Nauna siyang matapos sa pagkain samantalang ako ay di pa nakakalahati.
Ganyan ba talaga ang mga lalake? Malakas kumain? I asked myself.
Hirap na hirap akong lumunok dahil maliban sa nakaka-conscious ang titig niya ay nagwawala pa ang dibdib ko sa kaba. Halos hindi ko na maayos ang pagkain sa punto na hindi ko na maipasok ang pagkain ng maayos sa bibig ko.
Ayaw ko talaga sa tingin na yan. Yung tipong tagos sa buto at tagos sa kaluluwa. Na para bang hahatulan niya ako. Na tila binibilang niya ang pagnguya ko.
Like he was counting the numbers of my muscles active right now. Like he was stalking a prey.
Napangiwi ako. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa mga naiisip. Bakit ba ang drama ko?
Kanina pa siya tapos kumain at himala atang hindi siya nagrereklamo sa kabagalan ko. Malapit nang mag 1pm. At 1pm pa naman ang calltime naming mga dancer sa school. Bago iyon ay mamimili pa kami ng materyales.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa napagtanto, "A-Ano... Bumili na tayo ng materya-"
Ngayon ko lang naalala na kaonti lang pala ang dala kong pera. Siguro ay magw-withdraw na lang ako mamaya kesa umuwi pa sa bahay. Kahit na kasi si Ares na ang nagbayad sa pinagkainan namin ay hindi pa rin sapat ang kakarampot kong dala na pera.
"Ubusin mo yan, Alexandria." Putol niya sa akin.
Napadako ang tingin ko sa aking pagkain sa kanyang sinabi. Hindi pa nakakalahati ang nasa plato ko at di ko pa pala nagagalaw ang burger na binili niya. May fries at sundae ring ngayon ko lang napansin.
Bumaling ako sa plato niyang wala nang laman. Ubos na rin ang coke niya. Napakunot ang noo ko sa aking napansin.
"Uhh... Akin 'to lahat?"
Parang hindi ko ata kayang ubusin yan. Yung fries marahil, oo. Pero yung sundae at burger? Baka maduwal na ako sa sobrang kabusugan.
Bahagyang tumaas ang kilay niya na tila sinasabing , Tanga ka ba? Hindi pa ba halata?
"Huwag mong sabihin na di mo yan kakainin?" Pagtataray niya sa nagtatagis na bagang habang umiiwas ng tingin.
Napaupo ako nang wala sa oras sa kanyang sinabi. Oo nga naman. Masamang nagtitira ng pagkain.
Wala akong nagawa kundi ang tapusin na lang ang pagkain ko. Nang matapos ako ay nag-aya na akong umalis para makabili na ng materyales at para na rin makaiwas sa nakakatusok na tinging ibinibigay sa akin ng mga babae roon.
"Let's stay here for a while."
Napanguso ako. Hindi ba nagmamadali ang isang ' to? May practice pa kami ah. At sa pagkakaalam ko ay kasali siya sa basketball team. Hindi niya ba naisip na baka mapagalitan kami?
Tingin mo ba, Alex, may pakialam siya? May bahagi ng katauhan ko ang nagsabi.
Oo nga pala. Hari nga pala ang tingin ng isang ito sa kanyang sarili. Saka mabuti na rin siguro na manatili muna kami sandali rito. Sa sobrang kabusugan ko ay baka sumama lang ang pakiramdam ko.
Nang mag-aya na siyang bumili ng materyales namin ay sakto namang nahimasmasan na ako.
Remind me to treat him next time. Ayoko nang nagkakautang na loob sa kanya.
Hindi na namin kailangang pumara ng jeep o taxi patungong mall. May nag-aabang na palang sasakyan sa kanya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay sabay giya papasok sa backseat. Hindi naman na ako nakapagprotesta nang tumabi siya sa akin. Kung alam ko lang na dito siya uupo ay sana sa harap na lang ako naupo.
Rich kid. May sariling driver.
The drive didn't took too long. Nang makarating kami sa mall ay agad na umagaw ng atensyon ang presensya ni Ares.
Halos mabali ang leeg ng kababaihan para lamang malingon ang kanyang direksyon.
Sa dating ng lalakeng nakatayo sa harap ko, ay iisipin ng ilan na may shooting ngayon rito. Si Ares ang bidang lalake at ako naman ang P.A. na hindi kasali sa picture.
May iilan pang pasimple na kumukuha ng litrato niya. Napangiwi ako sa nakita.
I wonder why even if he's a violent 'thug' and all, girls would still admire him as if he is a saint?
BINABASA MO ANG
Belle of Ares
General FictionYes, you are handsome but i do not love you because of that. Yes, you are rich but I do not love you because of that. Yes, you are smart but I do not love you because of that. You are almost perfect but I do not love you because of that. I love you...