🌕Moon 38:Royalties

632 32 0
                                    

Heaven Astrid

"A-ang lamig mo" bulong ko kay Devon na ikinabuntong hininga nito. Kinakabahan ba siya katulad ko? Napakalamig ng kamay niya,parang patay. Whooo!!

"Hindi namin kasi maintindihan ang mga sinubmit niyong papeles. Can you explain to us before you leave?" nakangiting suhestiyon ni Princess Juliet na ikinakaba ko ng todo todo. My Luna! This the end of my life! Ang ayoko pa naman ay mag explain sa harap nila,baka mapahiya ako. Eto namang kasama ko,parang walang pakialam kahit mga maharlika pa ang nasa harapan namin.

"Hindi niyo ba alam magbasa,Prince and Princess? As far as I know,nakapasok kayo dito sa Elite Royals dahil matatalino kayo. Seems like,my doubts was wrong" napanganga ang ibang officers sa sinabi ni Devon,pati ako. Halos malaglag na ang puso ko sa sobrang kabog nito. Ako ang kinakabahan para sakaniya. Devon is tough as calm as she is. I wish I could be like her.

"P-pardon?"

Hindi makapaniwalang sambit ni Princess Juliet na nanlalaki pa ang mata. Si Prince Shawn ay naging blangko ang mukha. Mukhang nainsulto sa sinabi ni Dev. Devon's words were sharp sometimes kaya nakakasakit ng damdamin. Ano pa bang aasahan ko?

"Know your limits,Ms. Baka nakakalimutan mong taga Clinic Building kayo?" napalunok ako sa sinabi ni Alpha at tumungo.

Alpha Dos was the second ranking sa buong Main at malakas talaga siya. And that White hair guy, King Law is the first rank in the entire Main pero hindi nagsasalita.

Napabuntong hininga na lang si Devon at tumungo,hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil hindi siya interesadong makipag debate kay Alpha.

"Just explain that briefly at pwede na kayong umalis" kung kalmado si Devon, mahinhin naman si Queen Demi Ingrid. 4th ranking dito sa Main.

I never saw their magics pero hinahangaan ko na sila. Mga malalakas sa larangan ng mahika. Queen Demi was indeed pretty dahil isa siyang fairy,pero mas hinahangaan ko sa kagandahan si Devon. May iba siyang ganda na kinahuhumalingan ng mga kalalakihan sa HB (Heal Building) kaso wapakels ang Devy natin.

Devy? I heard from Prince Shawn na parang kinaiinisan ni Devon. Hmm.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Devy—este Devon at pumunta sa harapan. Whoo! Buti nalang. Mas malakas ang loob niya kesa sa'kin. Baka mahimatay ako sa kaba pag ako ang sumabak. Sa mga nakakailang nilang pagtitig parang nakikita na rin nila ang kaluluwa mo. Creepy,right?

"It's all about our Records, from students to teachers to Professional Healers. And some of the papers were a priveleges to our.... Clinic Building" paliwanag niya at medyo bumagal sa last sentence when King Law and Devon met their eyes. Hindi ko alam pero parang may nakatagong chemistry sakanila.

Unang umiwas si Devon at pumunta muli sa tabi ko at bumuntong hininga. Yung para bang na iintimidate siya sa paraan ng pagtitig ni King Law at Alpha Dos. Nakakatakot naman kasi parang mangangain.

Isa pa si Prince Crush na Nakatitig din sa kasama ko. Ano bang problema nila kay Devon? Napapairap pa nga minsan yung ibang mga officers eh.

"Is that it?" parang nabibitin at nanliliit na tanong ni Prince Crush. Sa pagkakaalam ko,naagaw niya ang pwesto ni Prince Iron As a 9th rank.

Tiningnan ko si Devon na bumuntong hininga muli. Mannerism na niya ba ang pagbuntong hininga?

"Did you know the word 'Briefly' PRINCE CRUSH?" may pagkadiing pabalik tanong ni Devon pero malumanay. Inemphasize pa talaga yung pangalan ni Prince na naka poker face.

"Okay,masyado ka nang bastos,girl. Nagmamatapang or nagpapansin?" may pagkainsulto tanong ng isang officer na ngayon ko lang nakita. (pertaining to Novel) pero,Devon is Devon. As usual,pasok sa tenga labas sa isa sabay buntong hininga.

Yumuko muli ako. "Mauuna po kami" magalang kong paalam at hinila si Devon kahit napakalamig ng braso niya. Nakunot tuloy ang noo ko. Nanlalamig ba ang buong katawan nito sa kaba?

Napabuntong hininga ito kaya binitawan ko na siya atmabagal na naglakad. "Nilalamig ka ba Devon? O kinakabahan ka? Dapat kasi hindi mo sinumbatan yung mga yun eh wala tayong laban" mahabang sabi ko na ikinabuntong hininga nito. Sabi ko nga mannerism na niya yan talaga,hayst.

"I'm not nervousing,Heaven. At tsaka,may laban tayo. Hindi sila dugong maharlika,masyado kang takot sakanila" malumanay at diretsahang sagot nito na ikinatahimik ko at tumikhim. Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya pero isinantabi ko muna yun.

"Kahit na,Devy–"

"It's Devon"pagtatama nito at tiningnan ako kaya napakamot ako ng ulo.

"Sabi ko nga,Devon. Pero kasi,mas mataas pa rin sila sa atin. Tapos mga healer lang tayo" malungkot kong saad at nilaro laro ang daliri.

"Psh. I don't even care for their ranks! Kung ipagpapatuloy nila ang pagiging makitid ang utak,babagsak sila ng maaga" pangaral niya na ikintango ko at bumuntong hininga.

"Ang galing mo sa Debate,Dev!" puri ko at pumalakpak. Bumuntong hininga ito at pinatigil ako sa pagpapalakpak.

"Save your claps for yourself,Heaven. Someday,your applausing yourself because you success something you want to achieve in your life" natouch naman ako sa words of wisdom niya,uhhhhh...

"Iiyak na ba ako?" parang t-ngang tanong ko. Eh sa naiiyak ako eh.

"Don't cry. As far as I know,your not a crybaby" sabi niya na ikinaiyak ko. Eh ang sensitive ko kaya. Napasinghap pa ito at napailing.

"Let's go. May hahabulin pa tayong klase" aniya at hinawakan ang kamay ko kasa agad akong bumitaw na ikinakunot ng noo niya.

"Why?"

"Ba't ang lamig mo?" takang tanong ko. Umiling ito at umiwas ng tingin.

"Basta" tipid niya sagot at naunang naglakad. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumakbo para masundan siya.

@binibitterguy

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now