NILALAGNAT ako. Kagigising ko pa lang, ang sakit na agad ng ulo ko. Ang hirap pag may sakit ako, lalo na kapag ulo talaga ang tinamaan, hindi ako makakatayo buong araw. Ni hindi ako makadilat dahil pag ginawa ko yun, sigurado akong iikot paningin ko.
Hindi ko na aasahan si Sandrong alagaan ako, dahil the last time na nagkasakit ako, hinayaan niya lang ako at pinilit pang gumawa ng gawaing bahay. Resulta? Na-over fatigue ako at dinala niya ako sa ospital. Pero hindi pa rin tumitigil ang pagiging hayop niya, sinisi niya pa ako dahil hindi niya naattendan ang meeting niya.
Napasapo ko ang noo ko, paano na to? Huminga ako ng malalim at inirelax ang buo kong katawan. Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagbangon ng maramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko, hindi ko na kailangan hulaan kung sino ito.
"Good Mo- Hey, you okay?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Himala, hindi niya sinimulan ang araw ko ng "bumangon ka dyan."
Sasagot na sana ako nang naramdaman kong may tumabi sa akin at may dahan-dahang dumampi sa pisngi ko, "You have a fever?" Tanong uli nito. Tumango lang ako, ibinaba ko ang kamay na nakatakip sa noo ko papuntang mata.
"Bakit mo tinatakpan mukha mo?" Tanong uli nito. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na nakatakip sa mata ko na akmang tatanggalin, pinigilan ko agad ito gamit ang isa ko pang kamay.
"Wag. Masakit ang ulo ko." Alam kong walang magagawa ang pagtakip ng kamay ko pero pakiramdam ko may maitutulong ito.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Sandro sa tabi ko. Maya-maya naramdaman ko na naman ang pag-upo nito sa tabi ko. Hinawakan muli nito ang kamay na nakatakip sa mata ko. "Remove your hand." Utos nito pero umiling ako.
"Thea." Mahinhin pero babalang tawag nito sa akin. This time, hinayaan ko nang tanggalin niya ang kamay ko. Napakunot ang ulo ko sa sakit. Bigla kong naramdaman ang kamay niya na hinihilot ang sentido ko, nakaamoy ako ng parang menthol sa kamay niya.
"Anong nilagay mo?" Tanong ko sa kanya.
"Efficascent." Sagot nito.
Nakakarelax ang ginagawa niya sa akin, unti-unti akong nakakaramdam ng antok. Matapos ang ilang minutong paghihilot nito, tumigil siya at naramdaman ko ang pag-alis niya. Tatayo na sana ako nang may pumigil sa akin, "Don't."
Bahagya kong idinilat ang mga mata ko, nahihilo pa rin ako. Nakita kong may inilapit ito sa akin, "Inumin mo to."
Napatingin ako sa kamy niya, "Ano yan?'
"Gamot." Sagot nito.
"Gamot?" Tanong ko dito uli. Tanga ka ba Althea?
"Hindi. Lason." Sarkastikong sabi nito. Napairap ako na sana hindi ko na lang ginawa dahil nahilo uli ako, napangiwi ako. Hinawakan ni Sandro ang pisngi ko, "Inumin mo na kasi."
Kinuha ko ang gamot na hawak ni Sandro, may inilapit ito sa akin na baso, "Di mo na kailangan tumayo, nilagyan ko to ng straw." Sabi nito saka inilapit sa bibig ko ang straw, sumunod naman ako agad.
Inayos niya ang higa ko pagkatapos ay hinaplos-haplos ang buhok ko na nagpaantok sa akin lalo. Maya-maya ay inalalayan niya akong humiga sa isang matigas na bagay. Hinaplos ko ito, bigla kong naramdaman ang pagtaas at pagbaba ng bagay nito, nakahiga ako sa dibdib ni Sandro. Sa sobrang gulat ko parang nawala ang hilo ko at naitulak ko siya pababa sa kama.
"Ouch!" Sigaw nito matapos mahulog. "Why did you do that?" Tanong nito sa akin nang makabangon mula sa sahig.
Bumalik na naman ang hilo at sakit na parang dumoble, napapikit ako ng mariin. Gusto ko na maiyak dahil sa sakit. Naramdaman ko ang pagpanik niya sa kama ko.
BINABASA MO ANG
My Married Life
RomantizmTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...