During weekends, it is normal for Alex to be alone at home. But for the past few weeks, having Ares around seems to be the most normal thing for her.
Mas maagang dumating si Ares sa araw na ito kesa noong mga nakaraang araw.
When Alex woke up, nasa kanyang sala na ang binata.
She thought he wouldn't be around today dahil sa pagkakaalam niya ay may basketball game ito kasama ang mga kaibigan laban sa tiga-kabilang school.
Nakasuot ito ng itim na jersey shorts at isang itim na sleeveless. Kumikinang pa ang silver wristwatch nito habang may kinukulikot sa kanyang telepono.
Kasabay ng pagtapat nito ng telepono sa kanyang tenga ay ang pag-angat rin nito ng tingin sa kanya.
"Morning," bulong nito habang tila hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya ng telepono.
She was glad she came out of her room wearing a decent shirt and shorts. Mabuti na lang rin at nakapagghilamos siya. Hindi nakalampas sa kanyang paningin ang ngiting sumilay sa labi ng binata. She thought for a second na iyon marahil ang pinakamahal na ngiting nakita niya.
"Would you rather change your clothes? O iyan na lang ang susuotin mo sa game?" Sabi nito habang pinapasadahan siya ng tingin. Her clothes were fine, she thinks. Pero kung manonood pala siya ng game ni Ares ay mas mabuting magpalit siya ng damit.
"But I'm not-"
"No buts! Either you change or not, we'll leave in a minute." Kumunot ang noo nito saka iniwas ang tingin. Bumaling ito sa kanyang telepono at nagsalita, "Reserve a seat, Dreig. May kasama ako ngayon,"
Gusto niya sanang umapelang hindi siya dadalo pero nang tumalikod ito at tumungo sa kanyang kitchen ay napagdesisyunan niyang umakyat sa kanyang kwarto at magbihis na lamang.
Dali-dali niyang tinungo ang kanyang walk-in closet matapos ang madaliang pagligo. At first, she thought of wearing a dress kaya naman ay nanghalungkat ng maisusuot. She took out a floral black dress. Nakapagdesisyon siyang iyon ang kanyang susuotin. But upon realizing it doesn't suit the place ay nanghalungkat pa siya ng ibang masusuot.
She ended up wearing a jeans and a slightly loose, black sleeveless. Nagmadali siyang isinusot ang isang pares ng sapatos bago bumaba pabalik sa sala.
Nadatnan niyang nagsasara si Ares ng bag at handa ng umalis. It was also then she had realized that she picked a wrong top. Nagmumukha silang naka-couple shirt ni Ares dahil sa pareho ang mga ito.
Namula ang kanyang mga pisngi sa naisip. Lalo naman itong namula sa hiya nang makitang napangisi ang binata habang nakatingin sa kanyang suot. Mabuti na lamang at wala na itong sinabi pa.
Binuhat nito ang dalang bag saka siya iginaya palabas ng kanyang bahay. Nagtaka pa siya nang wala ang sasakyang palaging naghahatid kay Ares. Marahil ay magccommute lang kami patungong City Gym, naisip niya.
Nang nakasakay na sila ng tricycle ay nabigla siya ng sabihan ni Ares ang driver na sa terminal sila ihatid.
"Bat sa terminal?" Tanong niyang hindi makapaniwala, "Akala ko ay sa city gym."
"Mamayang alas onse ang laban sa Maynila."
"Maynila?" Gulat niyang singhap, "Hindi mo sinabi!"
"Hindi ka nagtanong."
Halos manlumo siya sa sagot ng binata. Ni minsan ay hindi niya pa nasubukang bumyahe patungonh Maynila nang naka-commute. At ni minsan rin ay hindi siya tumungo ng Maynila nang hindi inuutos ng kanyang ama.
"Anong sasakyan natin?" Tanong niya rito, "Safe ba ang bus?"
"Matagal pa bago bumyahe ang bus. May bumabyahe namang van kaya pwede na yun." Sagot nito habang inaalalayan siya pababa ng tricycle.
