Chapter 27: Why Althea?

40.1K 841 121
                                    

TINIGNAN ako ng babae na parang nagtataka, sasagot na sana ito nang may lumapit pang isang babae, nilapitan nito ang kanyang kaklase.

"Be, ano daw yun?" Mahina pero rinig kong sabi ng babaeng kalalapit lamang sa kausap ko kanina.

"Kung may Althea Fuentebelde daw dito sa atin. Narinig ko na ata pangalan niya." Sagot naman ng isa na pilit na inaalala kung saan niya narinig ang pangalang binanggit ko.

"Fuentebelde?" Ulit ng babae. "Be, yan yung kaklase natin na hindi sumulpot simula nong first day pa." Malakas na sabi ng babaeng lumapit kanina.

Napakunot ang noo ko sa sagot nito, "Hindi pumapasok?" Buong pagtataka kong tanong. Hinarap naman ako ng dalawang babae.

Tumango ang mga ito, "Opo, Sir, di po siya pumapasok since nung first day pa po, pero enrolled po siya." Paglilinaw ng isang babae.

Walang emosyon akong nagpasalamat sa dalawang babaeng nagbigay impormasyon sa akin tungkol kay Thea.

Sa buong biyahe ng pag-uwi ko, gulung-gulo ako. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Bakit hindi napasok si Althea? Akala ko ba yun ang gusto niyang mangyari? Ang makapag-aral uli?

"Baka naman nag iba siya ng University na pag-aaralan niya." Kumbinsi ko sa sarili ko.

Ipinarada ko muna sa gilid ng kalsada ang sasakyang minamaneho ko, sa sobrang pag-iisip ko, hindi na ako nakakapagfocus sa ginagawa ko.

Napasuklay ko ang kamay ko sa buhok ko at napahingang malalim. Di ko na alam ang nararamdaman ko, hindi naman ako ganito noon kay Althea. Di naman ako ganito na nag-aalala sa kanya dati.

Kinuha ko mula sa bulsa ng pants ko cellphone ko. Naisipan kong itext si Thea.

"Good evening, kamusta pag-aaral mo?" Tanong ko dito saka pinindot ang send button. Muli kong ibinalik ito sa bulsa ko

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ko ang vibration na mula sa bulsa ko, si Althea ito, agad ko naman itong binasa. "Mabuti naman. Medyo maraming pressure pero kaya naman." Sagot naman nito.

Di ko nakontento sa sagot niya, kaya tinanong ko na ang kanina pang tanong na bumabagabag sa akin, "Good. Saan ka nga ulit nag-aaral?"

Makalipas ang ilang minuto, sumagot ulit ito at laking gulat at pagtataka ko na ang sagot niyang unibersidad ay ang mismong pinuntahan ko kanina lang.

"Sh*t!" Di ko na napigilang mainis at mafrustrate. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko sa ginagawa ni Althea. Di ko na sinagot ang huling message niya dahil baka kung ano pa masabi ko. Binuhay ko na muli ang makina ng sasakyan ko.

-

KINABUKASAN pumunta uli ako sa unibersidad na pinapasukan daw ni Althea. Dumiretso ako sa admission para magtanong tanong kung saan ko pupwede malaman ang address na nilagay ni Althea sa kanyang registration, binigay nila ito agad, at nalaman kong nakatira ito sa lugar sa Tondo, Manila.

Kahit na tirik ang araw, hindi ako tumigil sa paghahanap at pagtatanong. Kailangan ko makausap si Althea. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya.

Pumasok ako sa isang eskinita at nilapitan ang unang taong nakita ko dito. Isa siyang matadang babae na nasa labas ng kanilang bahay ata habang nagpapaypay at tila init na init, "Magandang tanghali po." Bati ko.

Tumigil ito sa ginagawa niya at nginitian ako, "Ay magandang tanghali din naman po." Bating balik sa akin nito.

Nginitian ko din ito pabalik bago sabihin amg payo ko, "Gusto ko lang po sana itanong kung alam niyo po kung saan po banda itong address na to." Panimula ko dito at pinakita ang address ng tinitirhan ni Althea ngayon.

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon