Belle of Ares 11

24 2 0
                                    

Saka ko lang naalala na hawak niya ang braso ko nang bumulong siya ng ilang mura bago ito binitawan.

"8AM ang usapan! A-Anong oras na o?" May bahid ng inis ang kanyang boses. "Pasok."

At nauna na siyang pumasok habang tensyunado ang kanyang panga. Ilang beses ko pang nakita siyang ngumiwi at pinatunog ang kanyang leeg kaya nagdalawang-isip akong sumunod. Baka kasi mainit ang ulo nito at ako pa ang mapagbuntunan.

Una kaming nagresearch kung ano ang diesel engine. Tapos ay naghanap kami ng mga procedure kung paano iyon gawin. At dahil sa iisa lang naman ang proseso sa pagawa noon ay tiyak pare-pareho lang rin ang kinalalabasan ng gawa namin sa gawa ng ibang pares. Kailangan na lang naming ayusin ang pagkakagawa noon.

"Pwede naman sigurong ako na lang ang gumawa nito." Sabi ko nang patapos na kami, sa nag-aalangang tono. "Para naman di ka na maabala."

Sa buong oras na nag-brainstorming kami ay nauutal at nabubulol ako. Hindi ko pa siya matignan ng diretso.. sa mata. Naiilang ako sa kanya samantalang siya naman ay prenteng-prente sa pagkakaupo at tila wala siyang kasama.

Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Tila ba ay nanghahamon ito.

"We'll do it in pairs, Alexandria." May diin pa nitong tugon.

Sumang-ayon na lamang ako sa gusto niyang mangyari. Nagkasundo kami kung kelan kami bibili ng mga gamit, kelan gagawin , at kung saan.

Sa friday pa ang submission nito pero dahil tulad ko ay gusto niya nang matapos ito, ay gagawin at tatapusin namin sa linggo.

Nilista na namin ang mga kakailanganin naming materyales para mamaya bago pumuntang school after lunch.

"Sa bahay na tayo bukas."

Nabigla ako sa dineklara niya. I don't think I'd go to his territory. Who knows he's plotting something.

I know I'm being judgemental pero alam na alam ko kung ano ang kaya niyang gawin kahit na sabihin pa nating babae ako. He could beat me lalo na't baka walang makaawat sa kanya kapag kami lang dalawa. Baka mapatay niya ako.

"No. Sa bahay na."

Napalunok ako nang tapunan niya ako ng masamang tingin. Nakalimutan kong ayaw niya nga pala nang kinokontra siya.

Pero di nagtagal ay sumang-ayon na rin. At least sa bahay nandoon si manang dahil tiyak wala si Auntie.

Akala ko ay makakaalis na ako pagkatapos.

Laglag ang panga ko nang bigla siyang tumayo at pinasunod ako. Kitang-kita ang ganda ng postura ng kanyang katawan at ang mga nang-aakit na hulma nito.

Bakat sa kanyang Hollister na kulay itim na three fourths ang makikisig niyang braso. Sa sobrang tindi ng appeal niya pati ang mga babae sa labas ng shop ay napapalingon sa direksyon namin na kulang na lang ay maglaway.

"Saan tayo pu-punta?"

Kinagat ko pa ang ibabang labi ko dahil sa pagka-utal. Ayaw kong napaghahalataan niyang masyado akong takot sa kanya at tensyunado sa presensya niya.

"Just...follow me." Sagot niya sa naiinis na namang tono.

Nauna siyang maglakad palabas ng Bo's. Ako nama'y sumunod na lang sa kanya. Ayokong sumabay sa kanya sa paglalakad dahil batid ko ang mga nanunusok na tingin sa akin ng iilang babae. At saka, ayoko lang talagang sumabay sa kanya.

Natigilan ako nang makitang papasok kami sa isang malapit na fast food chain. Tiningala ko pa ang gusali nito upang makasiguro.

"Uhh...Kakain ka?" It took guts when I asked him that.

Sinimangutan niya pa ako bago sinabing, "Tayo." sabay irap.

Napakagat-labi ako sabay dukot ng aking pera sa bulsa. Binilang ko kung ilan ang lahat ng paper bills at barya ko.

Nang sumunod na ako papasok ay nakita ko siyang nakahalukipkip habang nasa pila. Pero ang atensyon niya ay nasa akin.

Mahahalata ang mga nakaw na tingin ng iilang babae sa kanya. May batang babae pa na nasa may paanan niya, nakatingala sa kanya at nakanganga.

I can't believe that even this young girl was smitten by him! Kunsabagay, sa gwapong pagmumukha at gwapong pangangatawan niya ay tiyak nang mahigit kalahati sa populasyon ng babae ngayon dito ay nagkakagusto na sa kanya.

Dinukot ko mula sa aking bulsa ang binilang ko kaninang pera.

Lukot na lukot ang apat na bente pesos at dalawang singkwenta. Samantalang nagkikinangan naman ang mga barya.

Alam na alam ko kung bakit niya ako dinala dito. Coz obviously, it's what most bully do.

"Ano yan?" Inis niyang tanong na para bang nakakadiri ang inilahad ko sa kanya.

Naaasar niyang tinuro ang isang bakanteng mesa kung saan kitang-kita mula sa labas. Ibinalik ko naman agad ang tingin ko sa kanya. Bahagya siyang nakayuko para magpantay ang mga mukha namin and I swear , nahigit ko ang aking hininga.

Why do I find him hot when he's leaning on me?

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon