Belle of Ares 6

58 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit panay pa rin ang tingin nila sa akin. Nasa gate pa lang ako ay tumi-360 degrees na ang leeg na mga estudyante.

Naka-uniform naman ako. Hindi rin naman sila ignorante'ng makakita ng elastic elbow support brace band, hindi ba?

Lumingon ako upang tignan kung yung likod ko ba ang tinitignan nila. Pero wala namang nakatayo roon.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Dapat ay umupo ako sa isang bakanteng upuan na napapagitnaan na ng occupied seats. Ayokong isipin ba tatabi na naman si Ares sa akin mamaya pero mabuti na ang makasigurado.

"Pwedeng dito umupo?" Tanong ko sa isang babae na busy sa kakatext.

"Sure." At ngumisi siya sa akin bago nagpatuloy sa ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag.

Mabuti at hindi ako tinarayan. Mabuti ay tiyak nang hindi ko makakatabi si Ares.

Nginitian ko ng matamis na ngiti ang babae kahit na hindi niya na iyon nakikita.

Hayy. Buti na lang talaga.

Matiwasay akong umupo. Pangisi-ngisi at huma-humm pa.

"Alis." Sabi ng isang malamig na boses na nagpabagsak ng balikat ko.

Dali-daling umalis sa kinauupuan niya ang babae kasabay ng dahan-dahan kong paglingon sa kinatatayuan niya.

Para hari s'yang umupo sa tabi ko.

It can't be.

I pursed my lips.

Malaki nga ata ang topak ng isang ito. Dumidistansya na nga ako, lumalapit pa siya.

"Ares, sa court mamaya." One of his friends called kaya inalis niya sa akin ang nakakamatay niyang tingin.

Sinenyasan niya lang itong umalis at nawala na ito sa paningin ko.

Sumilay ang ngisi sa labi niya na dahilan upang magtindigan ang balahibo ko.

Gusto ko sanang tumayo at lumipat ng upuan pero nakaharang sa dadaanan ko ang paa niyang nakaangat at nakapatong sa upuan sa harap.

Saka baka pag lumipat ako ay ma-offend siya o sundan niya pa rin ako.

Kapansin-pansin na naman ang mga nakakamatay na tingin sa akin ng iilang babae. Sabayan pa ng irap at panlalaki ng mata.

Ano? Hindi ko naman kasalana'ng binubully ako ni Ares!

"Pwedeng padaan?" Tanong ko nang di nakatingin sa kanya. Ipinagsiklop ko ang mga daliri kong nanginginig at tahimik na nagdasal na padaanin niya ako.

Nanlalambot pa ang tuhod ko but it's now or never. I have to getaway or else I'm doomed....again. I have to cool..At least I should've look cool.

Mabuti at wala kaming permanent seat rito kaya may chances na maaaring hindi siya ang makatabi ko.

"Upo." Matigas niyang sabi. Napaupo ako bigla kaya naman ay napangiwi ako sa kaonting sakit na naramdaman.

Tinaasan niya ako ng kilay kaya yumuko ako.

Ba't ba natatakot ako sa isang tingin niya lang?

"Ares!" Biglang dating ni Remi na iniirapan ako, "Huwag mo 'yang kausapin. Baka mahawa ka sa ka-lampahan n'yan." At tinuro-turo pa ako.

Rude, harsh, thats what they are.

"Leave, Remi. Wala akong panahon sa kapritso mo." At tulad ko, ay sinungitan lang rin siya ng hombre.

"Oh c'mon! I used to be your favorite!"

"I said, LEAVE." Ulit niya sa ma-awtoridad na tono. Tumatagis pa ang bagang niya kaya lalo akong nangilabot.

Napalingon sa kanila ang iba naming kaklase. Ang iba pang nasa malapit ay dumidistanya. Natatakot.

Bumabaliktad pa ang sikmura ko. Bakit ba kasi sa harap ko sila laging nag-aaway?

Ano ba 'to? Old lovers turned enemies? Gracious.

"But Ares...."

"LEAVE!" Sigaw niya, tumayo at sinipa ang armchair sa harap. Tumilapon pa ang mga gamit ng nakaupo roon at nagsitilian ang mga babae at lalo lang lumayo.

Ako naman, dahil sa nakaharang ang katawan ni Ares sa daraanan ko ay hindi ako nakaalis.

Natutop ko ang bibig, mentally. I, really, can't stand violence. Nakakapanghina...

Nanginig ang labi ni Remi. Hindi ko alam kung sa takot ba, o inis.

Bumwelo ako at, "Tama na yan, please....." Sabi ko ng diretso.

...nahaharas na ako. Gusto ko sanang idagdag pero natakot naman ako sa panlilisik ng mata ni Remi sa akin..

"Shut up, b*tch!"

"REMI!"

"I was your favorite, Ares! Remember?!"

"Stop it and leave, Remi! O tatamaan ka ba talaga sa akin!"

Lalo akong namutla pero hindi ko iyon pinahalata at mabuti na lang at si sa akin nakatuon ang pansin ng lahat.

He'll hit her? Like, for real? What if he'll hit me next?

The thought of someone hitting me makes my insides churn. Nanlalamig ang kamay at paa ko.

I've seen people fight but never in my audience.

I always had the choice of walking away or hiding or convincing them to stop. But not today.

"Just, please, stop." Mahina ko pang hiling pero narinig pa rin iyon ni Ares at pinanlisikan ako ng mata.

"Stay out of this!" Singhal niya sa akin. Hinarap niya si Remi, "Leave Remi, or I'll really hit you, bigtime!"

Pinikit ko ng mariin ang mata ko. If he'll hit her, I have to close my eyes then.

"Dude, tama na." Dinig kong may nagsalita.

"Ares, kumalma ka."

Tumingala siya sandali habang mabilis ang paghinga.

"Keep your distance, Remi. Next time around, alright?" Aniya sa tonong nanggigigil, "Or else..."

Iniwan niya sa ere ang karugtong noon.

Natatakot ako pero nang marinig ko ang mahinang hikbi ni Remi ay nahabag ako.

Kahit naman gaano pa kasama ang ugali ng isang tao ay nasasaktan rin ito.

Nagwalk-out ito. Binabangga ang lahat ng nadadaanan niya.

Suminghap si Ares habang masamang nakatitig sa akin.

Ano ba talagang ginawa ko't pinag-iinitan nila ako?

Magsasalita na sana siya, bubulyawan na sana ako, nang pumasok ang english teacher namin.

Ang saya lang diba? Sa harap ko pa talaga nag-LQ?

Belle of AresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon