Belle of Ares 14

36 2 0
                                    

Malakas ang kabog ng dibdib ni Alex habang nag-aantay kung kelan tutunog ang doorbell. She'd usually be in her Auntie's house but today's different.

Kinailangan niyang umuwi sa bahay na ibinigay sa kanya ng magulang para sa gagawin nilang proyekto ni Ares. How she wished she was paired with someone else. Pero ano nga bang magagawa niya? All she have to do now is bear with his presence.

Ang tunog ng doorbell ang lalong nagpawindang sa kanya. Alam na alam niya kung sino ang nasa labas ng kanyang pamamahay. Ares De Castro.

Mas gusto niya mang naroon siya sa bahay ng kanyang auntie, ay ayaw niya namang makilala ng tiya si Ares. At mas mabuti na rin kung dito niya papupuntahin ang binata, kahit na ayaw niya, dahil sa dalawang gwardya'ng nakabantay sa kanya at sa bahay.

Di na siya nagtaka kung ilang sandali pa ay pumasok ng living room ang kasambahay kasama ang lalake. Naka-V-neck gray tshirt ito at itim na pantalon. May dala itong mga supot galing sa national bookstore. Saka niya lang napagtantong kakailanganin nga pala nila ng mga kagamitan sa gagawing proyekto. Nahiya naman siya sa napagtanto. Mabuti't naisipan ng lalake ang bumili ng kagamitan.

"Ilagay mo na lang muna yan sa mesa. Magpapahanda lang ako ng meryenda natin." Sabi niya habang iginagala ng lalake ang paningin sa kabuuan ng bahay.

Alex' house is modern style. Kakaiba ang mga muwebles na nakadisenyo sa iba't-ibang parte ng bahay. May mga paintings ring nakapaskil sa mga pader. Ang hagdan pa patungong ikalawang palapag ay gawa sa glass at kulay silver na metal. The house was cool and calm. It also screams sophistication with youthful edge. It is enveloped in light and comfort. The white marble floor and concrete walls made everything neat and clean. The black and silver furniture made the place luxurious. And the paintings on the wall made the place alive.

This is no ordinary house. The sleek and stylish kitchen flows through to the dining room and private rear patio where you could see the delightfully tranquil garden setting and pool. And anyone who would see the lawn could already tell that the entire house worth millions. The front garden extends a warm welcome to anyone who'd enter.Mapapaisip ka tuloy kung ilan ang sasakyang nasa nakasarang garage.

Tahimik nilang sinimulan ang dapat gawin. Kahit na kabado si Alex ay sinubukan niyang kalmahin ang sarili. But who is she kidding? Bawat galaw ni Ares ay agad na pumipintig ang dibdib niya, thinking he's gonna attack her. Paranoid ba? You couldn't blame her. She saw enough of Ares' evildoing.

They did their part on the project. Minsan pang natataranta siya at nagkakamali sa ginagawa ay tahimik na nagdadabog ang kasama pero inaayos naman nito ang pagkakamali niya na para bang nagtitimpi.

Sa kalagitnaan ng trabaho ay hindi sinasadyang nakatulog si Alex sa couch. It was too late for her to realize that and when she woke up, wala na siyang Ares na nadatnan.

Sa isiping baka nagalit ang isang iyon ay kinabahan si Alex. Iniisip niyang baka hindi sila makapag-submit sa tamang oras. She was about to hastily run to her room, to call Miranda and ask for help, nang lumabas ang lalake mula sa kusina.

May dala itong bowl nang sa tingin niya ay popcorn dahil sa bango nito. Suot pa nito ang kanyang panda slippers na para bang siya ang nagmamay-ari nun. Dali-daling iniayos ni Alex ang medyo nabuhaghag niyang buhok dahil sa pagkapahiya.

"P-Pasensya na. Ano... Nakatulog ako." Pagpapaumanhin niya. Hindi siya nito pinansin, bagkus ay inilipat nito ang channel sa T.V. na hindi namalayang naka-on pala. Kumain lang ito nang popcorn nang hindi man lang siya kinakausap. Naisip niya tuloy na baka nagalit nga ito kasi nakatulog siya. Pero nang mahagip nang mata niya ang kung anong nakapatong sa tabi ng T.V. ay napahinto siya.

She can't believe what just Ares did! Biglang napabaling ang tingin niya sa binatang hanggang ngayon ay ngumunguya pa rin ng popcorn. Magtatanong pa sana siya nang biglang dumating ang kasambahay, "Ma'am, handa na po ang hapunan."

Sa sinabing iyon ng katulong ay napasipat si Alex sa double doors patungong patio at napagtanto niyang gabi na pala. Hindi niya tuloy mabilang kung ilang oras siyang tulog. Napaisip tuloy siya kung bakit hindi man lang siya ginising ng kasama.

Sa hapag naman ay silang dalawa lang ang magkasabay na kumain. Tahimik sila at tanging ang tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig.

She wants to start a conversation but the look on Ares' face screams murder kaya minabuti niya na lang na huwag ituloy. It was so awkward and the atmosphere lacked oxygen, making her breathe hard.

Nang matapos kumain ay medyo nagtagal pa si Ares sa living room nila. He would sometimes scan the rack of DVD's sa magkabilang gilid ng Smart TV. Sometimes, checking the games inside the cabinet beneath it. Siya naman ay walang nagawa kundi ang maupo sa couch at sundan na lamang ito ng tingin. Of course she wouldn't dare ruin his mood.

Nang nakaabot ito sa isang painting sa pader ay nagtagal ito doon. Hindi niya alam kung ano ang tinititigan nito roon kaya naman ay naisipan niya na lang lumapit.

"Mahilig ka sa Pop Art?" Tanong nito nang maramdaman ang presensya niya. Ares was staring on a painting of a woman smiling delightfully. Kulay mint green ang background nito at kulay pink at puti ang suot na damit. The flower on her head was so colorful that it made her look pretty. Saka niya lang napansin ang pagkakahawig nito kay Alex.

"Oo." Sagot niya, tinititgan ang painting ng ina. Isa lamang iyon sa napakaraming painting ng kanyang ina. Karamihan noon ang nasa kanyang silid, pinupuno ang isang buong pader. The rest of the paintings on the first floor are paintings of different persons by different artists. May Manilyn Monroe, Superwoman, at ng isang sikat na lalakeng bokalista.

Hindi na nagsalita pang muli si Ares. Sinundan niya na lamang ito ng tingin nang bumalik ito sa couch at nagsuot ng sapatos.

"Ihatid mo ako." Utos nito na nagpabigla sa kanya. Nagsimula na ring kumalabog ang kanyang dibdib sa mga pumasok sa kanyang isip na napaka-negatibo. "You've been a very bad host. Dapat ay bumawi ka kaya ihatid mo ako." At nagpatiuna na ito palabas ng bahay.

Walang nagawa si Alex kundi ang sumunod na lamang. Oo nga naman at napaka-iresponsable niya. Dapat ay inasikaso niya ang kanyang bisita. Ito na nga ang nag-abalang bumili ng materyales, ito pa ang gumawa at tumapos sa lahat ng gawain.

Habang naglalakad sila patungo entrance ng village ay napapahikab nang muli si Alex. Her sleep was not enough. Pero nagtatalo ang kanyang antok at takot. Maliban sa tanging streetlight lang ang nagsisilbing ilaw sa daan, ay masyado pa itong deserted kaya natatakot siyang maglakad pabalik sa bahay.

Nang biglang huminto si Ares, ay napahinto rin ang dalaga. Lalo namang lumakas ang kabog sa kanyang dibdib sa pag-aakalang sasaktan siya nito pero nang dumukot ito ng susi sa bulsa at binuksan ang sasakyan sa tapat nila ay napawi ang kabang kanyang nararamdaman. Phew, but she was just too paranoid.

"Babalik na ko." Paalam niya kahit na hindi pa ito nakakapasok ng sasakyan. She wants to get away from him as soon as possible but what Ares said made her stop on her track.

"Sakay."

And her calm heart, yet again, started to pound... Hard.

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon