Belle of Ares 20

26 1 0
                                    

Hindi pamnagtatagal ang byahe ay naramdaman niyang gumalaw si Ares sa kanyang tabi. Hinahalungkat nito ang dalang bag.

Noong una ay inakala niyang hinahanap nito ang kanyang telepono. Ngunit nang naglabas ito ng mga sandwich ay naisip niyang baka nagugutom ito.

Saka niya lamang naalala na hindi siya nakapag-almusal. Ni uminom ng kape ay hindi niya nagawa.

Naalala niya ang mga hawak na mansanas. Akmang bubuksan niya ang supot nito ng abutan siya ni Ares ng sandwich, "Eat,"

Dahan-dahan an pagtanggap ni Alex sa inaabot nitong tinapay, "Salamat,"

Kinain niya ang ibinigay nitong tinapay. Isang kagat pa lang ay alam niya nang butter with maple syrup ang palaman noon. Marahil ay gumawa ito ng sandwich sa kanyang kusina kanina.

Inabutan naman siya nito ng tubig. Noong una ay hindi niya ito tinanggap. Pero nang panlakihan siya nito ng mata ay dali-dali ang kanyang pagtanggap.

Iniisip niyang umiiral na naman ang pagiging bugnutin nito.

Naging tahimik ang byahe nila matapos iyon. Ilang sandali lang ay nakaramdam si Alex ng antok. Humikab siya ng isang beses habang nilalabanan ang antok na umaatake sa kanya.

But then, she felt something landed on her shoulders. Naestatwa siya sa kinauupuan. Lahat ng antok niya ay biglang nawala sa isang iglap at dinala na ng hangin.

Sinilip niya ang mahimbing na mukha ni Ares sa kanyang balikat. He's sleeping peacefully and she wouldn't want to disturb him. The peaceful look on his face suits him best than his usual expression. Marahil ay masyadong maaga itong nagising kanina dahil sa practice game nila.

Hindi niya alam kung bakit gusto niya pang titigan ang mukha nito. Pero bago pa man siya malunod sa naiisip ay iniwas niya na lamang ang kanyang tingin.

Kaya imbes na matulog ay siniguro niya na lamang na maayos ang pwesto nito sa kanyang balikat. Palagi ring nakatanaw sa labas ng bintana ang kanyang tingin, iniiwsang matitigan ang mukha ng binata sa kanyang balikat.

Naging tahimik ang biyahe patungong Maynila. Sa tantsa ni Alex ay malapit na sila sa patutunguhan. Gigisingin niya na sana ang katabi nang kusa itong magising.

Nang makababa sila ng van ay pumara ng taxi si Ares. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod rito. Iniisip niyang baka iligaw siya ni Ares. Sa laki ba naman ng atraso niya rito.

But this is Manila. This is where she lived before kaya kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob. Hindi siya mawawala rito dahil kabisado niya ang patungo sa bahay ng kanyang ama.

"Sa pinakamalapit na fast food chain sa St. Mary's." sabi ni Ares sa driver.

Naisip ni Alex na kung sakaling siya ang nagsabi noon sa harap ng kanyang mama ay baka napagalitan na siya. Nagpapasalamat siyang kahit na napabayaan siya noon ay may mabuting asal naman siya.

Sinipat niya ang katabi pero nag-iwas lamang ito ng tingin. Hindi niya alam kung nahalata ba ng binata ang pagkainis niya. O kung alam ba nitong hindi magalang ang pagkakasabi niya sa driver.

Tumigil ang taxi sa harap ng magkatabing Greenwich at KFC. Nang makita iyon ni Alex ay nawala ang inis niya at ang tanging naisip na lamang ay ang kanyang gutom. The sandwich Ares gave her wasn't enough to free her from starving.

Hiniling niya sa kanyang isipan na sana ay sa Greenwich sila kumain. She was craving for a pepperoni for a couple of days now.

"Alin d'yan?" Tanong ni Ares matapos magbayad sa taxi driver. Sinipat muna ni Alex ang papalayong taxi bago hinarap ang binata.

"Ummm..." pag-aalinlangan niya, "...Greenwich?"

Nakaupo siya sa dakong dulo habang hinihintay si Ares. Umaga pa lamang at marami nang tao ang nandito. Karamihan pa ay mga kasing-edad nila.

Mula sa kanyang kinauupuan ay tinignan niya ang likod ni Ares. Masyadong matangakd si Ares para sa isang high school student. Malapad rin ang balikat nito at malaki ang mga braso. Kung itatabi kay Ares si Felix ay napakapayatot ni Felix tignan Kaya hindi niya maintindihan kung paano nagawang patulan ni Ares si Felix gayong napakalayo ng agwat ng kanilang pangangatawan.

Nakita niyang humalukipkip si Ares habang namimili ng pagkain sa menu na nakapaskil sa taas ng counter. Seryoso ang mukha nito at hindi man lang pinansin ang batang cashier na sa tingin niya ay nasa kolehiyo na. Malaki ang ngiti ito habang nag-aabang sa order ni Ares. O baka ang tingin ng binata ang inaabangan nito?

Sa katotohanan ay ni isa sa mga nakatingin kay Ares ay wala itong pinansin. Sa dami ng babaeng narito, magaganda at malakas ang dating, ay imposibleng ni isa ay walang makaagaw sa atensyon nito.

Wala sa loob na bumaba ang kanyang tingin sa bag ni Ares. Nakapatong ito sa upuan sa kanyang harap. Nagsisisi siyang hindi siya nagdala ng telepono. Sana ay naipag-alam niya kay Miranda na lumuwas siya. Tiyak ay kakaripas iyon ng punta sa kung saan mang kinaroroonan niya.

She smiled at the thought of Miranda. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa labas ng salaming dingding habang nangingiti. She missed those days na kinakaladkad siya ng pinsan patungong mall para lamang mamili ng maisusuot sa tuwing may gala ito. O hindi kaya'y ang pangungulit nito sa kanya habang nag-aaral para lamang isabay siyang magswimming.

Lalong lumapad ang kanyang ngiti.

Bigla siyang napabaling sa mesa nang padabog na inilapag ni Ares ang mga pagkain. Tinignan niya muna ang tray at sinuri kung may natapon bang pagkain ngunit wala kaya nilipat niya ang tingin sa mukha ng lalake.

Iritado ang ekspresyon nito at tiyak ay masama ang timpla.

"May problema ba?" She asked. Habang pnagnanakaw ng tingin sa pagkaing nasa harap. She's disappointed to see na walang pepperoni flavored pizza pero hinayaan niya na lamang. Naisip niyang masyado nang makapal ang kanyang mukha para magdemmand sa lalake ng kung ano ang kakainin. She should be grateful she's able to eat these foods... with this guy.

Hindi ito sumagot. Tinapunan lamang siya nito ng masamang tingin bago nito inayos ang mga pagkain sa kanilang mesa.

Habang nag-aayos ito, nakakunot ang noo, ay saka pa lamang tinamaan ng hiya si Alex. Ni sentimo ay wala siyang dala kaya si Ares ang nagbayad ng lahat. Mula sa pamasahe at pagkain ay ito ang nagbayad.

"Kumain ka na." Seryosong utos nito nang hindi man lang siya nililingon. He must've been really mad.

Sinunod niya ang gusto nitong mangyari. Kumain siya ng tahimik nang hindi man lang binabalingan ang binata sa kanyang harap. Hindi rin naman ito nagsalita.

Hindi pa man nagtatagal ay narinig niya na ang mahihinang mura nito. It was almost a whisper but it reached her ears anyways.

"Fvck. Fvck. Fvck." Bulong nito.

Napangiwi siya sa narinig bago binalingan ng tingin ang binata.

"Please don't curse..." Agad niyang natutop ang bibig ng makitang madilim ang tingin ni Ares. Iniisip niyang baka pagsabihan siya ni Ares na nakikialam siya. Ngunit nang makitang pumungay ang mga mata nito ay nagsalita siyang muli, "Don't. Nasa harap tayo ng pagkain."

Halos maluha siya sa katangahang ginawa. Dapat ay nanahimik na lamang siya at hinayaan ito sa gusto nitong gawin.

With crossed-fingers ay inihiling niyang sana hindi ito nagalit sa kayang sita. Pero ang tanging narinig niya lang ay ang mahina at kalmado nitong sagot, "Okay."


"It'll never happen again."


Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon