Belle of Ares 15

36 2 2
                                    

Dumaan na ang ilang araw at bukas na ang pinakaaabangan ng lahat na Dance Competition. Alex was tense dahil sa mismong araw ring iyon ay mapipilitan siyang pumunta sa bahay ng kanyang ama.

It was new to her to be part of their family dinner. Not even once ay nakadalo siya nito. She was forbid to show up during such events. Na kahit na mismo sa kaarawan ng sariling kapatid na si Jace ay hindi siya pupwedeng magpakita man lang lalo na at maraming businessman ang dumadalo.

But tomorrow's gonna be a different day. It's an intimate family dinner with the three generations of the Edison family. And Alex was starting to lose herself in wonder. She was trying to orient herself the possible scenario she'll be encountering.

Nawala siya sa iniisip nang tumunog ang chime ng J.CO. Sumalubong sa kanyang paningin ang matingkad na pulang buhok ng kanyang pinsang si Miranda. Naka-racerback itong itim at camouflage kargo pants. Naka-black Timberland boots pa ito. Sa dating pa lang ng pumasok na dalaga ay alam na niyang galing pa ito sa kung saan mang shooting range. Pawisan ang bandang dibdib nito at medyo basa rin ang dulo ng buhok.

Ang naka-ponytail nitong buhok ay sumasayaw sa bawat galaw niya. Ang side bangs naman ay maayos na humahalik sa kanyang pisngi. If not with the aura and haircolor ay mapagkakamalan mo na itong si Alex. Miranda has a tough and intimadating personality, meanwhile Alex was Miranda's soft and kind version.

"Lucio told me you're performing." Bungad sa kanya ng pinsan matapos sumimsim sa kanyang inumin. Nagtawag pa ito ng waiter at umorder ng salad at watermelon shake nang nakataas ang isang kilay.

"Yes. School activity lang naman iyon," Nakangiti niyang sagot ditto, "No biggie."

How she love Miranda for being so supportive. For the both of them, they are not cousins but sisters. Magkaibigan na kasi ang dalawa bago pa man nila malamang magkadugo sila kaya lalong naging malapit sila sa isa't-isa.

"You are right. It is no biggie." Pero umiirap na ito sa ere dahil sa sinabi ng kaharap. "Like I would listen to you."

Lalo namang lumapad ang ngiti niya nang maglabas ng telepono ang pinsan saka lumapit sa kanya. Alam niya na kung ano ang gagawin nito kaya inihanda niya na ang kanyang maamong ngiti.

"I'm gonna post this on insta. Mamatay sa inggit ang dapat mamatay," Sabay tawa nito.

Nag-usapan lang sila ng kung anu-ano. It was kind of a nonsense chat but Alex was happy. Sa lahat naman kasi ng pinsan niya ay tanging si Miranda lamang ang kumakausap sa kanya. Na kahit na halos exact opposite ang dalawa ay nagkasundo pa rin. Tama nga ang ini-state sa magnetism, opposite attract.

Masaya siyang kahit na alam niyang busy'ng-busy si Miranda ay naglalaan pa rin ito ng panahon sa kanya. Hindi madaling bumyahe ng tatlong oras para lamang makita't makausap siya sa maikling oras, but she appreciated it so much.

"I'm not gonna go home tonight. Matutulog ako sa bahay mo, Alex." Sabi nito habang inuubos ang lettuce salad, "You're not going to stop me from watching you dance."

Pagak siyang natawa sa itinugon ng kaharap. Miranda knew very well that Alex loves dancing so much. Too bad no one in her family supported her. Not even her Mama Teressa. Naiintindihan niya pa kung bakit ayaw ng naturingang ina ang pagsasayaw niya. Noong unang beses kasi nitong nasaksihan ang pagsasayaw niya ay nalaglag siya sa sahig matapos ihagis sa ere. It was cheerleading kaya hindi iyon maiiwasan. Alex was sure she wasn't hurt that time, but her Mama Teressa was paranoid.

"Just... don't tell Mama."

"Syempre naman!" Eksaheradang reaksyon ni Miranda, "Ako paba ang lalaglag sa'yo?"

Kinabukasan ay natagalang gumising si Miranda kaya naman ay nauna na siyang pumunta sa school nila. No matter how, alam niyang maghahanap ng paraan ang pinsan para lamang mapanood siyang sumayaw kaya hindi niya na kailangang problemahing baka hindi makakapasok sa school nila ang pinsan.

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon