Belle of Ares 9

28 2 0
                                    

Kunot na kunot ang noo ko nang makita si Ares na nag-aabang sa labas.

Dahan-dahan namang umatras si Feliz at bumulong sa akin sa kinakabahang boses, "Bu-Bumalik na lang m-muna tayo sa lo-loob?"

Halata sa mukha nito ang takot. Marahil ay di niya pa rin nakakalimutan kung paano gulpihin ni Ares ang kanyang kapatid.

"No!" Di makapaniwalang sabat ni Ares nang umabot sa kanyang pandinig ang bulong ni Feliz.

Nakita kong lalong pumutla si Feliz at nanginig ang labi.

"Ano pang tinatayo-tayo mo jan? Bilis na't-"

Naputol ang sinasabi niya nang sa may di kalayuan ay may naghiyawan.

Napalinga ako roon at nakita ko kung paano pinatid ni Dreigan ang isang lalake.

Tinawanan pa nila ito nang di ito nakatayo.

Hindi ko alam kung kailan pa sila nagsimulang gumanito. But this has to stop!

Sabihin na nating hindi naman ako matapang, but I know papatayin ako ng konsensya ko oras na mangyaring masama sa lalakeng iyon at wala akong ginawa.

"Seriously? Pati ba naman dito?" Singhal ko sa kanya. Ni hindi ko napansing tumakbo na papasok si Feliz, marahil ay dahil sa sobrang takot.

Nalaglag ang kanyang panga at balisang lumingon sa kanyang mga kaibigan bago ako binalingan muli ng tingin.

"I'm not respobsible for that, Alex." Paliwanag niyang binalewala ko dahil nagmartsa na ako patungo sa kinaroroonan nila Dreigan.

Nag-iinit talaga ang ulo ko. Wala ba silang mga konsensya?! Paano sila nakakatulog kung ganoong alam nilang may nasasaktan sila?

"Ano ba? Let's go, Alex!" Sigaw pa niya mula sa likod. Alam kong sumunod siya sa akin at hindi ko alam kung para saan pa.

Napatigil sa hiyawan sila Dreigan. Dumapo ang kanyang paningin sa akin at ibinaling niya iyon sa likuran ko. Ares.

"Oh, this is trouble." Bulong niya sa di makapaniwalang boses, "Alex!"

Binati niya ako na para bang tuwang-tuwa siya nang makita ako. Alam kong hindi naman kami malapit sa isa't-isa. Ilang beses ko pa lang siyang nakausap at tungkol pa iyon sa pag-aaral namin.

Noong una ay may impression na akong may pagka-arogante at mayabang si Dreigan. Pero nang nakasalamuha ko siya, my impression changed. But seeing him right now, I might wanna change my impression again.

"I can't believe you." I hissed in disbelief.

"Alex!"

"We're just having fun...." Nakangisi nitong palusot.

Nakita ko kung paano kumislot sa sakit ang lalakeng inaakay ni Dreigan patayo. Inakbayan pa niya ito nang mahigpit, nakangisi ng hilaw at halatang nagsisinungaling.

"Hindi ito nakakatuwa!" I reasoned. Ipinihit ako ni Ares at saka sinalubong ng kanyang galit na galit na mata. Ngunit ang galit na iyon ay nakatoon sa mga nakatayo sa likuran ko. Kela Dreigan.

"Okay, okay." Dinig kong singhap ni Dreigan, "We'll let the dog free."

Narinig ko pa ang daing ng lalake na sa tingin ko ay sinipa pa ni Dreigan bago ito kumaripas ng takbo."Happy, now?" Ani Ares.

Binigyan ko pa ito ng masamang tingin bago ako pumihit palayo.

"Sht...Alex!" Sigaw niya sa tonong frustrated.

Mabilis ang lakad ko habang pumapara ng taxi. Dali-dali rin akong pumasok at di na ako nagulat nang pumasok rin si Ares at umupo sa tabi ko.

I want to go out but I'm too tired.

Sinabi ko sa driver ang address at tahimik na humalukipkip habang nakatoon sa labas ng bintana ang tingin.

Tahimik rin naman ang kasama ko kaya di ako gaanong nahirapan sa buong oras ng byahe.

Bumaba ako sa tapat ng bahay ni Auntie. Patay na ang ilaw sa living room at sa mga kwarto sa itaas ngunit may liwanag mula sa dining room at sa front porch.

Di ko na pinansin ang lalakeng bumaba rin mula sa taxi. Nakapamulsa ito at tinitingala ang second floor ng bahay ni Auntie-ang mga kwarto.

Tiim ang bagang nito at matalim ang tingin sa itaas. Binalewala ko na lang.

"Kumain ka na, princess." Salubong sa akin ni Auntie nang pumasok ako. May nakahain na sa mesa at kakalabas niya lang ng ulam mula sa microwave.

"Kumain ka na po?" Tanong ko. Tumango lang siya at umupo sa kaharap kong upuan. Kumain na rin ako.

Tahimik lang siyang nagmamasid sa akin habang ako ay kumakain.

Dalawang taon na akong naninirahan kasama ni Auntie. Mabait si auntie at napaka-understanding pa. Maalalahanin, maalaga at mapagmahal. She treats me like her own daughter.

Ilang beses pa siyang tumikhim bago magsalita.

"He called. Kanina."

Napahinto ako sa pagkain at napainom ng tubig.

Hindi ko akalain na magagawa niyang tumawag kay Auntie. Never in my life I had thought that he would actually dare.

"Po? Ano pong sabi?" Tanong ko sa tonong interesante.

I just hope he won't ask for me to meet him.

"Kinakamusta ka."

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon