Hinihila ko pababa ang aking shorts habang nakikinig sa leader namin.
Papalapit na ang intramurals kaya naman ay naghahanda na sa pagsasayaw ang lahat ng participants. Mayroon kasing dance contest na magaganap sa mismong araw ng intrams.
At kada section ay dapat may representative. At dahil wala naman akong event ay napilitan akong sumali.
Yung iba kasi, tulad ni Remi, ay sumali sa School Pageant, Sports Activities, Quiz Bee, at Cheerleading Iyong amin kasi ay Modern Dance.
Si Lax naman, naging kapartner ko isang beses sa Trigo, ay kasali sa quiz bee. (Siya ay may pagka-nerd na tingin ko ay bakla. Mabait siya at mahiyain.)
"Putangina, Alex! Ang lamya-lamya mo! Ipapahiya mo ang section natin." Sigaw ng leader na nagko-choreograph sa aming kaklase lang din namin.
Ngumiwi ang ilan sa akin dahil sa inanunsyo ng leader, samantalang ako ay napangiwi dahil sa mura niya.
I pursed my lips, but my head's still held high. Chin up, Alex. Never. Back. Down.
Sa ilang linggo ko rito, ay medyo nasasakyan ko na ang ugali ng mga estudyante rito.
Hindi naman pala lahat ng nag-aaral dito ay salbahe. Saka habang lumilipas kasi ang panahon ay lumiliit ang populasyon ng 'Haters' ko. Tanging ang grupo na lang ni Remi at Ares ang nanggugulo sa akin.
Naalala ko tuloy ang nangyari noong biyernes. Pauwi na ako nun nang mapadaan ako sa court sa labas ng school at saktong pagdaan ko ay ang hiyawan ng iilang lalake at tili ng isang babae.
Nakita kong umiiyak si Feliz habang may nagsusuntukan.
Namutla ako nang makita kung papaano pumaere ang isang kamao saka malakas ng dumapo sa pisngi ng isang lalakeng di lumalaban.
Oh. My. Sht.
"Please, tama na!" Pagmamakaawa ni Feliz. Siya iyong kaklase ko na madalas kong mapansin na tahimik na nagt-text. Hawak siya ngayon ng isang kaklase naming may maangas na ngisi, si Dreigan.
Naestatwa ako nang mapagtantong hindi lang pala si Dreigan at Feliz ang kaklase kong narito.
Si Ginie, Ryan, Francis, Vince at yung dalawa pang hindi ko pa alam ang pangalan. May iilan ring hindi namin kaklase. Lahat sila ay tila nag-eenjoy sa madugong nagaganap sa harap nila.
Pero ang pinaka-nakakaagaw pansin ay ang galit na mukha ni Ares, ang duguan niyang t-shirt, at ang walang tigil niyang pagsuntok sa mukha nung nakahandusay na lalake.
"Pi-Pigilan niyo siya!" Sigaw ko nang hindi pa rin ito tumigil kahit na nagmamakaawa na si Feliz sa kanyang likod.
Isa-isang nagsilingunan sa akin ang mga nakapalibot sa kanya samantalang siya ay patuloy pa rin sa pagsuntok.
Kahit na natatakot akong mapagbalingan, ay humakbang pa rin ako palapit.
"A-Ano ba?! Tama na!"
Unti-unting nag-angat ng tingin si Ares at sumalubong sa akin ang kanyang malamig ngunit iritadong mata.
"You..You have to stop." Napalunok ako. Si Feliz naman ay patuloy sa kakahagulhol.
"Hoy! Huwag ka nga'ng makealam rito. Alis!" Taboy sa akin ni Dreigan.
"Tang sht ng baguhang 'to. Istorbo."
Lalo akong kinabahan nang unti-unting naglakad patungo sa akin si Ares. Sa bigla ko ay unti-unti rin akong napaatras habang pinupunasan niya ang dugo sa kanyang kamao.
Naluha ako sa awa sa lalakeng binanatan niya.
"Who are you....." Nagtagis ang kanyang bagang habang patuloy pa rin sa kakahakbang at kakapunas ng kanyang kamao, "...to tell me what to do?" Huminto siya sa harap ko.
Napalunok na lamang ako habang tinatapangan ang mukha.
"You could've killed him-" Pinutol niya ang sinabi ko.
"And I could kill you. Too." Sabay taas ng kanyang itimang kilay.
Napalunok na naman ako ngunit naagaw ng sigaw ni Feliz ang aking atensyon.
Humihingi siya ng saklolo samantalang sila naman ay parang bagot na bagot na nakatingin lang sa nagmamakaawang babae.
Nahabag ako sa nakita at namutla. Kasabay nun ang pagdagsa ng samu't-saring alaala sa akin.
Napapikit ako't nakawala ang isang butil ng luha. "Kill me then." Wala sa sariling hamon ko. Binangga ko siya sabay dalo sa kaklaseng walang tigil ang hagulhol.
"Fvckingsht ka, Hernandez!" Malakas na sigaw ng aming leader na nagpabalik sa akin sa katinuan, "Inutil! B1tch! Umayos ka nga! Huwag kang tatanga-tanga! Bwiset!"
Napangiwi ako. Hindi ko namalayan na natulala pala ako sa kalagitnaan ng practice namin. Halos kalmutin tuloy ako ng leader.
"S-Sorry." Paumanhin kong hindi niya tinanggap. Bagkus ay namura naman ako ng ilang beses.
Napapailing na lang ang nga kaklase ko. May nang-iirap, at may bumangga pa sa akin.
At tulad ng nakaugalian, "Chin up, Alex. Never. Back. Down." Paulit-ulit kong bulong sa aking sarili.
Nagpatuloy ang aming practice at maraming idinagdag na stunt ang aming leader. May sinali pa siyang part na lahat kami ay isa-isang sasayaw ng freestyle.
"Alex, ayusin mo yang sayaw mo! Para kang kawayang hinahanginan lang!" Puna na naman ng leader na ikinatawa ng iilan.
Nang magbreak na ay diretso ang tungo ko sa aking bag at dinampot ang kulay asul kong gatorade. Pawis na pawis ako at uhaw na uhaw na. Ngunit bago ko pa mainom iyon ay nay umagaw nito saka ibinuhos ang laman sa sahig ng gym.
Kumulo ang dugo ko at nag-angat ng tingin, "Anong problema mo, Remi?" Naiirita kong tanong. May mga kasama pa siyang pangisi-ngisi na hindi naman nila ikinaganda.
"Ooh... Tumatapang ang baguhang ito ah?" Panunuya niya sabay hatak sa pawisan kong braso, "Ayusin mo yang tono mo sa akin, Alex, Hernandez ka lang." Banta niya.
Pinanood naman kami ng mga kaklase namin at nagbubulong-bulungan pa sila.
Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya saka umismid, "At Roxas ka lang." Kalmante kong sabi.
Kanina pa kasi ako nagtitimpi sa pamamahiya at mura ng leader namin kaya naman ay di ko na mapigilang di sumagot sa babaeng to.
Lalo na't nadamay pa ang pagiging 'Hernandez' ko.
"Kilala mo ba kung sino ang kausap mo?! Ha, Hernandez?!" Nanlalaki ang mata niyang tanong.
"Remi Roxas." Pabalang kong sagot sa malamig na tono, "Anong meron sa kung sino ka, Remi? May espesyal ba roon?"
Laglag ang panga ni Remi at ng mga nakakakita't nakakarinig sa amin.
Marahil ay nagulat sa inasal ko.
Tapos na ang panahong nagpapa-api ako sa kanila. Tapos na ang panahong hinahabaan ko pa ang pasensya ko.
Naghirap na ako noon ng ilang beses. Tinapak-tapakan na ako ng ilang beses. At hindi ko hahayaang maulit pa iyon. Never again. Not ever.
BINABASA MO ANG
Belle of Ares
General FictionYes, you are handsome but i do not love you because of that. Yes, you are rich but I do not love you because of that. Yes, you are smart but I do not love you because of that. You are almost perfect but I do not love you because of that. I love you...