Devon Solaire
"Happy Birthday,Evo." nagulat ako ng banggitin niya ang pangalawang pangalan ko lalo na nang batiin niya ako. Napayuko at bumuntong hininga saka tumingala. Tinitingnan ang papalayong pigura niya.
Kaarawan ko na pala. Kung ganun,ikadalawang araw na ngayon at huling bilang ng buwan. April 30. Araw ng kapanganakan ko at araw ng pagtatapos ng digmaan.
Kung tutuusing ngayon sana dapat mag-uumpisa ang digmaan pero napa-aga nga lang.
Oo nga pala.
Nagteleport ako patungo kay Evo at hinawakan ito sa balikat. Nakataas ang kilay nitong napalingon sa akin. Bumuntong hininga ako.
"Hindi ba't may usapan kayo ni Savannah?" wika ko na ikinaseryoso ng mukha niya.
* * * * *
Third Person
Nahuhulog na ng pabaligtad ang buong isla pero walang magawa ang mga estudyante dahil sadyang malaki ang isla at malaki ang kabuoan na madadaganan nito.
"Run as fast as you can!" sigaw ni Stan. Agad na nagtakbuhan ang mga estudyante papalayo. Ang mga iba'y gumamit ng mahika upang mapabilis ang pagtakas.
Malapit nang mahulog ang isla kaya't isa-isang nagbitawan ang mga nagsikapit hanggang kay Dennis at naglanding pababa. Kinumpas nila ang kanilang mga kapangyarihan upang lagyan ng gabayan ang bawat gilid ng isla upang hindi bumagsak ng mabilis dahil may mga estudyante pang tumatakbo papalayo.
Ngunit mabigat ang isla at dahan-dahang natitibag ang ginawang gabayan kaya't nilagyan pa nila ng maraming gabayan.
"Faster!!" sigaw na utos ni Maxine dahil nangangawit na ito sa pag suporta sa ginawang gabayan. Nahihirapan na sila dahil sa isla.
"Guys! Go! now!" Dennis commanded at mas niyelo pa ang ginawang gabayan ng isla.
"How about you?! Hindi ka namin pwedeng iwan!" inis na sigaw ni Klaus na nahihirapan na din.
"Hindi natin mapipigilan ang pagbagsak ng isla dahil mabigat. So now! Go!" sagot ni Dennis.
Nagkatinginan pa sila at nagdadalawang isip. Natibag ang ginawang gabayan kaya't mas lalong bumaba ang isla.
Gumawa muli sila ng bagong gabayan upang suportahan ang isla.
"Sabay-sabay tayong aalis! Walang magpapaiwan!" sambit naman ni Prof. Gill.
"One!"
"Two!"
"Three!"
Nagteleport silang lahat kasabay nang pagsira ng gabayan at ang pagbagsak ng tuluyan ng isla.
Hingal na hingal ang siyam na napaupo at nagsitinginan. Bumagsak man ang Moon Academy ang mahalaga ligtas silang lahat.
Ngunit naagaw ang kani-kanilang atensyon ng marinig na nagkakagulo ang mga estudyante.
Nataranta ang lahat maging ang clone ni Devon nang makitang maging hostage ang mama nito ng isang estudyante. Nakatutok sa leeg ni Gievhone ang isang patalim at naaamoy nitong may lason ang patalim.
Paano ba nangyari ang lahat? Ang isang estudyanteng lalake na taga Heal Building ay nanlumo at nagalit nang makitang bumagsak ang buong isla. Sinisisi nito ang mga nakakataas dahil ang alam niya'y pinabayaan lang nila ito. Nawala siya sa sarili kaya't hinanap niya ang asawa ng kaniyang boss at gawing hostage.
"Let go of her." malumanay na sambit ng clone ni Devon ngunit sa loob loob nito ay sobrang takot at kaba na ang bumabalatay sa buong sistema nito.
Ngunit hindi nakinig ang lalaki. "You will just regreting hurting her." sabi naman ni King Stan at sinubukang lumapit ngunit diniin nito ang patalim sa leeg ni Gievhone. Malalim na napabuntong-hininga si Gievhone at kinakalma ang sarili. Walang magagawa ang pag-iyak at pagpanic niya bagkus magiging malala lang ang lahat.
YOU ARE READING
Moon Academy (Under Revision)
FantasyMOON ACADEMY - a school where lunaphiles are able to learn and polish their abilities and skills for better knowledge and understanding. A school full of talented, gifted and unexpectable students. A school where everyone can exp...