3 YEARS LATER
"Mama" tawag sa akin ng anak ko.
Binuhat ko siya mula sa walker niya at hinalikan siya sa pisngi. Anak ko, si Lily Alessandra Fuentebelde, magdadalawang taong gulang na siya sa susunod na tatlong buwan. Nakakatuwa.
Isinunod ko ang second name niya sa tatay niya, alam kong di matutuwa si Sandro kapag nalaman niyang ginawa ko iyon sa pangalan ni Lily, laking pasasalamat ko nung hindi niya tinanong ang pangalan ng anak ko, ng anak namin.
Sa araw na iniwan ako ni Sandro, noong araw ng honeymoon namin, sa araw na binigay ko ang sarili ko, sa araw na nagalit siya sakin, sa araw nagsimula ang lungkot ko, di ko aakalain na may saya pala sa likod nun, dahil sa araw na yun, nabuo si Lily.
Paano ko nasabi? Matapos ang araw na yun, wala ng nangyari sa amin ni Sandro, ni hindi siya lumalapit sa akin. Para akong hanging dinadaanan niya na lang.
Nang sabihin ko sa kanyang buntis ako, umasa na naman akong mamahalin niya na ako para sa anak namin pero mali, nagkamali na naman ako. 'Nong araw na yun, tinignan niya lang ako ng walang emosyon at sinabing, "So? Pananagutan ko? Nagdagdag ka lang ng palamunin." Atsaka umalis.
Sa mga panahong nagbubuntis ako, umasa pa rin akong hahagurin niya ang likod ko pag nagsusuka ako, na bibilhin niya yung mga pinaglilihian ko at sasamahan ako sa mga check-ups. Pero umasa na naman ako sa wala. Dahil sa mga araw na yun, nasa trabaho siya magdamag, kulang na lang, tumira na siya doon.
Sa panahong yon, naisipan kong maghanap ng trabaho para sa anak ko, para hindi siya maging palamunin kay Sandro.
Nagtrabaho ako sa isang diner na malapit sa bahay namin, waitress ako dun. Bakit sa gantong trabaho ako napunta? Oo, yung tatay ko, may-ari ng kompanya pero pinabayaan niya lang ako kaya hanggang high school lang ang tinapos ko.
Sa araw ng pagpapanganak ko, ako nag-asikaso sa sarili ko, kahit na masakit, kahit mahirap, pinilit kong dalhin ang sarili ko sa ospital. Malungkot dahil wala man lang bumisita sakin, pero nawala ang lungkot ko nang ilagay ng nurse ang anak ko sa mga braso ko, sa oras na yun, pakiramdam ko, nawala lahat ng paghihirap ko simula nung unang araw na buhay asawa ako.
Hindi tinignan, nilapitan o binuhat man lang ni Sandro si Lily simula noong ipanganak ito. At simula sa araw na yun, tinanggap ko na ang katotohanan na wala kaming puwang sa buhay ni Alessandro, pero bilang asawa, pagsisilbihan ko pa rin siya alang-alang sa ipinangako ko sa Diyos noong araw ng kasal namin.
"Hi baby" sabi ko sa anak ko habang buhat ito at naupo sa sofa malapit sa walker niya.
Habang nilalaro ko ang anak ko, nakita kong bumaba ng hagdan si Sandro.
Inilagay ko uli si Lily sa kanyang walker at dali-daling pumunta sa kusina para ihanda ang hot choco ng asawa ko. Araw-araw na gawain ko na to, gigising ng maaga para magluto ng almusal niya. Ganun din sa gabi, uuwi ako ng maaga galing sa trabaho para mapaghandaan siya ng pagkain.
Iniiwan ko si Lily sa kapit-bahay naming si Emma, napakaswerte ko sa kanya, napakabuti niyang tao, kung tutuusin, para ko na siyang kapatid at bestfriend dahil siya nakakaalam ng lahat ng pinagdadaanan ko, siya ang nagiging sandalan ko sa mga araw na namomroblema ako.
Pagkapasok ko sa kusina, nasa upuan na ito, kumakain habang nagbabasa ng dyaryo. Tinimpla ko agad ang hot choco niya.
"May kailangan ka pa?" Tanong ko sa kanya matapos ilapag ang kape niya sa lamesa. Umiling lang ito. Bigla akong napatingin sa ayos niya, napaka disente, napakagwapong lalaki.
Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkomento sa asawa ko, sasabihin ko sa kanila na proud ako maging asawa ng isang Alessandro Fuentebelde, proud ako sa kanya dahil sa pagkahusay niya sa paghawak sa business niya.
"Anong tinatayo-tayo mo dyan?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Sandro nang hindi ibinababa ang binabasa na dyaryo.
"Ah. Wala." Sagot ko at lumabas na ng kusina para puntahan ang anak ko na nasa sala.
Nilaro ko si Lily hanggang sa umalis na si Sandro. Bumalik ako sa kusina para ayusin ang pinagkainan niya at ihanda ang kakainin namin ng anak ko. Hindi kami sumasabay kay Sandro sa pagkain dahil sa hindi din kagustuhan nito, noong sumabay kami ni Lily, hindi niya kinain ang inihanda ko at umalis na lang siya agad. Ganun niya kaayaw ang presensya namin.
Matapos naming kumain ay niliguan at binihisan ko na si Lily at dinala na kay Emma, bago ko pa siya iwan sa kaniya, hinalikan ko muna to ng maraming beses na nagpatawa sa kanya. Ang tawa at ngiti ng anak ko ang nagpapabuo at nagpapatanggal ng pagod ko.
"Salamat Emma ah. Maraming salamat." Sabi ko kay Emma matapos nitong kuhanin sa akin si Emma.
"Nako naman Thea, wala yun. Basta ha? Wag ka mahihiya sa akin. Andito ako palagi para sa inyong dalawa." Sagot niya sa akin. Maraming beses akong nagpapasalamat sa Diyos dahil binigay siya sa akin na akala ko wala nang taong magiging mabuti sa akin.
Niyakap ko muna siya at hinalikan muli si Lily bago bumalik ng bahay para mag-ayos bago pumasok ng trabaho.
-
Comments and votes are very much appreciated. :) Enjoy Reading!

BINABASA MO ANG
My Married Life
RomanceTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...