Chapter 7: The letter

79.3K 1.1K 132
                                    

Nang mabasa ko ang pangalan ko, nagdalawang isip ako kung babasahin ko ba to o hindi kahit alam kong para sa akin naman yun. Makalipas ang ilang segundo, napag-isipan kong basahin na lang sinimulan ko nang buksan ito.

"August 5, 2010"

Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang petsa ng sulat, ito ang araw bago ang kasal namin.

Kasal na natin bukas! Hindi ako makatulog kasi nageexcite ako para bukas, sabi nila dapat daw magbeauty rest ako para hindi ako mukhang matanda bukas pero hindi talaga ako makatulog kaya napag-isip isip ko na gawan ka ng letter.

Ang gusto ko sana, ako ang pipili ng gown ko pati yung design ng cake at reception natin kaso hindi na pwede kasi naasikaso na ni Dad lahat. Nakapagtataka kasi parang gustung-gusto na talaga niya tayo maikasal pero hinayaan ko na lang, baka masabihan pa ako ng kung ano.

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat dahil ikaw ang makakasama ko habang buhay, na ikaw mapapangasawa ko. Maraming salamat na kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, papakasalan mo pa rin ako. Maraming salamat kasi kahit hindi naman ako maganda, ako pa rin ang pinili mo. Maraming salamat dahil dumating ka sa buhay ko, matagal ko na kasing pinapangarap na sana dumating na ang hero ko para iligtas ako sa nightmare ko. Na sana dumating na ang magliligtas sa akin sa Daddy ko para wala nang mananakit sa akin, para hindi na ako malungkot palagi at para hindi na ako umiiyak palagi. Ngayon, nandito ka na.

Pasensya ka na kung medyo para akong bata gumalaw at magsalita pag nagdedate tayo sa labas, kasi ang totoo niyan, pag lumalabas tayo, pakiramdam ko free ako from Daddy, free ako gawin lahat ng gusto ko. Hindi niya din kasi ako inilalabas, at kung ilalabas man niya ako dati, kasama ko ang yaya ko at hanggang sa tapat lang kami ng bahay, yung playground. Yan yung reason kung bakit para akong sabik sa labas palagi. Pasensya ka na din kung palpak ako sa ibang gawain, wala kasi akong alam masyadong tungkol sa mga to kasi sabi ni Dad lagi naman daw akong palpak kaya wag ko na daw gawin.

Bukas, sa simula ng pagsasama natin sana maging masaya tayo. Sana hindi tayo mag-away palagi at kung mag-aaway man tayo, sana hindi mo ako sampalin at sigawan tulad ng ginagawa sa akin ni Daddy pag nagagalit siya. Sana kung mag-aaway man tayo, saglitan lang, para magkabati tayo agad. Sana di ka magalit kung palpak ako sa mga gawain ko.

Promise ko sayo, simula bukas, gagawin ko ang lahat para maging masaya ang pagsasama natin. Promise ko sayo na gagawin ko ang responsibilities ko bilang asawa mo. Promise ko sayo na imamassage kita kapag pagod ka galing sa trabaho. Promise ko na pag-aaralan kong lutuin yung mga gusto mong pagkain. Promise ko sayo na bubuo tayo ng masayang pamilya  magkakaron tayo ng babies na mamahalin ka. At higit sa lahat, pangako ko sayo na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko, na ikaw lang ang mamahalin ko at tatanda tayong magkasama. Mahal na mahal kita, Alessandro. Utang na loob ko sayo ang buhay at kasiyahan ko.

Till death do us part, my love.

Itiniklop ko ang papel na binasa ko. Guilt, yun ang unang-una kong naramdaman matapos kong basahin ang sulat ni Thea para sa akin. Wala siyang alam, hindi niya alam na sapilitan kaming ikinasal. Mali ako. Pinagbintangan ko siya sa bagay na hindi niya naman pala ginawa. 

Naaalala ko ang tanong niya sa akin noong honeymoon namin, "Bakit? Anong problema?" Ang lakas ng loob ko pang duruin siya nang araw na yun, ako pala mali. Nakakatawa, ang gago-gago ko. 

Ibinalik ko ang sulat kung saan ko ito nakuha. Naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko dahil sa dami ng narealize ko. Sa sobrang guilt na nararamdaman ko sa dibdib ko, ang bigat sa pakiramdam parang sasabog ako. Biktima din si Thea ng mga pangyayaring ito. Parang gusto kong magwala, sumigaw, gusto kong manapak ng pader. Gusto kong sapakin ang sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto ni Thea na hinang-hina. Hindi ko malimutan ang mga sinabi niya sa sulat na yun, ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya sa kamay ng sarili niyang ama at ang pagmamahal niya na para sakin. Totoo pala lahat ng mga ipinapakita nya sa akin.

Sana hindi tayo mag-away palagi at kung mag-aaway man tayo, sana hindi mo ako sampalin at sigawan..

Sobra akong naguilty sa sinabi niya, hindi kami nag-aaway, pero lagi ko siyang sinisigawan at sinasaktan physically. Nakakaguilty. Gusto kong bumawi na may halong gusto ko nang mawala. Hindi ako karapat-dapat sa kanila. Pamilya ko ang sinaktan ko, ang asawa at sarili kong anak.

Kung kanina, gustung-gusto ko nang umuwi at matulog. Ngayon, bumaba ako para kunin ang susi ng kotse ko para balikan si Thea sa hospital. Gusto kong humingi ng tawad at bumawi sa lahat lahat ng ginawa ko. Sa kanilang ng anak ko.

-

Comments and votes are very much appreciated. :) Enjoy Reading!

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon