“Dadda.” Napangiti ako nang tawagin ako ng aking anak. Binuhat ko ito mula sa kanyang crib at binuhat pataas na nagpahagikgik dito na nagpangiti sa akin lalo.
Dalawang linggo na ang nakalipas nang umalis si Thea sa bahay namin. Dalawang linggo na ang nakalipas nang pumayag akong makipaghiwalay siya sa akin. Tuwing Sabado at Linggo ang usapang araw namin na pupunta si Althea dito.
Hanggang ngayon, naglalaro pa rin sa isipan ko ang desisyon ni Althea na iwan sa akin ang anak namin, hindi naman sa hindi ko gusto na ako ang mag-alaga sa anak namin, pero alam ko kung gaano kahalaga kay Althea ang anak namin kaya laking gulat ko na lang nang ipaubaya niya sa akin si Lily. Noong nakaraang linggo na bumisita ang asawa ko ditto, nakita ko talaga sa mga mata nito na sobrang namimiss niya ang anak namin. Sa hindi ko maintindihan na rason, bakit kailangan niya pang pahirapan ang sarili niya ng ganito, ako dapat ang dumaranas ng nararamdaman niya ngayon, hindi siya.
Bago pa man umalis si Althea, napag-usapan naming ang magiging ayos pagkatapos ng magaganap ng paghihiwalay namin.
“Hayaan mo na ako ang gumastos sa pag-aaral mo, Althea.” Suhestiyon ko habang tinutulungan ko itong mag-impake.
“Hindi na, Sandro, maghihiwalay na tayo, di mo na ako responsibilidad.” Sagot nito sa aking habang patuloy na nag-iimpake.
Napatigil ako sa ginagawa ko, “Sa mata ng batas, mag-asawa pa rin tayo kaya responsibilidad pa rin kita.” Pagpapaliwanag ko dito. Inako ko na ang responsibilidad ng pag-aasikaso ng paghihiwalay namin. Aaminin ko, nahihirapan ako, kaya hindi ko pa inaasikaso dahil nahihirapan ako. Pinangako ko naman na gagawin ko, hindi lang ng madalian.
Ilang segundo itong hindi nakasagot pero patuloy pa rin sa pag-iimpake ng mga gamit niya. SImula noong araw na sinabi ko sa kanya na hindi ko siya mahal, bibihira na lamang niya ako tingnan sa mga mata. Lagi siyang iwas sa akin. Kung tutuusin, ang swerte ko sa ngayon dahil hinayaan niya akong tulungan ko siya sa pag-aayos ng mga gamit niya.
Matapos nitong i-zipper ang kanyang maleta, inilapit nito ang kayang mga palad dito at huminga nang malalim, “Pag-iisipan ko, Sandro. Marami na akong utang sayo, ayoko nang dagdagan pa.” Mahinang sabi nito nang hindi pa rin natingin sa akin.
Nang mistulang tatalikuran na ako nito, marahan ko siyang hinawakan sa braso at iniharap sa akin, “Thea, wait.” Pagpigil ko dito.
Humarap nga siya pero hindi naman nakatingin sa akin, nafufrustrate ako sa ginagawa niya. Napabuntong hininga ako, “Please look at me.”
Laking pasasalamat ko naman nang dahan-dahan itong tumingin sa akin.
“Sige, rerespetuhin ko ang desisyon mo, pero pag kailangan mo ng tulong, kahit anong klaseng tulong, please tell me. Okay?” Pakiusap ko dito. Desperado na akong tumulong kay Althea kaya nasabi ko ito. Tumango naman siya at bahagyang nginitian ako.
Bumalik ako sa realidad nang may narinig akong katok galling sa pintuan namin. Di na ako magugulat kung si Thea ito, Linggo ngayon kaya sigurado akong siya iyon. Kahapon hindi ito nakapunta, dahilan daw may kailangan siyang asikasuhin.
“Andyan na si Mamma, Bunso.” Excited kong sabi sa anak namin. Humagikgik ito.
Nang buksan ko ang pinto, tama nga ang hinala ko, ang asawa ko nga ito.
“Hi.” Ngiting bati nito sa akin na para bang isa siyang kaibigan o taong di ko kilala na pumunta sa bahay.
“Hi.” Balik ko rito ng may ngiti.
BINABASA MO ANG
My Married Life
RomanceTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...