"SANDRO wag kasi!" Suway ko sa lalaking nasa harapan ko na pilit na inaalis ang kamay ko sa bibig niya.
"One time lang naman, Hon."Pakiusap nito ng matanggal niya ang kamay ko sa kanyang bibig.
"No." Mabilis kong sagot sa kanya. At tinakpan uli ang bibig niya.
"Sige na, babe." Medyo di ko maintindihang pakiusap nito dahil sa kamay kong nakaharang.
Bigla siyang tumahimik habang nakatingin lang sa akin. Dahil sa pagkailang ko, tinanggal ko na yung kamay ko. Tatalikod na sana ko nang bigla siyang kumanta.
"Nang ika'y, ibigin ko..."Panimula niya.
"Sandro!" Suway ko sa kanya at tatakpan na sana ulit yung bibig niya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Mundo ko'y biglang nagbago..."Pagpatuloy nito at saka hinalikan ang kamay ko.
Kanina niya pa ko gustong kantahan pero pinipigilan ko siya kasi mas lalo siyang kukulit pag hinayaan ko siyang ipinagpatuloy ito.
Tinignan ko siya ng masama.
"What?" Tanong nito na may ngiti na para bang nang-aasar.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sinubukang ayusin uli ang necktie niya, "Tama na yan. Di ko maayos yung necktie mo oh." Sabi ko dito.
"Nadidistract ka ba sa husky na gwapo kong boses?" Tanong nito na nagpatigil sa ginagawa ko. Pinantayan ko ang tingin niya sakin pero hindi ko siya nginitian.
Makalipas ang ilang segundo, inalis ko na ang tingin ko sa kanya at ibinalik ang atensyon ko sa necktie niya. "Hindi. Sintunado ka."
"Sintunado?" Naramdaman ko ang pagkalungkot at dismaya sa boses nito.
Tiningnan ko siya at tumango ako. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko dahil sa itsura niya. Nagbibiro lang naman ako, nasa tono talaga ang boses niya, sa totoo lang, ang gwapo nga ng boses niya, hindi masakit sa tenga. Sinabi ko lang yon para tumigil na siya.
Bigla siyang umayos ng tayo at huminga ng malalim, "Ito na talaga..."
Inirapan ko naman siya, "Sintunado na nga, pipilitin pa." Bulong ko.
"Aayusin na nga eh." Sagot nito pero di ko pinansin. "Akala ko ika'y langit... Okay na ba?" Pinatingin niya ko sa kanya, "Yun pala'y sakit ng ulo." Nginitian niya ako at kinindatan.
Walang sabi-sabing itinali ko ng mahigpit ang necktie niya dahilan para medyo masakal siya.
Bigla siyang napahawak nang mahigpit sa kamay ko, "Thea. Babe naman. Bakit?" Pilit na pagsasalita nito kahit na nahihirapan dahil sa pagkasakal nito.
"Mahigit limang minuto na tayo dito sa necktie mo oh. Di ko maayos-ayos kasi ang gulo mo." Sagot ko dito at mas lalo pang isinakal ang necktie sa kanya.
Nakakainis na kasi kanina pa ko ayos ng ayos ng necktie niya pero nagugulo.
"Ayan. Hindi na." Sagot nito at tumayo ng ayos at nanahimik na rin at kung saan saan tumitingin.
"Buti naman. Thank you." Pasalamat ko dito na may halong sarcasm.
"Naniwala naman sayo ngunit ako'y iniwan mo." Mahinang pagkanta nito nang nakadiretsong tayo lang. Pinabayaan ko na lang siya, di naman siya malikot eh. Pinagpatuloy ko na ang pag-ayos sa nakakalokang necktie niya.
"There you go." Sabi ko matapos maayos ito ng tuluyan. Inayos ko din ang office attire niya, pinadaan ko ang kamay ko para tanggalin ang mga konting lukot nito.
BINABASA MO ANG
My Married Life
RomantizmTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...