"Good morning, Mahal." Bati sakin ni Sandro na may kasamang yakap at halik sa pisngi.
"Morning." Sagot ko sabay hikab. Tatayo na sana ko nang bigla akong makaramdam ng matinding sakit sa ulo ko. Sakit na may halong pagkahilo. Di ko sinasadya, natumba ako.
"Althea!" Narinig kong tawag sakin ni Sandro. Naramdaman ko na lang siya sa tabi at pilit na binubuhat ako.
"Sandro. Ang sakit. Yung ulo ko, Sandro. Yung baby natin." Tanging nasabi ko sa kanya. Kasalukuyang nakapikit ako at pilit na inaalis yung sakit na nararamdaman ko.
"Althea, Mahal, gising ka lang ah? Pilitin mong hindi mawalan ng malay. Dadalhin na kita sa ospital."
Pinipilit kong maging stable kahit na pakiramdam kong unti-unti na kong nawawalan ng malay.
... And the next thing I knew, everything went black.
*
"Doc, ano pong maaaring gawin?" Rinig kong boses ni Sandro na halatang sobrang natataranta siya.
"The most efficient way for Mrs. Fuentebelde is to perform a chemotherapy since she's still in her first trimester. But..."
"Pero ano, Doc?"
"The baby will possibly be delivered in an early month than usual. Malaki po yung posibilidad na maging premature baby ang anak niyo."
No. Hindi ako papayag na maging premature ang anak ko. Hindi pwede.
Yan ang huli kong narinig at nasabi sa isip ko nang muli akong kainin ng dilim.
*
"Sandro." Tawag ko sa asawa kong natutulog sa tabi ko habang hawak hawak ang kamay ko.
Tinignan ko ang paligid ko, nakita ko ang anak namin na mahimbing na natutulog sa sofa. Napasimangot ako nang makita ang mag-ama ko na nakasuot pa rin ng pajama nila. Kumain na kaya tong dalawang to?
Napabalik ang tingin ko kay Sandro nang gumising ito.
"Althea. Buti na lang gising ka na. Sobrang pinag-alala mo kami ni Lily." Sabi nito sabay yakap sakin at halik sa noo ko.
"Yung baby natin kamusta?" Mahinang tanong ko.
"Okay naman yung baby natin. Walang dapat ipag-alala. Pero yung kalusugan mo dapat yung alalahanin natin. Sabi ni Doc..."
"Narinig ko." Putol ko sa sasabihin nito.
"Narinig mo?" Nagtatakang tanong nito sa akin. Tumango ako bilang kasagutan.
"I was half awake nung nag usap kayo ni Doc." paliwanag ko dito.
"Mahal, kailangan nating ipa-chemo..."
"Ayoko." Putol ko muli sa sasabihin nito.
"Pero Althea..."
"Nakapagdesisyon na ko, Sandro. Ayokong magpatherapy at maging premature ang second baby natin." May paninindigang sagot ko dito.
"Nakapagdesisyon ka na? Pano naman yung desisyon ko, Thea? Buhay ng asawa at anak ko ang nakasalalay dito. Wala namang masama kung maging premature ang anak natin, ang mahalaga ligtas ka at malusog. Ligtas din ang anak natin."
Tinignan ko ng masama si Sandro, "Ganyan ka ba kainsensitive, Sandro? Okay lang sayo maging premature ang anak natin?" sarkastiko akong tumawa, "Oo nga pala, wala ka nga pala nung pinanganak ko si Lily. Di mo alam kung anong klaseng laban ang nilabanan ni Lily para lang mabuhay siya. Gago ka kasi noon eh. Wala kang kwentang ama. Kung ganun ka pa rin hanggang ngayon, wala na tayong dapat pag-usapan pa." Bitaw ko dito at tumalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Married Life
RomanceTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...