Belle of Ares 13

32 1 0
                                    

Diretso ang lakad ni Ares at di man lang pinapansin ang mga nadadaanang babae na di paawat sa pagpapapansin.

Si Alex naman ay naaasiwa sa mga mapanuring tingin naman ng iilan. Pakiramdam niya ay hinuhusgaan siya ng mga ito.

Ibinabaling niya na lang ang kanyang tingin sa ibang direksyon. Nagpapanggap na di siya kayang tibagin ng mga masasamang tingin na ipinupukol sa kanya.

Nahagip ng kanyang mata ang isang boutique na puno ng magaganda at bagong mga disenyo ng damit. Wala sa sariling napalingon siya sa sariling suot sa araw na ito.

Isang simpleng tshirt na may print na T-Rex Dinosaur ang kanyang suot na pinaresan ng kulay navy blue na pantalon. Nais niya tuloy pumasok roon at magsukat ng damit. Hindi man halata ay mahilig sa pagbibihis si Alex. Balak nga niyang kumuha ng kursong kaugnay sa pagdidisenyo ng mga damit. Yun ay kung papayagan siya ng kanyang ama.

Napatigil naman si Ares sa paglalakad nang hindi niya na maramadaman ang presensya ng kasama sa kanyang likuran. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang makitang tumigil ito sa tapat ng isang boutique at nakatulala.

And what the fucking hell is she looking at?

Sinundan niya ang tingin nito at nakitang mga damit sa loob ng boutique ang dahilang ng pagkakatulala ng dalaga.

She wants those clothes? Dresses? Why don't she tell me so I could buy it for her? Hindi iyong tititigan niya lang na para bang isa iyong pangarap na hindi niya kayang maabot. Sht.

Sa isip-isip niya naman, "What my girl wants, my girl gets." Pero agad niya nang tinaboy paalis sa kanyang isipan ang kabaliwang naisip.

Nang ibinalik niya ang tingin sa harap ay nadatnan niya ang malamig na tinging ipinupukol sa kanya ng kasama. Si Ares.

Diretso ang tingin nito sa kanya na tila ba binabasa at kinakabisado ang kanyang kaluluwa. Wala sa loob na napalunok siya sabay iwas ng tingin. Batid niyang sa mga oras na iyon ay namumula na ang kanyang mga pisngi sa kahihiyan.

Kung bakit ba naman kasi ganoon ito kung makatitig sa dalaga? Nahiling niya tuloy na sana ay ipinanganak siyang morena dahil tiyak sa mga oras na iyon ay bakas ang pamumula sa kanyang mukha.

"A-Ah! So-Sorry... Uhmm... May tinignan lang ako." Nauutal niyang paliwanag nang Makita ang nag-aalab nitong tingin.

Hindi niya malaman kung galit ba ang lalakeng kasama niya dahil hindi naman nagbabago ang ekspresyon nito.

Sa loob loob naman ni Ares, ay talaga naman dapat na magpaumanhin sa kanya ang dalaga.

You better be sorry, miss. Pinasama mo ang pakiramdam ko.

"Just... Just hurry up." Saka siya tinalikuran nito.

Sumunod naman siya sa lalake na patungo sa National Bookstore. Kinalkal ni Alex ang kanyang bag upang hanapin roon ang kanyang wallet. Balak niya sanang magwithdraw na lang dahil hindi siya nakapagdala ng extra'ng pera.

"Teka, teka." Awat niya sa kasama nang mapansing kung anu-ano na lang ang inilalagay nito sa kanilang basket. "Hindi natin kailangan ng glue." Sabay tingin niya sa listahan nila.

"Eh anong ipandidikit natin?" Sarkastiko nitong tanong.

"Mas mabuti kung mighty bond na lang. Para madaling matuyo, saka mas matibay ang pagkakadikit." Paliwanang niya sa kasamang lalake na walang-tigil sa pag-irap sa kawalan.

"Ewan ko sa'yo. Ikaw matalino, e." Saka ito naglakad palayo.

Si Ares ang may dala ng kanilang basket samantalang siya naman ang tagahawak ng listahan. Nag-alok na siya kaninang siya ang magdadala ng basket para di ito magreklamo pero hindi ito pumayag. Mabuti na lamang at ni isang reklamo ay hindi nito ginawa.

"Miss, isang 48 colors po na Reeves, Acrylic." Sabi niya sa saleslady.

Binigyan siya ng saleslady ng isang kulay berdeng kahon. Napalingon siya kay Ares nang mapansin sa gilid ng kanyang mata ang pagtitig nito.

"Uuh... This brand's better than the other." Depensa niya. Batid niyang mas mahal iyong pinili niyang brand kesa sa ibang nakadisplay kaya di na siya magtataka kung magrereklamo ang kasama niya sa halaga nun.

"Do you think I care?" Sarkastiko na naman nitong sagot, "Ang tanong, marunong kang gumamit?"

"Medyo?" Patanong na sagot naman ng dalaga.

"Alright, then. Just hurry up." At tinalikuran na naman siya nito.

Hindi naman malaman ni Ares kung sino ang pagbabalingan niya. Kanina, nang mauna siyang pumasok sa entrance ng mall ay napansin niya agad ang agarang pagdapo ng mga tingin ng lalake sa kanyang likuran. Kumunot ang noo niya.

Could it be Alex? Tanong niya sa sarili. Hindi siya maaaring magkamali. Dahil siya mismo ay tiyak na mapapalingon sa dalaga dahil sa katangiang meron ito.

Katamtaman lang ang taas nito, maputi, at maganda. Kahit na sa ayos nitong simpleng tshirt at pantalon ay tumitingkad pa rin ang katangiang meron ito. Isama pa ang kanyang kulot na buhok na brunette. Kung iisipin niya ay terno ang buhok nito sa kulay ng mata nitong hazel brown. Matangos ang ilong at medyo mapula ang labi, hindi niya lang alam kung gumagamit ba ito ng lipstick. Siguro ay aalamin niya na lang iyon sa susunod.

Hindi niya naman mapigilang punahin ang talino nito. Sa loob pa lamang ng klase nila ay napapansin niya nang hindi ito interesado sa sinasabi ng guro sa harap, hindi masyadong nakikinig, pero halos wala itong mali sa mga quizzes nila. Namangha pa siya sa ideya nitong gumamit ng mighty bond kesa glue. May punto rin naman kasi ang dalaga.

Nang matapos sila sa pamimili ay walang gana niyang initsa sa driver ang mga dalang supot ng NBS. Nanlaki naman ang mg mata ni Alex sa ginawa ni Ares.

"Dahan dahan naman, Ares!" Saway niya rito. Naiinis na kasi ito sa tueing umiiral ang pagiging maangas nito. Spoiled thug!

Pero imbes na patulan ay tinaasan lang siya ng kilay nito. "Sa school, Ben." Utos pa nito sa driver na para bang kumakausap lang ng isang bata. But, for Pete's sake! Wala pa sa kalahati ang edad nila sae dad noong driver! Matanda na ito pero kung kausapin ni Ares ay parang siya pa ang dapat na respetuhin nito.

Hindi siya agad pumasok sa likod ng kotse. Marahil ay magc-commute na lamang siya.

"Ano? Pagbubuksan pa kita ng pinto?" Iritadong tanong ng lalake sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito. Is he mocking her?

"Ipasok mo nga ang isang 'yan, Ben." Walang galang na naming nitong utos sa matandang kakaupo lang sa driver's seat.

Agad niya naman pinigilan ang lalake nang akma itong bababa ng kotse. "No!" She shrieked, "Papasok po ako."

Masamang tingin naman ang ipinukol niya sa kasama dahil sa ugaling ipinakita nito. Major turn off. Gwapo nga't makisig, pero ang ugali nito? Mas magaspang pa ata sa papel de liha.

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon