Belle of Ares 5

40 2 0
                                    

Kanina ko pa tinitiis ang bara sa lalamunan ko.

My heart felt heavy but I tried my best to follow the protocol. Chin up, breast out.

Everyone was looking at me with humor as I hurriedly left the room.

I need to get out of here.

Kagat-kagat ko ang labi ko habang dali-daling naglalakad papuntang canteen.

Mabuti pa't ikain ko na lang ang frustration na ito. At sana, matanggal ng pagkain ang bigat sa dibdib ko.

He is so cruel.

I was rooted on the ground when everyone was laughing their heart out and he was just staring at me blankly. He didn't offer a help. He didn't apologize. Just plain staring.

Dahan-dahan akong umupo sa isang isolated table sa canteen.

Paano ba naman, everyone's staring at me like I am some kind of...an animal.

I bit my lip.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na ako sa classroom.

Nasa may field na ako nun nang may tumama na namang bola sa likod ko. But this time, bola na ng basketball.

"Aw." Mahinang daing ko. May hangover pa kasi ang katawan ko sa pagkakabagsak kanina. Kaya naman medyo sumama ang pakiramdam ko nang may tumama sa likod ko.

Napaatras ako ng makitang papalapit si Ares sa kinatatayuan ko.

Oh noes.

Agad ko siyang tinalikuran at nagmadaling umalis roon. I have to always remind my self to keep a distance away from him.

"Miss!" May narinig akong sumigaw sa corridor pero hindi ko na pinansin.

"Miss!" Tawag nito ulit at humarang sa harapan ko.

Naaninag ko ang mukha ng isang maputing babae na may braces. Hinihingal siya habang nakaharang ang dalawang kamay sa harap ko.

Ang dating niya ay typical nerd na laging nabu-bully.

"May....." Bumuga siya ng hangin at bumwelo ng hinga, "M-May pasa ka sa siko."

Nalito ako sa sinabi niya pero nang maalala kong bumangga ang siko ko kanina sa armchair ay agad kong chi-neck ang siko ko.

May kulay malaking violet na medyo mamula-mula dito. May portion pang may maliit ngunit mahapding sugat kaya napangiwi ako.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka."

"No....I-I mean, yes. Ayos lang ako. Salamat." Nilagpasan ko siya nang nakayuko dahil panay na naman ang paninipat sa akin ng ibang estudyante.

Like really? Ano ba talaga ang kasalanan ko? Dahil ba sa hindi ako naka-uniporme? Ang babaw naman!

Tahimik akong naupo sa pinakadulong upuan. Dahan-dahan at ingat na ingat para lang hindi makakuha ng atensyon.

"Oh newbie! Ilang tilapia ang nakuha mo kanina?" Asar sa akin nung babaeng naka-ponytail. Si Remi.

May iilang babae pa ang ngumingisi't nanunuya sa likod niya.

"Wala eh. Dagat kasi yon. Walang tilapia sa dagat." Bulong ko pero narinig niya pa rin.

"Aba't..."

"Tabi." Hindi niya na natapos ang sasabihin nang bigla siya hawiin ni Ares. Pawis na pawis ito pero hindi naman nangangamoy.

Awtomatiko naman ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba. Luminga ako sa paligid upang tignan kung may mga bakante bang upuan at meron nga. Actually, lagpas kalahati ng bilang ang bakanteng upuan.

Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko at dumistansya na kaonti.

"Ares! That girl! She's a bitch!" Deklara ni Remi na umagaw sa atensyon ng mga kaklase namin. Pati ang mga napadaan sa classroom namin ay napasulyap na rin.

Napalunok ako nang makitang tinaasan lang siya ng kilay ni Ares. "At ikaw?"

"Ares!" Frustrated na sigaw ni Remi. Sa ekspresyon ng mukha niya ay halatang may gusto siya sa lalakeng kaharap.

Nagtalo silang dalawa. Ni isa sa kaklase namin ay walang umawat kahit na tumataas na ang boses ni Remi at malapit na itong umiyak.

"I don't deserve this treatment!" At nagwalk-out siya.

Ako naman ay tumayo sa kinauupuan ko upang lumipat sa mas malayong upuan.

Sa kabilang dulo ako umupo at nagulat ako nang may kasabay akong umupo sa katabing upuan.

Awtomatiko ang pagdagundong ng dibdib ko nang makita ang makapal niyang kilay na nakataas.

Napaupo ako nang mawalan ng lakas ang tuhod ko. Luminga ako sa paligid only to find out na nakatuon sa amin ang atensyon ng lahat.

Napalunok na naman ako.

"I'll.. look for another seat." Dali-dali akong tumayo pero kasabay noon ay ang pagdagsa ng ibang kaklase ko papasok dahil sa paparating na raw ang next subject teacher.

Nakakapanlumo. I was left with no choice but to sit again. Narinig ko pa ang pag ngisi niya nang makita ang nanlulumo kong mukha.

"Aw." Napapikit ako at napadaing ng mahina nang kumirot ang pwetan ko.

Gosh, it stings!

Kung hindi lang kasi sana siraulo tong katabi ko, marahil nagustuhan ko na siya.

Aw. Ouch, it,really, stings!

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon