"Alex? I thought you'd be early for a project today?" Mahinahong tanong ni Auntie sa akin.
Tulad kagabi ay nakatihaya na naman ako ngayon sa kama. Nakatulala.
'Jesse Elizalde tagged you in a post' ang nakalagay roon. At dahil iyon ang pangalan ng science teacher namin ay binuksan ko na iyon agad.
Inaantok na ako kaya gusto ko nang malaman kung tungkol saan ang activity na ito.
'Make a replica of Diesel's model of Diesel Engine with your pair and discuss its process and history.' Yan ang unang basa ko sa instruction ng activity. Ang sumunod noon ay ang mga further details ng activity.
Bumabagsak na ang talukap ko habang binabasa ang hulihan ng instruction. Tinatamad pa ako nang ini-scrolldown ko ang screen kung saan nakalagay ang 'Assigned pairs for this activity.'
Then all I know is everything went blurr and the only name that was clear to me was....
De Castro and Hernandez.....
Napatulala ako. Of all classmates I have? Bakit ang isang Ares De Castro pa?!
Eksaherada akong napabangon mula sa pagkakadapa. Bumaba pa ako ng kama at pabalik-balik na naglakad habang sapo-sapo ang noo.
This must be a mistake! I must be dreaming.
Tinampal ko ng malakas ang pisngi ko and a sudden pang of pain crept my cheek. Oh noes!
Napalingon ako sa aking laptop nang wala sa oras nang marinig ko ang facebook pop, na tunog kung may nag-message ba o notif sa akin.
Nagdalawang isip pa ako kung titignan ko kung ano iyon but I chose to sneak a peek.
Ares De Castro:
Bo's Cafe. 8am."Alex?"
Napabalikwas ako ng bangon. "Po?"
"Hurry up now, princess. Nang maidaan na rin kita sa Bo's." Aniya. Tinanong ko kasi siya kagabi kung saan iyon banda at nang tinanong niya ako kung ba't ko naitanong, nasabi kong don sana kami magkikita ng ka-pair. Pero nagrason akong di tutuloy dahil hindi ko pala alam kung saan ang street na iyon, kunwari..
Half-baked lie. Alam ko kung anong street iyon pero di ko alam ang eksaktong kinatatayuan ng gusaling iyon.
Nananalangin ako kagabi na lubayan na ako ni Auntie sa kakatanong pero nag-alok pa siyang ihatid na lang ako kaya wala pa rin palang silbi ang pagsisinungaling ko.
"Hindi na, Auntie. Ako na pong bahala."
"Are you sure?" Paninigurado niya.
"Positively." Pero di naman talaga ako sisipot roon. Indian pana na kung indian pana.
"Ow, sige na. Let me drive you there. Okay?" At tinalikuran niya ako nang nakangiti.
Dalawang emosyon ang dumalaw sa akin.
Lungkot dahil alam kong nami-miss ni Auntie ang anak niya kaya siya nangungulit sa akin.
At inis dahil makikita ko pa ata talaga ang pagmumukha ni Ares. Okay, medyo nakakaramdam rin ako ng takot. Who knows what he'll do to me?
"Dito lang po ako Auntie." Sabi ko sa kanya. Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang cakeshop, tabi ng Bo's Coffee.
"Andyan na ba yung classmate mo?" Tanong niya sabay aninag sa mga costumer sa loob ng Bo's sa may unahan.
"Wala pa po ata." Agap ko sa tanong niya. Ayaw kong makita niya ang maangas na dating ni Ares. Baka isipin niyang nakikipaghalubilo ako sa isang bad influence.
"Are you fine waiting alone?" Tanong niya. Tumango lang ako saka humalik sa pisngi niya.
Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang Honda Fit ni Auntie ay akma na sana akong aalis sa lugar na iyon nang may kumapit sa braso ko.
Ginapangan ako ng kaba sa iniisip kong tao na nakahawak ngayon sa akin. Pati ang mga alaga ko sa tiyan ay nangingiliti sa malamang kadahilanan. Naramdaman ko pa ang pag daloy ng kuryente mula sa aking braso hanggang sa aking likod at batok.
"Are you trying to ditch me?"
Napaharap ako sa kanya at tumambad sa akin ang nag-aakusa niyang mga mata.
Mga matang unti-unting lumulunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Belle of Ares
Ficción GeneralYes, you are handsome but i do not love you because of that. Yes, you are rich but I do not love you because of that. Yes, you are smart but I do not love you because of that. You are almost perfect but I do not love you because of that. I love you...