🌙Moon 81:Gone

354 18 0
                                    

Devon Solaire

*ROOAARR!!

I looked at Fenrir when he roared. He slice the lion's head wih his sharp teeth. Itinapon niya ito sa malayo at umungol.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti ng pilit nang lumapit sa direksiyon ko si Fenrir.

Hinaplos ko ang malambot nitong balahibo. Umungol naman ito ng mahina. Pero ng makita ang bultong yelo ni Crush ay agad na na-iba ang timpla at mabilis na dinurog.

Napasinghap ako sa ginawa niya. Pinong-pino na yung bulto. Pinanggigilan niya ng husto.

Napatigil siya sa ginagawa ng maski ako ng makarinig ng hiyaw galing kay Novel. Agad akong sumakay kay Fenrir at lumapit sa kinaroroonan nila.

Yakap yakap nito si Jales na wala nang malay. Sa tabi nito ay si Art na hindi na nagising. Umiiyak na rin sina Hunter at Raven.

Napatingin sa akin si Mama at umiling. Napatakip ako ng bibig.

"D-devon...." naiiyak na sambit ni Heaven kaya bumaba ako at niyakap siya. Ganun din sina Courtney,Savannah at Emerald. They're teary eyed at malungkot ang mga mukha nila.

Napasigaw sa galit at lungkot si Raven habang umiiyak.

Jales,Art,Sin,Wyeth,Scale.

They're gone. Hindi nila kayang lumaban pa. Napaluha ako. I'm very sorry for them.

"Devon..." nagbitawan kami ng yakap nang marinig ko ang boses ni Mama.

"Mama." my voice broke down and immediately hug her. Umiyak ako sa balikat niya.

"I'm very sorry. We did our best to heal them. May lason ang patalim na tumarak sa dibdib nila kaya mabilis ang pagkamatay nila. Isa na lang ang lumalaban." paliwanag niya at bumitaw sa pagkakayakap. Pinunasan nito ang mga luha ko at ngumiti ng malungkot.

"Be strong,honey. Kung sakali,huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkamatay ng mga kasamahan mo." aniya. Tumango ako at kinalma ang sarili. Lumapit naman ang mga kaibigan ko sa akin.

"I'm sorry for their loss,Devon. At ang pagtatraydor sa inyo." Savannah confessed and bowed her head.

Niyakap naman siya agad ni Courtney. "Cheer up,Sav. We won't dump you."

"Yeah. At tsaka naiintindihan namin ang ginawa mo. See? Wala ka namang ginawang masama sa amin." pangungumbinsi ni Emerald at hinawakan ang balikat ni Savannah.

"P-Pero nung d-dinukot k-ko kayo—"

"Nah. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Sumusunod ka lang naman sa utos ni Moiselle." aniya Heaven.

Napangiti si Savannah. "Thank you,girls." niyakap nilang muli si Sav. Napangiti ako ng pilit at malalim na bumuntong hininga.

Nakita kong ginagamot pa lang nila si Hafirsa at mukhang lumalaban pa. Hawak nito ng mahigpit ang kamay ni Shawn. Kita ko sa mukha ni Shawn ang pag-aalala.

Lumapit ako kay Novel at hinawakan ang balikat niya saka umupo sa tabi nito.

"I'm sure they're happy now. Lumaban sila hanggang sa kamatayan." I started. Tumitig sa akin si Novel at suminghot.

"Ba't kailangan pang may mamatay?" she suddenly ask out of nowhere.

I looked at her. At walang pag-aalinlangang niyakap siya. Nagsimula na naman itong umiyak

"I just can't accept the fact that they're gone."

"What a cruel destiny." iyak pa niya. Hinagod hagod ko ang likod nito.

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now