Matapos nitong magbayad sa driver ay hinawakan siya nito sa kanyang pala-pulsuhan at hinila.
Halos di naman makalakad si Alex dahil sa paglakas ng pintig ng kanyang dibdib. She knew for herself that it was because of Ares' touch. Ngunit mas gusto niyang isiping dahil iyon sa bago sa kanya ang lahat ng ito.
To travel without her father's consent. To travel with a...classmate. And to be held tightly by a guy na para bang may aagaw sa kanya. The last thought made her blush kaya naman ay yumuko siya.
She wouldn't want Ares to see her blushing. Baka kung ano pa ang isipin nito.
Ares stopped by a luggage inspection. Dahil sa wala naman siyang dalang bagahe ay nauna na siyang pumasok sa terminal. Hindi niya alam na matao pala ang terminal sa lugar nila.
She stared at Ares from where she stands. Nakatayo siya ngayon sa isang fruitstand kung saan wala gaanong dumadaang tao. Kitang-kita niya kung paano kumunot ang noo ni Ares nang tanggapin nito ang bag mula sa security. Noong una ay akala niyang may problema roon. Pero nang luminga ito sa paligid ay nalaman niyang hinahanap siya ng kasama.
Naisipan niyang lumapit rito nang sa ganon ay hindi na ito maghanap pa. But something tells her to stay frozen from where she stands.
Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib sa di malamang kadahilanan. Nakita niya pang inis na isinuklay ni Ares ang kanyang mga daliri sa kanyang buhok. Now she wondered how it feels to touch his hair. Tiyak ay malambot iyon.
Hindi nagtagal ay nagtama ang mga mata nila. His features were dark, but he's somehow calm now.
Nagmartsa ito patungo sa direksyon niya and she figured he's gonna yell at her kaya naman ay inunahan niya ito. "I want to buy these pero wala akong pera," turo niya sa mapupulang mansanas na nasa tindahan.
Matalim ang tingin nito sa kanya at magkasalubong pa ang mga kilay. Mabuti na lamang at hindi na ito nagsalita pa at naglabas na lamang ng pera. "Limang mansanas raw,"
Agad na lumipad ang kamay ni Alex saka tinampal ang braso ng binata. She was surprised at how Ares talked to the elderly, "Ares!" She yelled, "Magbigay galang ka naman,"
Hindi na ito nagreklamo pa at sinunod na lang siya. Napangisi na lang siya ng marinig ang magalang nitong pagtanggap sa supot ng mansanas, "Salamat po' ale."
Nang balingan siya nito ay masama ang tingin nito sa kanya. Halos bitawan pa nito ang hawak na supot. Mabuti na lang at agad iyong nasalo ni Alex. Inisip niyang dapat ay bayaran niya ang mga mansanas na ito.
Nauna itong naglakad sa kanya patungo sa mga nakahilerang van. Huminto ito sa tabi ng isang kulay itim na van at hinintay siyang makalapit.
Kasabay ng paglapit niya ay ang paglapit ng isang lalakeng mga nasa mid-40's nito.
"Dalawa kayo? Papa-Maynila?" Tanong nito.
Kinausap ito ni Ares at nakita niyang nagbayad ng pamasahe ang binata para sa kanilang dalawa. Sinenyasan siya nitong pumasok na sa loob. Halos puno na iyon kaya tiyak ay hindi magtatagal at aandar na ito. Naupo si Alex sa tabi ng isang babaeng tingin niya ay elementary pa lamang. Tulog ito at may suot na headset sa kanyang tenga.
Tumabi sa kanya si Ares at ginawang kumportable ang sarili sa kinauupuan. That's when Alex noticed how close they were in their seats. Halos magkabangga na ang mga balikat nila and Alex would flinch everytime it would.
Ares' scent also lingered on her nostrils and she felt like the scent run through her veins just like a drug... And just like any other drug, it was addicting.
BINABASA MO ANG
Belle of Ares
General FictionYes, you are handsome but i do not love you because of that. Yes, you are rich but I do not love you because of that. Yes, you are smart but I do not love you because of that. You are almost perfect but I do not love you because of that. I love you...