🌖Moon 54: Train with Klaus Evergreen

463 24 0
                                    

Devon Solaire


Time check, 4:30 A.M.

Napabuntong hininga ako at naglakad lakad muna. Wala pang araw at mag-uumaga palang ngunit tagaktak na ang pawis at lagkit sa buong katawan ko.

Nag jojogging ako paikot ng paulit ulit sa labas ng Training Ground. Iniikot ikot ang mga fountains ng ilang beses,pahirapang naglaps at nagpush-up,tapos magjojogging ulit.

Buti na lang talaga at nakatulong ng sobra ang liham ni Crush. Parang nawala ang sakit ng katawan ko kahit may mga pasa pa ako.

It's my second day training-with Prof. Klaus or should I say Tito Klaus.

Ginising ako ng ala una ng madaling araw at pinag warm up ng ilang oras. Napabuntong hininga ako at nag jogging muli. Nakabantay lang si Tito Klaus na natutulog sa isang bench. Galing 'no.

Pasimple lang siya tapos ako pahirapan?! Eh kung gawin ko siyang Ice Statue?! Ang sarap sarap pa ng tulog?! Geez!

Umupo na muna ako sa isang bench kung nasaan ang gamit namin. Nagpunas muna ako ng mga pawis ko saka uminom ng tubig sa jug.

Pagkatapos nun,ay inilabas ko ang panulat at papel saka nagsimulang magsulat.



4:50 A.M.








5:01 A.M.









5:31 A.M.









Aisshht!!! Sa sobrang inis ko ay nilakumos kong muli ang papel. Napasandal na lang ako sa bench at nawawalan na ng pag-asang makapag sulat pa. Ang dami ko nang kalat sa ibaba at ni isa ay wala akong nagustuhan sa mga sinulat ko. Malalim akong napabuntong hininga.Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa liham ni Crush?! Hayst

"I'm such a hopeless romantic" bulong ko sa hangin. I give up. Inaamin kong hindi ako magaling sa love letter and such.

"Tsk. Tsk. Tsk. Mawawalan ka talaga ng pag-asa kapag wala kang tiwala sa sarili at puro negatibo ang iniisip mo" napamulat ako ng mata ng marinig ang boses ni Tito Klaus na nakahiga pa rin sa bench nang bigla itong umupo at nginitian ako.

Narinig niya pala ang binulong ko. Hindi naman malayo ang agwat ng benches na kinalalagyan namin. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Is that so,Prof?" malumanay na tanong ko. Nag thumbs up ito at tumayo saka lumapit sa akin. Para lang silang magkapatid ni Sockey kung titingnan. Pero mas bet ko ang ugali ni Tito Klaus.

"Ako gagawa ng love letter mo tapos ikaw,mag warm up ka ulit. Mag iistart tayo ng 6:00 A.M. Go" ani nito at inagaw ang panulat at papel.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kanina pa ako nakapag exercise,Professor." maktol ko. Tiningnan niya ako saglit at kinamutan ng ulo.

" Sige na! Tumatakbo ang oras! Tik! Tok! Tik! Tok!"

"Geez!" inisang aniya at tumayo saka tumakbo ulit. May 15 minutes pa ako bago mag alas sais.

Natapos ang warm up ay nagpunta na kami sa Training Ground. Ibang kwarto naman ang pinasukan namin.

Namangha ako sa dami nang mga armas na nakalapag sa mahabang lamesa. May shooting range din at merong boxing ring. May workout gym sa gilid at meron ding malaking salamin sa likuran namin.

Mas malaki ang kwartong ito kesa sa kahapon. Marami pang iba dito pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang Fencing stage at Archery. Napakalayo ng mga round target.

Moon Academy (Under Revision)Where stories live. Discover now