Pero imagination ko lang pala lahat ng iyon.Hindi ko kayang makipagsagutan sa harap ng maraming tao. Though ang magiging mataray ay nasa dugo na naming mga Hernandez.
Sa aming magpipinsan ay ako lang ata ang nahihiyang magtaray o makipagsagutan sa publiko.
Si Louisse, na matanda ng dalawang taon sa akin at si Celestine, na mas bata naman sa akin, she's just 5, ay parehong mataray. Kahit na si Auntie Lia, ay may pagkamaldita.
May pinsan pa ako sa paternal side, si Miranda, na sumobra sa tapang. Kaedad ko na nga,kahawig ko pa. Kamukhang-kamukha pala.
Siya lang ang ka-close ko sa paternal side. Kami kami lang rin kasi ang nagkakaintindihan.
"Balik sa practice!" Sigaw ng leader. Natanaw ko pa ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng grupo ni Remi. Kanina pa sila titig na titig sa akin.
Napangisi ito kaya naman ay medyo nanliit ako. Medyo lang naman.
Sa buong hapon ng practice namin ay ako ang paboritong initan ng leader namin. Mura dito ,mura roon.
Ilang beses pa akong napagalitan at napahiya kahit na alam ko naman sa sarili kong wala akong namaling routine.
"Sa hapon na tayo mag practice sa sabado. Kasi may memorandum si Ms. Ayuko na i-freeze muna ang lahat ng intrams related activities ng section natin para sa ipapagawa niyang activity." Tumigil siya sandali at uminom sa hawak niyang mineral bottle, "Ipopost ni Ma'am through email ang details ng activity. Lahat tayo ay gagawa non sa saturday morning dahil pagkatapos noon ay magsusunog tayo ng kilay sa kakapractice."
"Dito pa rin ba sa gym ang practice bukas?" Tanong ng kaklase naming mahilig sa Kpop.
"Oo. At Alex, umayos ka bukas kung ayaw mong paliguan na naman kita ng mura." Paalala niya sa akin na may kasama pang irap.
Umismid na lang ako ng palihim. Kung alam ko lang, sinasadya mong hanapan ng butas ang bawat galaw ko.
Pawis na pawis ako nang pauwi na. Hindi ko namalayang magdidilim na pala at ginugutom na ako.
Dinampot ko ang aking telepono sa bulsa ng aking packbag upang tignan kung may nagtext roon. May 2 message roon.
Unang kong binuksan ang mensahe sa akin ni Auntie Lia,
Auntie Lia:
Alexandria? Bat di ka pa nakakauwi? Magtext ka kung anong oras ka makakauwi o kung magpapasundo ka ba.
Nireplyan ko na lang siyang maglalakad na lang ako pauwi dahil wala na masyadong dumadaang tricycle.
Hindi pa naman madilim kahit na nagsisimula ng umilaw ang mga street lights, kaya hindi nakakatakot maglakad.
Habang hinihintay ko ang reply ni Auntie, ay binasa ko iyong natitirang message.
Feliz:
Alex? Mkkapunta k b r2 sa ospital? Un ay kung ok lng.
Napangiwi ako nang maalala ang nangyari. Kumalabog pa ang dibdib ko nang maalala kung paano ko hinamon si Ares na patayin ako. Ang gaga ko talaga! Sino ba namang matinong babae ang manghahamon sa isang basagulero hindi ba?
Hindi ko siya nireplyan pero tinawagan ko si Auntie.
"Alexandria, maggagabi na. Bat hindi ka pa nakakauwi?" Tanong ni Auntie sa malambing na tono.
"Auntie kasi...dadaanan ko po yung kaklase ko sa ospital."
"Osige basta huwag lang magtagal. Saka mag-ingat ka. Itext mo ko kung magpapasundo ka." Paalala niya.
Nagpaalam na ako at pumara ng isang bakanteng tricycle.
Nanlaki ang mata ko nang pagkapasok ko ay may sumunod na lalake papasok.
Amoy pa lang ng kanyang pabango ay napakapamilyar na.
