Belle of Ares 1

76 2 3
                                    

I was very conscious of my get up when I entered my new school.

Paano ba naman, most of them were wearing their proper school uniforms while I was wearing PE shorts and shirt.

Hindi ko pa kasi nakukuha sa Chardin ang pinatahi kong uniporme kaya naman ay naiiba ang suot ko.

Lalo pa akong naiilang sa mga tingin nilang humahagod sa pagkatao ko. Eyes from my head, to my toes. Be guys or girls.

Nakakapit ako sa strap ng bag ko habang naglalakad patungong klase. Kahit na nakakailang ang mga matang sabay-sabay kung lumingon sa akin ay hindi ako nagpatinag.

My mom told me that the best way not to look nervous or intimidated, was to raise yer chin a lil. And not to hover. That way, ye'll look confident and, somehow, calm.

Walking through the corridors, filled with students, feels like a death march to me.

Dahil maliban sa may mga lalaking sumisipol ay may mga babae pang nang-iirap.

Whay the hell did I do, now? Whatever.

Bago ko marating ang building ng mga 4th years ay madadaanan ko pa ang field. Kaya naman hinay-hinay talaga ako sa paglalakad roon dahil ayokong narurumihan ang bagong Reebok rubber shoes ko. Nahihirapan kasi akong maglaba.

Pero kahit pala gaano ako kaingat ay madidisgrasya pa rin ako.

Isang lumilipad na bola ang tumama sa bag ko, mula sa likod, kaya naman ay muntikan na akong natumba.

"Aray naman." Napangiwi ako nang makitang naputikan nga ang sapatos ko. Pati ang shoelace ng pangkaliwa ay nalagyan kaya lalo akong napangiwi.

Mahirap pa namang labhan ang sintas ng sapatos.

Nakita kong may lalake'ng lumapit sa bola ng soccer upang pulutin ito at sipain pabalik sa field.

I expect him to say sorry or to compensate pero inirapan lang ako nito. What the...

Should I be the one to say sorry? Err..

Ikinibit-balikat ko na lang iyon. Tutal, hindi naman ako nasaktan at hindi niya naman siguro yon sinasadya. Kaya, hayaan na..

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero kahit naman sigurong hindi ako nasaktan ay dapat niya pa ring humingi ng tawad. Tss. Ang suplado naman.

Nang makalayo ako ay sinulyapan ko ang lalakeng naka-jersey na may pangalang De Ocampo sa likod pero laking gulat ko na lang nang makitang nakatitig rin pala ito sa akin. Nakataas ang isang kilay at tila isang agila na nag-aabang sa bibiktimahin nito.

I turned around.

Ngayon ko lang napansi'ng gwapo pala ang lalakeng iyon. Aww, I should've stared longer. Para nakuha ng photographic memory ko ang kabuuan ng hitsura niya. But...

Darn! Chin up, chest out, Alex! CHIN UP, CHEST OUT!

Act calm and leave in silence! Act normal!

I really have to get out of here. Now that my heart's palpitatin' abnormally. Real, abnormal.

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon