Chapter 14: Dinner Date (part 2)

62.4K 950 108
                                    

TUMINGIN ako sa orasan, 6:30 na. Tapos na ko mag-ayos, nakasuot ako ng isang black cocktail dress at inayos ko ang medyo kulot kong buhok sa ponytail na ayos. Isinuyo ko naman ang anak ko kay Emma at di ko na rin naiwasang itanong kung paano sila nagkakilala ni Sandro, ikinuwento niya naman kung saan at paano. Kung makatago ng kwento si Sandro, akala mo naman importanteng pangyayari.

6:45 na, wala pa din si Sandro. Nagulat ako nang magring ang phone ko, tiningnan ko ito, si Sandro. Hindi ko maiwasang di mapangiti, ito ang unang beses na tinawagan niya ako sa telepono.

"Hello?" Sagot ko.

"Asan ka ba? Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay, bakit di ka pa nalabas?" Bungad nito sa akin na halatang iritable.

"Ay teka lang." Binaba ko na ang telepono at dali-daling lumabas ng pinto. Andun nga si Sandro, nakasandal sa labas ng kotse niya at ang sama ng tingin sa akin.

"Ano ba yan Thea? Napakalinaw ng oras na binigay ko sayo." Naiirita na talaga siya. Napayuko na lang ako.

"Sorry. Akala ko kasi, papasok ka pa ng bahay." Mahinang sagot ko dito.

Tumawa ito ng walang emosyon, "Business dinner to hindi date. Pumasok ka na." Utos nito sa akin. Sumunod na lang ako agad dahil baka mairita pa siya lalo.

SANDRO's POV

NAPAKAPIT ako nang mahigpit sa manibela dahil sa inis ko sa sarili ko, napagtaasan ko na naman ng boses si Thea. Punyetang pride to. 

Sinilip ko ang asawa ko na nasa passenger seat, tahimik lang siya na nakatingin sa labas. Napabuntong hininga ako.

"Are you okay?" Tanong ko dito.

Halatang nagulat siya nang magsalita ako, tumingin siya sakin. "Yes." mahinang sagot nito at ibinalik na ang atensyon sa bintana.

I was expecting this night to be happy pero ako pa mismo sumira, damnit!

Napatingin ako sa kamay ni Thea na nakalapat sa binti niya. Nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba ito o hindi.

Kung iisipin, para na akong baliw na magiging mabait tapos magiging masungit bigla kay Thea. Pero hindi talaga ako sanay sa ganto. Sobrang bago sa akin ang gantong pakiramdam.

In the end, hinawakan ko pa rin ang kamay niya, she flinched na para bang napaso ito nang hawakan ko siya pero laking pasasalamat ko nang hindi niya binawi ito.

Inilapit ko ito sa bibig ko at marahang hinalikan ang likod ng kamay niya. "I'm sorry." sambit ko.

Inalis ko ang tingin ko sa daanan at saglitan siyang tiningnan, "I'm sorry." Ulit ko. Tumango ito. Napangiti ako at ibinalik na uli ang atensyon sa pagmamaneho.

THEA's POV

MAKALIPAS ang ilang minuto nakarating kami sa isang marangyang restaurant. Hindi ko alam kung anong lugar ito dahil hindi naman ako nalabas ng bahay palagi.

Lumabas na ako ng kotse pero nagdalawang isip ako kung papasok ako o hindi. Napasandal ako sa pintuan ng passenger seat at hinawakan ang hawakan ng pintuan gamit ang dalawang kamay ko. Wag na lang kaya? 

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon