Devon Solaire
"I'm very sorry po. Hindi ko sinasadyang mabangga ka." panghihingi ng paumanhin ni Heaven habang pinupulot ang mga natapon at inilabas ang panyo para punasan ang mukha ng babae pati damit nito.
Maraming nanunuod at walang gustong tumulong na ikinabuntong hininga ko.
"Hindi ba natin tutulungan si Heaven?" kalmadong tanong ko na ikinahalukipkip nila.
"Ewan, at tsaka pag may ganyang nangyayari,walang nakikialam. Ang tingin ng iba sayo pag tumulong ka,pabida o bayani." paliwanag ni Savannah na ikinatikwas ng isang kilay ko.
"Hmm. Tama si Savannah,Dev. Mapapahiya ka lang–kayong dalawa ni Heaven kung sasali ka pa." gatong ni Emerald na hindi nasisiyahan sa nakikita.
"Kawawa si Heaven." anang Courtney at tumayo papalapit kay Heaven.
Napasinghap ako ng malakas na tinampal ng babae ang kamay ni Heaven. Nagulat pa siya sa inakto nito.
"May magagawa ba ang sorry mo kung tapos na ang lahat? Sa susunod,tingin tingin din sa binubunggo mo." mataray na aniya ng babae
"Sorry po talaga." nakatungong sagot ni Heaven na tila napahiya sa nangyari.
"Pulutin mo ang mga yan." utos nung babae kaya walang nagawa si Heaven kundi sundin ito. Napabuntong hininga na lang ako sa nakikita. How can Lunaphile be rude to someone? She's so heartless..
"Hindi porket may posisyon yang mama mo sa opisina ay ginaganyan mo na si Heaven,Catherine. Nag sorry na nga yung kaibigan ko. Napaka walang respeto mo naman." sulpot ni Courtney sa tabi ni Heaven at tinulungan pulutin ang natira. Biglang tumawa yung tinawag niyang Catherine.
"Tsk! Ano bang ginagawa ni Courtney!" naiinis na aniya ni Savannah na tila siya pa ang nahihiya.
"Sinabi nang wag makialam eh!" maktol pa ni Emerald habang nakatitig sa pinapangyarihan.
Nanunuod na lahat ng kumakain rito at paminsan minsa'y nagbubulungan.
Napatitig ako sa kaibigan ni Heaven at Courtney at saka napabuntong hininga. Anong klase silang kaibigan?
"Acting as a hero,Courtney?" nanunuyang tanong ni Catherine.
Hindi umimik si Courtney at siya na mismo ang humawak ng tray saka inalalayan si Heaven at sabay na tumayo.
"Hindi. Pero kaibigan ko ang pinapahiya mo." matapang na sagot nito. Umugong ang bulungan.
"Ha! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako eh janitress lang naman ang nanay niyong dalawa?" sambit nito na ikinaismid ng kasama ko.
"Nakakainis!!" bulong ni Savannah at dumukdok sa table.
"Courtney,tama na..." rinig kong bulong ni Heaven at tumingin sa'min. Kaya napatingin ang iba sa amin.
Yumuko agad sina Emerald at Savannah habang ako ay nakatitig lang sakanila. Bumuntong hininga ako. Anong pake nila? Besides,I don't bother anyway.
"May karapatan kaming lumaban. At hindi ko kinakahiya ang nanay ko.Besides,I am proud to my mother." sagot ni Courtney at inilagay ang tray sa bakanteng lamesa at tsaka kinuha ang kamay ni Heaven.
They walked towards us but suddenly they stop when we heard a loud bang from the tray.
Nilingon namin iyon at si Catherine nga ang may kagagawan. Why is she Love to seeked attentions? I sighed on my thought.
"Wala kayong respeto! Para kayong mga sino eh mga hampas lupa lamang—"
"Can you just stop saying that to my friends? Kakairita ka na,Catherine! Have some manners!" padabog na pagputol ni Emerald kay Catherine. Sa amin naman napunta ang atensiyon.
Lumapit sa kinauupuan namin ang dalawa at umupo.
"Emerald,isa ka pa! Wala tayong laban diyan!" gigil na bulong ni Savannah at umirap.
"Are you okay?" malumanay kong tanong sa dalawa. Tumango lang sila at nginitian ako ng pilit. I sighed again. They are not okay and I seeing their faces for blaming theirselves in our situation. I sigh again and closed my eyes as I calm myself.
"Pinagkakaisahan niyo ba ako,losers? Oh,and I see. May baguhang loser pa kayong—"
"We're not losers!" asik ni Emeral sa pagputol nito kay Catherine at sinugod saka sinabunutan. Napabuntong hininga ako. They are warfreaks.
Walang gustong umawat kaya tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Savannah na matalim ang Titig sa'kin. Tinitigan ko rin siya.
"Huwag mong sabihin na sasali ka rin—"
"Stop,savannah." pagputol ko rito na ikinanlaki ng mata niya. Bumuntong hininga ako.
"Kaibigan mo ba talaga sila?" malumanay at diretsahan kong tanong na ikinaismid nito at hindi inaasahan ang tanong ko. Natahimik ito.
Pinagpag ko lang ang sarili ko. Hindi ko naman sinabing makikihalubilo ako. Like what they said,hindi ako pabida o bayani. At mas lalong hindi ko sila kaibigan.
Sa buong buhay ko,isa lang ang tinuring kong kaibigan at nagtatapos lang dun nung iniwan niya ako. Ayoko nang i connect ang sarili ko sa iba,masakit.
"Emerald!!" sigaw ni Courtney kaya nabalik ako sa reyalidad at namilog ang mata sa nakita.
Gulung gulo ang buhok niya at mukhang napasaktan. Ang daming galos,samantalang ang kalaban ay gulo lang ang buhok. Matangkad kasi ito at may katabaan pero sexy.
"Wala ka pala eh..." tumingin ito sa amin at lumapit na nakangisi.
Tumakbo sila Heaven at Courtney kay Emerald at inaalayan.
Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang pananghalian. Nagsialisan na lahat ng kumakain at kami kami nalang ang nandito. Wala talagang pakialaman ang mga Lunaphiles dito. Heartless...
Malakas na hinampas ni Catherine ang table namin na ikinapikit ng mata ko. Ang ingay at nakakabingi. Bumuntong hininga ako at dinilat ang mata. Nakatingin ito kay Savannah.
"Ikaw yung babaeng ang suplada at mataray kung tumingin. Alam mo bang naiirita ako sa pagmumukha mo." sabi nito kay Savannah. Bigla siyang tumayo at napaismid ako ng yumuko ito ng paulit-ulit.
"S-sorry po. Sorry. Sorry sa ginawa ng mga kaibigan ko. Sorry dahil naiirita ka sa akin. Sorry dahil—"
"Savannah." pagputol ko rito. Napatingin silang dalawa sa'kin,maging ang tatlo sa likuran namin.
Tumayo ako at hinarap si Catherine. I smirked at her and then look to Savannah
"Why are you saying Sorry to her?" I calmly asked na ikinasinghap nito.
I look at Catherine again,raising her eyebrow.
"Another heroine,I guess."
@binibitterguy
YOU ARE READING
Moon Academy (Under Revision)
FantasyMOON ACADEMY - a school where lunaphiles are able to learn and polish their abilities and skills for better knowledge and understanding. A school full of talented, gifted and unexpectable students. A school where everyone can exp...