Chapter 21: Plan

46.7K 735 24
                                    

"Sandro?" Tawag ko sa asawa ko na nakatuon ang atensyon sa panonood ng TV. Nakahiga ako sa may balikat niya habang si Lily naman ay nakadapa sa may dibdib nito at mahimbing na natutulog. Magmamadaling-araw na pero di pa rin kami natutulog.

Nilingon naman ako nito at inilipat ang atensyon sa akin, "Yes, babe?"

"Magpapaalam sana ako." Mahinang tugon ko dito.

Inalis niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko gamit ang kamay niyang nakapatong sa may likod ng anak namin.

"What is it?" Mahinahong tanong nito sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa kaliwang kamay ko na nakapatong sa may dibdib ni Sandro, di kalayuan sa may pwesto ng ulo ni Lily.

"May reunion kasi yung mga kaibigan ko 'nong high school, eh, sinasama nila ako." Paliwanag ko, hindi pa rin ako tumitingin kay Sandro.

"Sige. Kailan yan?" Tanong ulit nito.

"Bukas na eh." Pabulong kong sagot.

Nang hindi siya sumagot makalipas ang ilang saglit, tiningnan ko na siya. Nakatingin lang din ito sa akin nang blangko.

"Okay lang naman Sandro kung di mo ako payagan eh. Alam ko kasing bukas din ang alis natin papunta sa nga kapatid mo. Nagpaalam lang ako kasi..." Bakit nga ba ako nagpaalam? "...wala lang." Napayuko muli ako sa huli kong sinabi.

Natatawa ako sa sarili ko, di ko alam kung bakit ako nagpaalam kay Sandro. Ni hindi ko din alam kung gusto kong pumunta sa reunion o hindi. Gusto ko, kasi makikita ko na ulit ang mga dati kong kaibigan. Ayoko, dahil may parang di ako magandang nararamdaman pag tinuloy ko ito.

Nginitian naman ako ni Sandro, "Gawan natin ng paraan yan pero saglit lang, dalhin ko lang si Lily sa kwarto niya." Sabi nito na ikinatungo ko.

Hinalikan ko muna sa noo si Lily bago ako lumipat ng pagkakahiga, mula sa balikat niya papunta sa unan ko.

Sinundan ko ng tingin si Sandro, mula sa pagkarga niya sa anak namin hanggang sa paglabas ng kwarto namin.

Dumiretso ako ng pagkakahiga at tumingin sa may kisame. Maya-maya, naramdaman ko ang paghiga ni Sandro sa kama. Tiningnan ko siya, nakadapa na ito habang nakapatong ang ulo niya sa mga braso niya at nakatingin din ito sa akin.

Walang nagsasalita sa amin. Sana pala. Di na ako nagpaalam sa kanya dahil planado na niya ang araw namin bukas at saka halatang excited siya.

Nginitian ko siya, "Wag na pala, Sandro. Wag mo na isipin yung ipinaalam ko. Punta na lang tayo sa mga kapatid mo bukas." Assurance ko sa kanya.

Tumagilid ako at humarap sa kanya, lumapit ako sa kanya at inilapat ang noo ko sa noo niya. Ipinikit ko na ang mga mata ko, inaantok na din kasi ako.

Naramdaman ko naman ang pagtanggal niya sa kanyang braso mula sa ilalim ng ulonan niya, ipininulupot niya ito sa may bewang ko at mas pinalapit niya pa ako sa kanya.

Tuluyan na sana akong makakatulog nang bigla itong nagsalita, "Sige na Thea, pumunta ka na sa reunion niya." Bulong nito sa akin.

Umiling-iling naman ako, "Hindi na, Sandro." Maikling sagot ko dito dahil inaantok na ako.

"I insist." Mahinang sagot uli nito na may bahid ng pagka maawtoridad. Hinalikan niya ako sa noo. "Gusto kong magkaroon ka ng social life, hindi yung lagi ka na lang nandito. Next week na lang tayo pumunta sa mga kapatid ko."

Niyakap ko siya ng mahigpit bilang kasagutan. Dahil sa sobrang antok ko, yun na lang ang tangi kong nasagot. Bukas ko na lang sasabihin kay Sandro na di ko na itutuloy.

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon