Devon Solaire
Para akong nabingi sa pagsabog. Nanlalabo ang paningin kong tiningnan ang paligid.
May mga tumatakbo papalabas at nagsisigawan pero hindi ko makita ng malinaw ang mga nangyayari.
Inalalayan ko ang sarili kong umupo at pumikit ng mariin para maibsan ang pagkahilo. Ramdam ko din na natanggal ang hoodie ng cloak ko pero hindi tela nito sa ibaba. Buti na lang naitali ko ng mahigpit kanina.
Malalim akong bumuntong hininga at iminulat ang mata saka kumurap kurap. Nakita ko na ang mga lunaphiles na nagtatakbuhan papalabas ng.....aming building!
Nasusunog ang itaas nun na malamang ay sa aming dorm. Dun nanggaling ang pagsabog.
Tumayo ako at binalanse ang sarili dahil muntik na akong matumba. Tiningnan ko ang sila. Ano nang nangyayari? Digmaan na ba?
Pero may dalawang araw pa?!
"Si Mrs. Solaire naiwan sa dorm nila!"
"Si Mrs. Solaire!"
"Tulungan niyo!"
"Tawagin niyo ang asawa niya?!"
"Humingi kayo ng tulong!"
Si Mama....
Parang nawala ang iniinda kong hilo at mabilis na tumakbo patungo sa Healing Building papaloob.
"Ms!"
Rinig ko ang pagsigaw nila sa akin at ang paghiyaw ng iba. Umakyat ako ng hagdan dahil hindi na gagana ang elevator kapag ganito.
Nang nasa ikalawang palapag na ako ay umusbong na ang mga usok. Ang bilis kumalat kaya kailangan kong bilisan.
Agad akong nagteleport sa hagdanan ng ikaapat na palapag at sumalubong sa akin ang napaka kapal na usok. Napaubo ako at tinakpan ang ilong ko gamit ang cloak.
Nahirapan akong pumataas dahil sa usok pero kinaya ko pa rin. Mama ko na ang nalagay sa alanganin.
Ang laki talaga ng galit niya sa amin. Kapag may nangyari kay Mama,I swear,susugudin ko talaga siya ng wala sa oras!
Nakarating na ako sa ikalimang palapag at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang naglalaglab na apoy at ang kumakapal na usok.
Masakit na rin ang mata at ilong ko. Nawawalan na rin ako ng hangin.
Mabilis akong tumakbo paparoon at iniwasan ang mga nahuhulog na nasusunog na bagay.
Lumiko ako at sinulong muli ang naglalagablab na pasilyo. Hanggang sa makarating ako sa pintuan nila. Pinihit ko ito ngunit ayaw mabuksan. Umatras ako at binangga ang pintuan ngunit ayaw paring mabuksan.
Maaaring natabunan na ng mga nasirang bagay.
Napahiyaw ako at mabilis na napa atras nang may mahuhulog na kahoy sa harapan ko.
Naiiyak na ako sa usok at sa inis.
"Mama!" pilit kong sigaw dahil hindi na ako makalapit pa sa pintuan dahil sa kahoy na bumagsak.
"Mama!" sigaw kong muli at napaubo nang mapasukan ng usok. Ang sakit.
"A-anak....."
Nataranta ako at hindi alam ang gagawin nang marinig ang boses ni Mama sa loob.
"Huwag kang bumitaw,Mama! Ilalabas kita diyan!" pagpapakatatag ko sakaniya. Narinig ko ang pag ubo nito sa loob.
Mag-isip ka,Devon! Isip!
YOU ARE READING
Moon Academy (Under Revision)
FantasyMOON ACADEMY - a school where lunaphiles are able to learn and polish their abilities and skills for better knowledge and understanding. A school full of talented, gifted and unexpectable students. A school where everyone can exp...