SANDRO'S SIDE
KASALUKUYAN kaming nakain ngayon sa restaurant. Sa totoo lang, hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Thea, ang ganda ng aura niya ngayon na kahit sino hindi maiiwasang di mapatingin sa kanya.
Hindi ko sinasadyang magsalita ng masasakit kanina sa kanya, hindi lang talaga ako sanay na tinatanggihan niya ako, pakiramdam ko kasi, napapahiya ako.
"Bakit?" Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Thea, nakatingin na pala ito sa akin. Napaiwas ako agad.
"Wala. Kumain ka na dyan." Utos ko dito, sinadya kong sungitan ang pagkakasabi dahil nahihiya ako! Damn it!
Sinilip ko ang reaksyon nito nang palihim. Bumalik na ito sa pagkain na parang hindi apektado sa pangsusungit ko rito. Nanibago ako sa reaksyon niya, sanay akong nalulungkot ito sa mga ginagawa kong pagsusungit.
Kinuha ko ang kutsarang panghimagas na nasa tabi ko at kumuha ng kaunti sa ice cream na nakaserve. Ang sarap! Gusto kong matikman ni Thea kaya nagscoop uli ako ng kaunti at inilapit sa kanya, "Tikman mo." Aya ko dito, sinamahan ko pa ito ng ngiti.
Ang tagal kong inaantay na isubo niya 'to, pero nakatingin lang siya sa kamay ko, halatang-halata sa mukha niya ang pagtataka. Naiinip na ako sa pagtitig niya. Napakunot na ako ng noo, napapahiya na naman ako.
Padabog kong ibinaba ang kutsara, letse naman! Siya na nga tong sinusuyo ko, pinapahiya pa ako.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, tiningnan ko siya.
"I'm sorry." Yung mga mata niya parang nagmamakaawa. May kung anong bagay na bumara sa lalamunan ko. Ako ang dapat na nag-sorry, hindi siya.
Kumuha uli ako nang ice cream at saka inilapit muli ito sa kanya. This time sinubo na niya. Unti-unting lumabas ang ngiti nito, isang matamis na ngiti, ngayon ko lang uli nakita ang mga ngiti nun, dati niyang pinapakita sa akin ito noong hindi pa kami kasal, "Ang sarap." Sabi nito, at sa hindi ko inaasahang pangyayari, nahalikan ko siya sa pisngi.
Kitang-kita ko ang pagpula ng mukha ni Thea. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at bumalik na lang sa pagkain.
-
NAGLALAKAD kami ngayon sa seaside ng MOA. Buhat buhat ko si Lily habang hawak ko ang kamay ni Thea. Ewan ko ba, parang gusto ko lagi hawak ang kamay nito.
"Upo tayo." Yaya ko dito at agad naman siyang sumunod, inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at nauna nang umupo sa may semento sa seaside.
Sumunod na rin ako sa pagkakaupo at hinawakan uli ang kamay niya. Tahimik kaming pareho habang nakatingin sa may karagatan.
"Madami akong narealize sa mga nakaraang araw, Thea." Panimula ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa karagatan. Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya kahit na ramdam kong hindi niya ginagantihan ang hawak ko. "Gusto ko sanang bumawi sa inyo ni Lily, gusto kong iparamdam sa inyo na kaya kong maging ama at asawa." Sabi ko sa kanya at tiningnan siya, napatingin din siya sa akin pero walang bahid ng tuwa o pagkagulat ang kanyang mga tingin.
Ngumiti siya sa akin, "Kay Lily ka na lang bumawi Sandro, bawiin mo ang mga taong hindi mo siya kinilala bilang isang anak. Sa mga taong wala kang ibang ginawa kundi sigawan siya. Maging ama ka sa na kanya." Tuluy-tuloy na sabi nito sa akin. "At hindi ko kailangan ng pagbawi mo Sandro. Hindi ko na kailangan. Don't you think it's too late for that?" Tanong nito sa akin na parang isang bombang ibinato sa mukha ko. "Don't you think it's too late for that?"
Sa bawat sinabi niyang salita, para akong pinapatay ng paunti-unti. Narealize ko na naman kung gaano ko nasaktan sila. May chance pa ako kay Lily, at hindi ko na sasayangin yon, pero sa asawa ko, wala na. Tama siya, huli na ang lahat. Napangiti na lang ako ng mapait at napatango saka hinalikan ang likod ng kamay ni Thea.
Oo, napahiya ako sa sinabi pero wala akong lakas ng loob na saktan siya katulad ng ginagawa ko dati. Dahil sa pagkakataong 'to, kitang-kita ko na ang kasalanang ginawa ko sa kanya.
-
TAHIMIK kaming dalawa ni Thea buong biyahe pauwi hanggang sa makarating kami sa bahay.
Binihisan ko muna ang anak ko bago ko siya hinalikan sa noo at ihiniga sa crib. Tiningnan ko muna siya saka hinaplos ang pisngi. Maaayos ko din pamilya natin anak, pangako ko yan.
-
Comments and votes are very much appreciated. :) Enjoy Reading!
BINABASA MO ANG
My Married Life
Любовные романыTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...