Belle of Ares 3

54 2 1
                                    

Tatlo ang subject ko sa umaga. At dalawa doon ay wala teacher na pumasok.

Sa tatlong oras na dumaan ay wala akong ibang nagawa kundi maging poste sa sobrang stiff ko. Paanong hindi. Kung makapasada ng tingin ang katabi ko ay talo pa ang isang modeling talent scout.

"Ares, ba't dito ka umupo?" Tanong ng babaeng naka-ponytail sa tonong nang-aakit. "Bakante dun sa katabing upuan ko, you should sit there."

Nilingon ako ng babae saka tinaasan ng kilay. Napalunok naman ako.

Ano ba talaga ang trip ng mga tao rito?

Ares? Ares ang pangalan niya? Ares De Ocampo? (De Ocampo kasi ang nakita ko kanina sa likod ng jersey niya.)

"Stay away, Remi. Ayokong tumabi sa'yo." Pagtataboy ni Ares sa babaeng si Remi pero sa akin nakatuon ang mata.

Ang harsh naman nito. He should've accepted her offer para naman hindi ako nagf-feeling 'tormented' dito sa kinauupuan ko.

"And you wanna sit there with that newbie?" Naiinis nitong tanong, "But I reserved you a seat!"

At....nadamay ako. Acknowledged as the 'newbie'.

"I said, no. So leave. A'right?"

And with the finality and authority in his voice, I think no one could ever disobey him.

Kung sa isang kumpanya pa, he is the boss. Or the boss of all the boss.

One word, and you're done. Obey, or be punished.

Napasimangot ang babae at tinignan ako sa nanlilisik na mata.

What did I do, now?

Tinalikuran niya na kaming nagdadabog at binabangga ang sino mang madaanan niya.

May ilan pang tinawanan siya. (Ilan sa lalakeng kasama nitong katabi ko kanina.)

I swallowed the lump on my throat when I realizednwe were left alone, again.

I tried to put my attention back to my book.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita. I, even, almost dropped the book on the ground if not for my reflex. And I swear, lahat ng balahibo ko ay tumindig sa kuryenteng dumaloy sa sistema ko.

"But...." He said, I mean whispered, in a cold , husky voice, "....that doesn't mean I liked sitting beside you. Okay?" And he stood up and left the room with his friends tailing him.

Saka ko lang narealize na kanina ko pa pala pinipigilan  ang paghinga ko.

What is wrong with him?

Sa Physics naman namin, ang subject before lunch, ay kailangang sa laboratory gawin kaya naman sumunod ako sa daang tinatahak ng mga kaklase ko.

Wala man lang ni isa ang lumapit at makipagkaibigan sa akin.

I get it. I always get this treatment. At hindi ko alam kung bakit.

"Alexandria Hernandez? Ikaw iyong new student, hindi ba?" Pambungad ng teacher namin na diretso ang tingin sa akin.

Sa ngayon, ay iba na ang seating arrangement pero wala pa ring ni isa ang tumabi sa akin.

Sabay sabay lumingon ang mga kaklase ko sa akin kaya nailang ako.

"Opo." Diretso kong sagot. Chin up, breast out, Alex. No lumping, ika-nga ni Mommy.

"Hernandez? Anak ni Miss Hernandez?"

"Akala ko nasa Davao yon?"

"Dito nagtransfer?"

"Baka scholar?"

"Scholar nga iyan. Nakita kong pumasok sa OSS eh."

"Good. But you should wear your proper uniform next time." Sabi ng teacher.

"Opo." I answered.

Napayuko ako. I didn't know Auntie's this famous sa lugar na ito.

"So...Let us begin our class."

And the teacher started lecturing about lights, spectrum, frequency and radio waves.

May umupo sa tabi ko kaya nabigla ako.

SOMEONE SITTED NEXT TO ME! Oh, this is new!

But when I turned to look who it was, my hopes fell.

The same person, with the same facial expression, the same scent, same hairdo, same stare, but only, with different shirt.

Tinitigan niya ako pabalik, "What?" Naaasar niyang tanong.

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon