Chapter 28: Althea's Revelation

41.7K 925 126
                                    

DALI dali ako lumabas ng banyo at bumaba para pumunta sa sasakyan ko at mabilisang binuhay ang makina.

"Positive. Positive. Buntis si Althea." Paulit ulit na sinasabi ng utak ko.

Binilisan ko ang pagmamaneho ko pero sinigurado kong magiging ligtas ako. Pagkadating ko sa lugar na tinitirhan ni Althea, bumaba ako ng mabilisan at tinakbo papunta sa harap ng pintuan ng tirahan nito.

"Althea!" Sigaw ko. Ngunit walang nasagot, mga ilang beses ko ginawa ang pagtawag sa pangalan niya at ang pagkatok ngunit wala pa rin. Kinabahan na ko kaya pilit kong binuksan ang pinto gamit ang braso ko.

Doon ko nakita ang asawa ko na walang malay sa may sahig. "SHT" ang tanging nasabi ko at hindi na ko nagdalawang isip pang buhatin ito at dalhin sa pinakamalapit na ospital.

-

"CONGRATULATIONS, Mr. Fuentebelde. Your wife is pregnant." Ngiting sabi sa akin ni Doktora. Napangiti naman ako ng sobra sa kumpirmasyong sinabi niya.

Magtatanong na sana ako kung anong naging rason ng pagkawala ng malay niya kanina at kung ilang buwan na ang pangalawang anak namin ni Althea nang mapansin kong nawala ang ngiti nito na napalitan ng pangamba.

"Ahm..." Panimula nito. "May-" 

"Doc, ako na ho magsasabi sa asawa ko." Napalingon kami pareho ni Doktora sa pinanggalingan ng boses. Mas lumaki ang ngiti ko nang makita kong gising na si Althea, dali-dali ko itong nilapitan at umupo sa upuan na katabi ng hinihigaan nito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Hi babe." Bati ko dito na di pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko at hinalikan ang kamay niyang hawak ko. Tinignan ako nito at ngumiti ng kaunti at inilipat ang tingin kay Doc.

"I respect your decision Mrs. Fuentebelde." Tungo ng Doktora sa asawa ko at ngumiti.

"Thank you, Doc." Pasasalamat naman nito. Matapos ay tuluyan nang lumabas ng kwarto ang Doktora.

"Magkakaroon na tayo ng second baby." Di na ko nakapagpigil dahil sa sobrang tuwa ko kaya masayang sambit ko dito habang hinahaplos ang buhok nito habang nakatingin lang ito sa mukha ko na parang kinakabisado ang bawat detalye nito.

"Di ka ba masaya, Thea?" Malungkot at takang tanong ko dito. Ngumiti naman ito at sumagot ng maikling "Masaya".

Makalipas ang ilang segundo, nakatingin pa rin sa akin si Althea na para bang may sinasabi siya sa akin pero sa isip niya lamang siya nagsasalita. Pinutol ko na ang katahimikan na bumabalot sa amin, "Thea, balik ka na sa amin ni Lily." Pabor ko dito na may halong pagmamakaawa, "Kailangan ko kayo mabantayan palagi ng bagong baby natin."

Namuo naman ang pagtataka sa mga mata nito, "You want this baby? Hindi ka galit?" Tanong nito sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya, "Bakit naman ako magagalit, babe? This is the best news I've ever heard." Sagot ko naman dito.

"But why weren't you happy nung pinagbubuntis ko si Lily?" Tanong muli nito. This time, parang may kung anong sakit akong naramdaman. Nakita kong nagsisimula nang magluha ang mga mata ni Althea.

"I'm so sorry about sa panahon na pinabayaan kita noong pinagbubuntis mo si Lily, walang excuse para dyan. Walang explanation ko ang magiging valid para sa ginawa ko dun. NI hindi ko nga kayang patawarin sarili ko sa ginawa ko sa inyo dati ni Lily hanggang ngayon." Sagot ko dito at napayuko.

"Sandro." Tawag nito sa akin at nakaramdam ako ng paghawak sa pisngi ko. Itinaas ko ang tingin ko kay Althea.

"I miss you." Mahinang nakangiting sabi nito sa akin pero malinaw para marinig ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanya sabay halik sa noo nito. "I miss you more, baby." at bumaba sa may labi nito upang halikan din, "I miss you so much."

Hinaplos ko ang pisngi nito at ipinagdikit ang mga noo namin, napapikit ako at napahingang malalim, "Bumalik ka na sa amin, please Babe. Nagmamakaawa na ko sayo. Bumalik ka na sa amin. Pangako ko sayo, hinding-hindi ako mawawala sa mga panahon na kailangan mo ko. Bumalik ka lang, please." Pagmamakaawa ko muli dito."

-

ALTHEA'S POV

"AKO na bahala sa mga gamit dito sa may kwarto ko, antayin mo na lang ako sa may sasakyan." Sabi ko kay Sandro na buhat buhat ang isang malaking box na may laman ng iilan kong mga gamit.

Pumayag akong bumalik sa bahay ni Sandro hindi para patunayan na totoo ang pangakong binitawan niya sa akin kung hindi para makasama ang anak ko. HIndi ko na kaya yung ginagawa kong paglayo ko sa kanya.

Dumiretso ako sa may kwarto ko para mag-impake ng ibang gamit ko.

Umupo ako sa may higaan ko para ilagay sa isang malaking box ang mga gamit ko dito. Nilagay ko ang mga libro ko na gabi gabi ko binabasa.

"Ano 'to?" Gulat na napatingin ako kay Sandro na nakaluhod sa may sahig at nakatingin sa nakabukas na box na galing sa ilalim ng higaan ko.

Bigla akong napatayo at bahagyang itinulak ito palayo sa box at taranta ko itong isinara.

"Althea, ano yan?" Madiin na tanong nito sa akin.

"W-wala 'to. Balik ka na dun sa sasakyan, ako na bahala dito." Natataranta kong sagot dito at ibinalik sa ilalim ang kahon.

"Hindi yan wala lang, Althea. Ano yan?" Medyo nataas na ang boses nito na halatang malapit na magalit.

Wag mo nang piliting alamin, Sandro. Naluluha na ko sa sobrang kaba at taranta, "W-wala nga." Garalgal kong sagot sa kanya.

Madiin na hinawakan ako nito sa balikat upang itabi ako para hilain ulit palabas mula sa ilalim ang kahon at tignan ulit ang nasa loob nito. Nararamdaman ko ang pagnginig ng buong katawan ko. Mas lalo akong kinabahan ng kunin nito ang laman.

"Uulitin ko. Ano 'to?" Kunot noong tanong ni Sandro, alam ko deep inside him, nagagalit na siya pero pinipigilan niya lang.

"Wala nga." Pagdidiin ko at pilit na kinukuha sa kanya ang hawak niya.

"Gamot 'to, hindi ba?" Tanong nito. "Para san 'to?"

Hindi ko ito sinagot ito at patuloy na kinukuha sa kanya ang hawak niya, samantalang, pilit pa rin nilalayo nito sa akin.

"Althea, ano 'to?!" Napasigaw na ito sa akin.

"Morphine yan! Morphines yan lahat, okay?! Para di ko maramdaman ang sakit." Sigaw ko dito pabalik.

Tila natulala naman ito ng ilang segundo at kinuha ko na ang pagkakataong yun para kunin ang gamot na hawak niya, this time, nagtagumpay ako.

"Morphines para san? Anong sakit? Thea, ano ba talaga nangyayari sayo?" Sunud-sunod na tanong nito sa akin.

HIndi ko na napigilang umiyak, lumuhod ako at ibinalik ang gamot sa kahon. Nakita ko ring lumuhod sa harap ko si Sandro. "Althea, ano ba talagang nangyayari?" Pakiusap nito pero hindi ko tinitignan ang mukha nito, hindi ko kaya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"I'm pregnant...















and dying."

-

Follow me on twitter and instagram. :) @gllybeean

Comments and votes are very much appreciated. :) Enjoy Reading!







My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon