Nagulat na lamang si Alex nang isang araw ay nagising siyang may nag-aabang na bisita. Who could it be? Alas syete pa lamang ng umaga. Too early for Miranda to wake up kaya imposibleng si MIranda iyon.
Inayos niya ang suot saka tinungo ang sala kung nasaan naroroon ang bisitang tinutukoy ng kasambahay.
Nasa garden kasi siya at nag-aalis ng mga ligaw na damo. Medyo maputik pa ang kanyang tsinelas kaya hinubad niya iyon bago tuluyang pumasok sa bahay.
At first sight, she thought she saw her brother, Terrence, sitting on her couch. Wearing gray shirt and black pants. May kumkinang pang diamond earring sa tenga nito. Her heart pounded at the sight of her brother.
Pero nang maaninag niya ng maayos ang mukha ng lalakeng prenteng-prente ang pagkakaupo sa kanyang sala ay nahinuha niyang si Ares iyon. She figured her heart would stop pounding but it didn't. Instead, it pounded in an unfamiliar pace that Alex thought of having heartattack.
"Napadaan ka?" Tanong niya sa tonong hindi niya makilala. She swallowed the lump on her throat and calmed herself.
She want to ask him more but knowing Ares isn't the talking type of a guy kept her mum. Hangga't maaari ay ayaw niyang galitin ang lalakeng nasa harap. Not now when her bodyguards' on a day off.
"May sinabi ba akong napadaan ako?" Maangas nitong sagot na para bang galit na naman.
Alex winced on his tone pero inignora na lamang niya iyon. Right now is not the time for her to be afraid, "Kung ganon, anong ginagawa mo rito?" May halong tapang na tanong ni Alex. But upon seeing Ares' glare, her hands trembled as her heart pounded even harder.
Jeez, but she's never been this scared her whole life.
"Didn't know I'm forbidden to visit.." Ani Ares na nagtataas na ng kilay sa kanya. He crossed his arms and Alex witnessed how his arms flex, "Hindi mo man lang ba ako ipaghahanda? I'm still your visitor, after all."
Napakagat ng labi si Alex nang maalalang may atraso pa nga pala siya sa lalakeng kaharap. The recent time he visited ay tinulugan niya ito. And now she's being a bad host again.
"Uhmm... Hindi ka pa ba nag-aagahan? I'll prepare us some breakfast." Aniya at dali-daling tumungo sa kusina. Sinubukan niyang hanapin ang kasambahay ngunit hindi ito mahanap kaya siya na mismo ang naghanda ng agahan.
She opened the fridge and took out bacon, ham, and hotdog. Naglabas rin siya ng eggs at bread mula sa cupboard.
After preparing their breakfast ay inisa-isa niya iyong hinatid sa dining room kung nasaan nakaupo na si Ares. Inilapag niya ang dalang tray saka nagtanong, "Gusto mo ng gatas?"
Umiling lamang ang lalake kaya bumalik na siya sa kusina upang kunin ang nilutong fried rice.
Tahimik silang kumain sa hapag. Ni hindi magawang tignang ni Alex si Ares dahil batid niyang nakatitig ito sa kanya. Oh how she'd love to stare back to his beautiful eyes pero hindi niya magawa. If that's a way of getting into his nerves, then she'll avoid it.
"You're eating too little..." Puna nito sa kakarampot na pagkain sa kanyang plato.
"Your 'too little' is too much for me already." Sagot niya nang hindi tumitigin sa lalake dahil sa paghaharumentado ng kanyang dibdib.
"Don't expect me to eat a horse," pahabol niyang bulong na umabot sa pandinig ni Ares. Napakislot na lamang siya nang marinig ang padarag na bitaw nito sa kubyertos.
Mariin siyang napapapikit sa naging reaksyon nito. This is your fault, Alex! Kung sana itinikom mo ang iyong bibig!
But she wants to argue with her self, paano ako makakain ng maayos kung kinakabahan ako sa presensya niya?
