Tumango lang ako. Basta,nakakawalang gana,parang naiinis ako na ewan.
Uminom na ako ng tubig at tumingin sa tanawin. Kahit sikat na sikat ang araw ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Siyempre,may tolda sa taas namin,kung iisipin parang lunch date na ito.
Napabuntong hininga ako sa naiisip.
"Is there any problem,Devy?" rinig ko na Namang tanong niya. Umirap ako at bumuntong hininga.
"Nothing. Just don't mind me" sagot ko at tiningnan siya. Katatapos lang nitong kumain at nagpupunas sa labi. Umiwas ako ng tingin saka tumayo at hinawakan ang gabayan ng teresa.
How peaceful it is. Hayst.
"Tell,me what's the matter?" bulong niya sa tenga ko. Hindi agad ako nakapagsalita at parang natuod sa kinatatayuan nang yakapin niya ako patalikod at inilagay ang baba nito sa balikat ko.
Ramdam na ramdam ko ang pamumula ko. Parang...parang biglang uminit.
"K-kasi....."
"Kasi ano,hmmm? " paos na bulong niya na ikinalunok ko ng tuluyan. Para akong natauhan at tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Inis ko siyang tiningnan.
"Ba't kasi ang gwapo mo? Ang daming nagkakandarapa na angkinin ka tapos parang wala lang sayo?!" singhal ko rito at napapadyak pa sa pagkainis inis ko sakaniya.
Bigla itong natawa na mas lalo ko pang ikinainis. "Tatawanan mo na lang ba ako?! Nakakainis ka na ah!" asik ko pa at Humalukipkip saka tinalikuran siya at tiningnan muli ang tanawin.
Kalauna'y napapikit ng mariin at napabuntong hininga. Nakakapagod pala. Nakakapagod magselos! Psh!
Nakaramdam muli ako ng yakap sakaniya. "Huwag mo akong yakapin. Naiinis ako sayo" inis pang sambit ko. Natawa muli siya at niyakap pa ako ng mahigpit.
"Ano ba?!"
"Ang Devy ko,nagseselos. Ang cute mo pag nagseselos" aniya na ikinapula ng sobra ng pisngi ko. Geez!
"M-manahimik ka nga! Hindi ako tinatablan sa mga mabubulaklak mong salita!" depensa ko. "At saka hindi ako nagseselos" dugtong ko pa.
"Weh? Patingin nga ng mukha mo?" asar pa niya. Siniko ko siya at napabitaw naman ito sa pagkakayakap sa akin.
"Aalis na ako. Bahala ka nga sa buhay mo" sambit ko pa at nagmamadaling bumaba ng rooftop.
Nakarating ako sa dorm namin kaya naman agad ko itong sinarado at hinawakan ang dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito. Napapikit nalang ako ng mariin sa kahihiyan at malalim na bumuntong- hininga. Napaupo na lang ako sa Sahig at naisip ang isang bagay na hindi ko alam kung masasaktan ako o hindi.
YOU ARE READING
Moon Academy (Under Revision)
Viễn tưởngMOON ACADEMY - a school where lunaphiles are able to learn and polish their abilities and skills for better knowledge and understanding. A school full of talented, gifted and unexpectable students. A school where everyone can exp...