Kumunot ang kanyang noo ng mapagtantong nakatulala ako sa kanya.
"Ano?" Tanong niya sa tonong naiinis.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Kinakabahan ako sa presensya niya pero kailangan kong magtiis.
Natatakot kasi akong totohanin niya ang hamon ko sa kanya.
'Kill me then.'
Nang gabing iyon ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang katagang iyon. Nagsisisi kung bakit hindi ko pinigilan ang sarili.
"Sa ospital, manong." Napakurap ako nang marinig ang malalim at malamig na boses ni Ares. Awtomatiko namang dumapo ang mata sa katawan niya at pinasadahan siya ng tingin.
Sa ospital? Baka nakipag-away na naman at napuruhan?
Napaiwas ako ng tingin. Para sa isang highschooler ay malaki ang pangangatawan niya.
"M-May nakaaway ka na naman?" Lakas loob kong tanong kahit na alam kong sisinghalan niya lang ako.
Hindi ko na inalintana ang naghaharumentado kong puso.
"At makikialam ka na naman kung meron nga? Tss." At umirap siya sa akin.
Natahimik na lang ako. Buong byahe ay walang nagsalita sa amin kaya naman inantok ako ng kaonti.
Namalayan ko na lang na may humila sa akin palabas ng tricycle kaya nabigla ako.
"Bilisan mo." At itinulak niya ako papasok ng entrance ng ospital.
Kahit nalilito ako ay nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nilingon ko pa siya nang nasa lobby na ako at kitang-kita ko kung paano siya nagsindi ng yosi.
Napangiwi ako, Smoker.
Hindi ko na kailangang dumaan sa front desk upang magtanong kung nasaan ang room ng sadya ko rito dahil sinalubong ako ni Feliz.
"Ano kasi...Hmmm..." Nahihiya niyang simula.
"Kuya mo siya, diba?" Tanong ko.
Tumango lang siya saka nagpatiuna na ng lakad.
Nalaman kong ang parents niya pala ang nagpapapunta sa akin dahil gusto nilang magpasalamat kahit na wala naman talaga akong naitulong nun.
Sabi pa ni Feliz, kung hindi ako dumating ay baka hindi tinantanan ni Ares ang kuya niya. Si Felix.
"Bakit nga pala siya-"
"Ewan. Ganun naman talaga palagi ang magkakaibigang yon." Aniya habang hinahatid ako sa bungad ng ospital nang pauwi na ako, "Kapag galit, ang una nilang makikita ang pagbubuntunan."
"You mean...like pampawala ng init ng ulo?!" Tanong kong gulat.
Like what the....hell?
Nginitian niya lang ako at tumango.
May bali si Felix sa rib. Puno ng galos at sugat ang mukha at katawan. May pilay pa siya sa braso at binti. At ang lahat ng ito ay dahil lang sa init ng ulo? Fvck.
Bumalik sa aking isipan kung ano ang itsura ni Felix kanina. He looked like he just visited hell.
Nag-init ang ulo ko. Bakit ang babaw ng lalaking iyon? Nakakaasar!
Natigilan ako sa paglalakad nang biglaang napahinto si Feliz at napaatras. Pauwi na sana ako at ihahatid niya ako sa sakayan ng tricycle.
Di ko namalayan, dahil sa namumuong galit sa loob ko, ay nakalabas na pala kami ng ospital. So hindi lang pala ako ang naaapi dito?
Saka ko na lang namalayang kaya pala napahinto't si Feliz ay dahil may lalaking humarang sa harap namin.
Kita ko kung paano siya, si Feliz, tinakasan ng kulay sa mukha at kung paano siya nanginig.
Ako naman ay tinakbuhan na rin ng galit na namuo sa loob ko kanina.
At nagsimulang magwala ang mga demonyo'ng naroon.
BINABASA MO ANG
Belle of Ares
General FictionYes, you are handsome but i do not love you because of that. Yes, you are rich but I do not love you because of that. Yes, you are smart but I do not love you because of that. You are almost perfect but I do not love you because of that. I love you...