But then she heard him chuckle. Wala sa loob na napaangat siya ng tingin rito at nakita niyang nilalabanan nito ang pagtawa.
"How adorable," ani Ares, "Why are you always nervous when I'm around, Alex?"
Nanlaki ang mata niya sa pahayag nito. Hindi siya makapaniwalang nahalata pala nito ang pagiging kabado niya tuwing nasa paligid lamang si Ares, "I-I am... not."
Tumikhim siya at sinubukang tapangan ang tingin pero lalo lamang tumawa ang kaharap, "Try harder." Ngisi nito.
"Or maybe, you are not nervous." Nanliit ang mata nito sa kanya na para bang may kahina-hinala sa kanyang ikinikilos, "You are excited whenever I'm around kaya ganyan ang reaksyon mo."
Nalaglag ang kanyang panga. Ngunit bago pa man siya makaapila ay dinampot na nitong muli ang mga kubyertos at ipinagpatuloy ang pagkain, "Just eat, Alex. Hindi mo kailangang alalahaning lalaki ang ulo ko dahil lang alam kong naeexcite ka tuwing nasa malapit lang ako."
Lalong nalaglag ang kanyang panga. This guy's nuts! "I am not!"
Hindi na ito sumagot, ngumiti lamang ito at nagpatuloy sa pagkain.
Alex was sure her heart almost melt upon seeing him smile. It was the first genuine smile he showed her kaya naman ay hindi niya naalis ang tingin niya sa binata hanggang sa natapos na silang kumain.
Matapos niyang ligpitin ang pinagkainan nila ay tinungo ni Alex ang sala kung nasaan si Ares. Naabutan niya itong naglalagay ng disc sa DVD player.
"I brought some DVDs," Sabi nito sa kanya nang hindi natatanggal ang ngiti, "Sit there and relax,"
Sinundan niya ng tingin ang inginuso nito. Wala sa loob niyang sinunod ang lalake at naupo sa couch. Nang matapos si Ares sa ginagawa ay umalis ito kahit na nagsisimula na ang palabas, ngunit hindi rin ito nagtagal. Nang bumalik ito galing sa kusina ay may dala na itong bowl nachos at isang box ng pizza. Now she wondered if Ares' been messing around her kitchen lalo na't nahahalata niya na ang pagiging hiyang nito sa kanyang bahay.
Inabutan siya nito ng pizza kaya tinanggap niya iyon. Ares watched the movie like he's with someone he knew for a long time samantalang si Alex naman ay hindi mapakali sa kinauupuan.
Habang naununuod ay kumakain ang dalawa kaya naman nang gumalaw si Ares sa kinauupuan ay naubo si Alex sa pagkakabigla.
"Ayos ka lang? Kukuha ako ng tubig," At dali-dali itong tumakbo patungong kusina. Hindi naman ito nagtagal at nakabalik agad. "Drink this."
Tinanggap at ininom niya ang ibinigay nitong tubig. She was grateful that he moved fastdahil kung hindi'who knew what could happen.
Nang makabawi ay hinarap ni Alex ang kasama at mataman itong tinignan. Nakangisi ito at kumikinang pa ang mata habang tinititigan siya.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong niya rito, "O wala ka bang lalakarin?"
"No, hindi ako hahanapin sa amin and I'm free today. That's why i'm here." Sabi nito. Ni hindi man lang nila ipinause ang pinapanood.
"I thought you're always busy. K-kasi diba... You always hang out with your friends... Uhmmm, Dreigan and others?"
"That was before. I'm busy with you now,"Alex felt her cheeks flushed. Gusto niyang isipin na pinagtri-tripan lamang siya nito but her inner goddess says otherwise.
BINABASA MO ANG
Belle of Ares
General FictionYes, you are handsome but i do not love you because of that. Yes, you are rich but I do not love you because of that. Yes, you are smart but I do not love you because of that. You are almost perfect but I do not love you because of that. I love you...