Belle of Ares 2

61 3 2
                                    

Nakaupo ako sa isang sulok habang busy sa pagbabasa ng librong My Sister's Keeper na sulat ni Jodi Picoult. Do I have to tell you it's story? Think not.

Ang mga kaklase ko naman ay busy sa pakikipagcatch-up nila sa kani-kanilang mga kaibigan. Nagyayabangan sa mga 'adventures', 'experiences', at 'memories' nila noong bakasyon.

Halatang uhaw pa ang mga ito sa bakasyon at pahinga. Klaro'ng-klaro ang hangover nila sa summer vacation.

Napailing ako.

I expected this school to be less great than De La Salle Zobel. DLSZ is a high prestigious school for elites kaya naman di ko maiwasang ikumpara ang Southville sa dati kong school, not to say it is the most expensive high school here in the Philippines. But the environment here's fine and the facilities were very well-maintained.

Kasi kung sa  ito ay malamang lahat kami ay nakaupo na at kanya-kanyang seat at nagre-review. Hindi naman talaga super strick doon. It's just thay you don't wanna get humiliated by a surprise oral recitation or quiz.

It's embarassing to fail a subject, there, alright.

And students there go in groups, not pair. Well, except for me.

At kung napakataas ng standard ng DLSZ, mababa sa manners ang mga estudyante. (That's for my opinion.)

They bully, discriminate and antagonize anyone whom they think don't belong there. And it was a pity sight. They're all spoiled brats and ill-mannered.

Ibabalik ko na sana ang aking paningin sa binabasang libro nang biglang isang grupo ng kalalakihan ang pumasok sa classroom namin.

Sa mga karisma at dating nila, ay mapapalingon talaga ang lahat ng madadaanan nila. Lalo na nung lalakeng pinapagitnaan nilang lahat.

Mataman itong nakatingin sa akin kaya naman ay umiwas ako ng tingin.

Did he just caught me staring at him? Ugh!

Agad kong ibinaling ang aking mata sa binabasang libro kahit na hindi ko na naiintindihan ang mga nakasulat roon. (But as a matter of fact, ilang beses ko na itong natapos basahin.) Bigla bigla na lang kasi akong nangilabot at kumakabog na naman ang dibdib ko.

Syet! Ang gwapo niya talaga. Siga nga lang ang dating.

Ngayon ko lang napansin ang mga kababaihan na nakadungaw sa bintana ng aming classroom. Sa dami nila, ay iisipin kong nasa larong GTA Vice City kami at nakapag-cheat ng 'Fanny Magnet' ang mga kalalakihang ito.

Tumikhim ako.

Isa-isang nagdisperse ang mga lalakeng kakarating lamang at nagkanya-kanyang upo.

Karamihan sa kanila ay nakikisalamuha na sa ibang kaklase namin. May iilan pang lumabas upang mag-entertain ng mga taga-ibang section. May nag-soundtrip, at may natulog.

Lahat sila ay may pinagkaaabalahan, maliban sa lalakeng nakahalukipkip habang palapit sa kinauupuan ko.

Uh-oh.

Pansin ko ang mga mata ng iilang kababaihan na sumusunod sa bawat hakbang niya. Mga matang matapos siyang sundan ng tingin ay sa akin dadapo, at iirap.

What?! Ugh.

Huminto siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Huh? Don't tell me-

Halos manlumo ako nang makitang wala nang iba pang bakanteng upuan maliban sa nasa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko habang itinutuon ang tingin sa libro nang magsitindigan ang mga balahibo ko sa batok.

Naamoy ko lang ang pabango niya pero para bang hinaplos niya na ang pisngi ko kung magharumentado ang puso ko.

Seriously? What is with this guy?

And what is with these electric energy all over my system?

***

Pansin niyo, walang dialogue? Hihihi. :-*

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon