Chapter 30: The Real Start

33.7K 624 119
                                    

Althea's POV

"Mahal."

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ng asawa ko, may dalawang braso na yumakap sa may bewang ko.

"Oh bakit?" Pabirong pagtataray na sabi ko.

Sinandal ni Sandro ang baba niya sa tuktok ng ulo ko, "Wala lang. I love you."

"Anong kasalanan mo?" Natatawa kong sagot dito.

"Wala ah. Gusto ko lang magsabi ng I love you. Bawal ba yun?" Mas lalo akong natawa nung narinig ko yung pagtatampo sa boses niya.

"Hindi." Maikling sagot ko dito.

"Babe, ayoko pumasok." Pagmumukmok nito sa akin. Nilipat nito ang ulo ko sa may leeg ko.

"Nako, Sandro, di pwede yun." Tutol ko dito.

"Bakit "Sandro"? Bakit hindi "Babe"?" Pagmumukmok nito. Di ko na napigilan yung tawa ko at natawa na ko ng tuluyan.

Hinarap ko ito, "Ikaw Alessandro, wag mo nga kong inaartehan ng ganyan." Natatawa kong sabi dito. "Para kang bata.", dugtong ko.

"Aw. Alessandro talaga. Sige na nga, papasok na ko, Babe. Babye." Malungkot na sabi nito saka tumalikod sa akin.

Di ko na napigilang umirap, "Sige bye." Pang-aasar ko dito.

Liningon ako nito, "Grabe, Mahal, Di mo ko pipigilan?" Bigla itong nagpout.

"Drama mo ngayon, Babe." Sabi ko dito at lumapit sa kanya at niyakap siya.

Gustung-gusto ko na niyayakap ang asawa ko. Iba yung nararamdaman ko pagyakap ko siya at nakayakap siya sakin.

Niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan ako sa noo, "Ito yung hinihintay ko eh." Bulong nito sakin at hinalikan muli ang noo ko.

Nung humiwalay ako, nakita kong nakangiti ito sakin, ngumiti ako pabalik.

"Pasok na." Sabi ko dito habang hinahaplos pisngi nito. Hinawakan nito ang kamay ko na nakahawak sa kanyang pisngi at hinalikan ito.

"Good bye kiss." Sabi nito at di na ko nag-inarte pa at humalik na ko sa labi niya.

Magkahawak-kamay kaming pumunta sa may pinto.

"Maging safe ka ah?" Nag-aalala kong sabi dito.

"Oo, Mahal. Para sa'yo, kay Lily at sa magiging baby natin, magiging safe po ako." Paninigurado nito sakin. Nginitian ako nito.

Isa muling halik ang iniwan at isang halik sa magiging baby namin pati isang "I love you" bago ito tuluyang umalis.

Sa nakalipas na tatlong buwan, palihim akong nagpapacheck up sa ob-gyne. Hindi ko pinapaalam kay Sandro dahil baka may malaman siyang ikalulungkot niya. Noong huli kong check up, maayos naman yung anak namin, pero alam ko, na sa mga susunod na buwan, magiging delikado na ang lagay nito.

Sa tuwing naaalala ni Sandro ang check-up, nagrarason na lang ako na "Oo, sa susunod na araw." Kadalasan na araw na pagpapacheck-up ko ay pag wala siya, pag may business trip or meeting. Yung mga pagkakataon na hindi siya makakauwi ng maaga.

Ngayong araw na 'to, may check-up uli ako dahil nasabi na rin ni Sandro na gagabihin siya ngayon.

Nagsuot ako ng simpleng maternity dress at tinignan ang sarili ko sa salamin, halata na ang umbok ng tiyan ko, hinaplos ko to, di ko din mapigilang mapangiti, ano kayo ang susunod na anak namin? Babae kaya o lalaki? O di kaya, kambal? Napangiti ako lalo sa naisip ko, matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng kambal na anak. Mas excited pa nga sa akin ang mag-ama ko, lalo na si Lily, hindi mapakali pag naaalala niyang magiging ate na siya.

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon